Cast:
Jake Vargas - Jess Romualdez
Bea Binene - Keana Quintera
Rachelle Anne Go - Shin
Kempee de Leon - Chandra
Joyce Ching - Cindy
Kristoffer Martin - Miguel
Hiro Magalona - Andrew
Thea Tolentino - Claire
Christian Bautista - Ian
Keana Quintera had no plans for the summer.
Actually, that's not entirely right. Kung tutuusin, may plano naman talaga si Keana na gawin para sa summer niyang iyon; ang matulog, humilata, tumambay, at maglakwatsa kahit pa nalaman niya na karamihan sa mga kaibigan at kaklase niya ay magsisi-walaan lahat during most of the summer. Yung nag-iisang maiiwan na si Cindy ay alam niyang uubusin lang ang summer kasama ang boyfriend nito na isa rin sa mga barkada nila, si Miguel.
As for Keana, wala siyang boyfriend na pag-uubusan ng oras, hindi dahil sa walang nagtangka pero dahil sa wala pa siyang interes doon, or to be more precise, hindi pa dumarating yung lalaking pagkaka-interes-an niya. And it was all good! Masaya na siya sa naiisip at nakikita niyang mga maaari niyang gawin at hindi gawin para sa summer niya.
Pero dahil umuwi ang nakatatanda niyang kapatid na si Ian, siyempre, nagulo ang lahat ng plano niyang iyon at nakita na lang niya ang sariling naka-enrol sa isang summer workshop na target i-identify ang mga natural na kakayahan ng isang tao. Buti na nga lang at nakumbinsi rin niya pareho sina Cindy at Miguel na mag-enrol din para maging karamay niya.
Akala ni Keana, it's going to be her lamest summer yet.
And then nakilala niya si Jess.
Actually, it's more of nakita niya kaysa sa nakilala ang lalaki. "Intro to Singing" ang topic nila noon, ang unang topic sa workshop na iyon pagkatapos ng orientation. Kung tutuusin, hindi pa naman masyadong bored si Keana pero hindi rin naman siya ganoon ka-interesado, di katulad ni Miguel na tila engrossed na engrossed sa naririnig. May boses naman kasi si Miguel kung tutuusin, hindi nga lang nito masyadong napagtutuunan ng pansin dahil parati na lang na basketball ang nagiging focus nito.
Palihim na naglalaro na lang sila noon ni Cindy nang biglang bumukas ang pinto dahilan para matigilan silang lahat.
Noong una kasing nagbukas ang pinto na iyon matapos magsimula ang kanilang topic, tinalakan ni Chandra, ang bading nilang trainer, ang lalaking pumasok noon, the guy they later knew as Andrew. Well, not so much as "talak" really, just that nag-comment ito tungkol sa pagiging late ni Andrew. Walang nagawa ang pobre kundi yumuko na lang at dumiretso sa likuran habang nagso-sorry rito.
Kaya naman nahigit ng lahat ang kanilang hininga, kabilang na roon si Keana, sa pag-aakalang magkakaroon ng part two ang pangyayaring iyon. Pero iba ang nangyari.
"Nice of you to join us, Mr. Jess Romualdez," nakataas kilay na bulalas ni Chandra nang pumasok ang isang di katangkarang lalaki sa pintuang iyon.
Hindi naman tono o mukhang galit si Chandra sa pagkakataong iyon pero para kay Keana, sapat nang nakataas ng ganoon ang kilay nito para kabahan ang kahit na sino, lalo pa ang isang taong late na pumasok sa workshop nito. After all, after the earlier incident, hindi na imposibleng mag-explode pa ito.
Pero sa halip na mangatog ang tuhod, ngumiti lang ang tinawag nitong Mr. Jess Romualdez.
"Good morning Chandra! Sorry late ako," anito.