I'm Talking about my Hopeless Love Story by Katy_Fern
Nagkaroon ka na ba ng crush? Oo di ba? E di kung ganun, pwede mong basahin to.
Crush mo nga pero di mo alam pangalan niya? E di kung ganun, pwede mong basahin to.
Panget ka? Kasi ako, oo. Na nagka crush sa isang gawapong nilalang? E di kung ganun, pwede mong basahin to.
***
Isang beses ko lang siyang nakasakay sa jeep.
Isang beses ko lang siyang nakasakay sa bus.
Pero ang maganda nyan, swerte ako kasi sa may bandang likuran niya ako nakaupo. Pareho sa jeep at bus.
Oo. Simpleng ganyan lang kinikilig na ako.
Bakit ko nga ba siya nakasabay? Kasi pareho ang school namin. Ako, second year college na taking up BSE major in Math hoping na mag th-third year na sa June. Hindi niyo alam yung BSE? Education na lang.
Antay antay din ng grades. Summer na pala ngayon .
Siya naman, di ko alam. Nung yun nga, sa bus. Narinig kong binanggit niya sa kausap niya ang salitang "MARKETING" so nag-conclude ako na related sa business ang kanyang course.
E de describe ko lang siya ha?
UNA: Matangkad. Tunay na matangkad. Mga malapit na siguro mag 6 footer o medyo lagpas ng unti.
PANGALAWA: Hindi maitim, pero hindi rin naman maputi. Pero malapit lapit na rin sa maputi.
PANGATLO: May nunal siya sa bandang pisngi niya. Mga 3 inches away sa nose niya tapos approximately 3 inches above his lips.
PANG APAT: Soft-spoken
PANGLIMA: UNREACHABLE :(
Tuwing Monday, 7AM.
Lagi kasi di bang may flag ceremony.
Ako naman, laging maagang napasok. Wala lang trip lang. 7 kasi pasok ko e.
Dalawang Monday ko siya nakikitang nababa sa bus. Tapos tina try ko pang tingnan yung yung I.D niya para lang malaman name niya. Pero yung tipo namang di obvious. Stalker na yata ako? Pero bigo ako.
Siya ang nagiging external motivation ko minsan sa exam para makakuha ng mataas na marka. Tuwing nakikita ko lang naman siya at nagkakataon na may exam kami. Pero sa tingin ko dalawang beses lang yun.
Ah, I forgot to mention. Taga samin din pala siya. Kaso di ko naman alam kong saan talaga. Ang dami kayang sari saring subdivision dito samin. Malay ko ba kung saang lupalop ng subdivision siya nakatira.
Matagal tagal ring hindi ko siya nakita. Lagpas isang buwan na yata?
Pero ngayong araw, summer na ha? Summer. Wala lang, tutunga tunganga lang dito sa bahay.
Hapon na. Sinusulat ko yung Heartprint presents:
nang parang may nakita akong familiar na familiar na lalaki sa harapan ng bahay namin. Tapos may kasama siyang babae. Nakatalikod kaya napagkamalan kong girlfriend niya.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. At lumapit sa may pintuan para makita kong maigi kung tama ba ang nakikita ko o nag iimagine lang ako.
*dug dug dug dug* ˂3 ˂3 ˂3
Biglang humarap yung babae. Nanay niya pala kausap yung nanay ko.
Ay. Sino nga ba yung familiar na familiar na lalaking yun??
E di yung CRUSH ko!!
Ayooon!! Susme! Hindi talaga ako mapakali. Medyo nahilo pa talaga ako! Yung crush ko nasa labas ng bahay namin!! Na realize ko, napakaliit talaga ng mundo. Akalain niyo yun?
Dahil likas na chismosa na ako, nakinig na ako sa usapan nila.
Tinatanong nung mama nung crush ko kung pinapaupahan yung katapat naming bahay.
So meaning???? May chance na maging magkapitbahay kami ng crush ko!!
ANG SAYA SAYA \(o^^o)/ PARTEEEY PARTEEEY
Tapos pinuntahan nila yung may ari nung bahay. Ako naman lumabas para maki echos. Tapos ngiting ngiti pa ako.
May kasama pala si mama. Yung kapitbahay namin. Lola.
"Classmate mo?" tanong nung lola.
Umiling ako. E di kung classmate ko yun dapat pinansin ko na di ba?
"Di ba sa ****** University un nag-aaral?" tanong ni mama.
Tumango ako. Waaaaaaah. Ibig sabihin kilala sila ni mama.
"Ano course niya? Engineering?" tanong ulit ni mama." Nagkibit balikat ako.
"E di nakikita mo siya sa school niyo?" tanong ulit ni mama. Tumango ulit ako.
"Kilala mo siya?"
Tumango ako.
"Crush mo?" tanong naman nung lola.
Ayun ! Bull's eye!
TUMANGO AKO NG BONGGA.
^_______^ reaction ko.
NAPAKASAYA KO TALAGA NGAYONG ARAW NA TO :)
PINASAYA NIYA ANG ARAW KO.
Masaya na ako sa ganito. Yung kahit sulyap sulyap lang masaya na ako.
At least, alam kong pareho kami sigurong naiirita sa ingay dito samin.
At least, alam kong malapit lang pala siya sakin.
At least. At least. Puro at least.
At isa pa, alam ko namang di niya naman ako mapapansin kasi panget ako.
PANGET.
Sabi nga nila, kahit daw hanggang crush crush ka lang di mo pa rin daw maiiwasan ang di mag expect.
Para sa akin, pwede namang hindi mag expect in return e, matuto ka lang makontento.
*NO END*
Pa comment naman po kung nagustuhan nyo po. Salamt po. Baka sakaling mainspire pong magsulat ng fiction yung author ^____^
PA FOLLOW NA RIN PO :)
SALAMAT PO NG MARAMI ^^ tenchu tenchu