PROLOGUE

1 0 0
                                    

"Oh, ano oras na gising ka pa?" bungad ng nanay ko sa may pintuan ng kwarto ko. Kakamot-kamot ng ulo ako napatingin sa kanyang gawi.

"heheh, 'di ko pa tapos ma, eh. Mamaya ng 8am ang submission nito. Pagod na nga." Nguso ko habang tinetech-pen na ang mga linyang nakapencil sa aking canson paper na 20x30in ang size.

"Gusto mo kape?" tanong nito habang nakiki-usyoso sa aking ginagawa ng nakapamaywang.

Tatango-tango akong sumagot habang inaadjust ang pwesto ng aking drafting table para mas maging kumportable ang aking pwesto. Umalis na siya sa tabi ko at rinig ko ang kanyang yabag na palayo nang palayo sa aking pandinig.

Lumingon ako sa aking kanan, kung san nakapwesto ang bintana. Pinagmamasdan ang nag aagaw kulay na blue at yellow sa langit. Binuksan ko ang phone ko nang matignan ang oras.

4.15am

Shet. Dire-diretso na ako gumawa ng plate ko after dinner kaya di ko na napansin ang oras. Iba talaga kapag kina-cram ang midterm plate.

Gagawa na sana ulit ako ng may marinig akong putok ng baril, at matinis na sigaw. Gulat akong napatayo at dali-daling sumilip sa kusina.

Malinaw na malinaw sa paningin ko ang mga sumunod na eksena. Tinutukan ulit ng isang matangkad na lalake ang nakahandusay ko ng nanay sa bandang ulunan at sunod-sunod na putok ang muling umalingawngaw sa kusina.

Mama...

A.R.Where stories live. Discover now