Thursday!

16 0 0
                                    

Dapat iuupload ko 'toh nung Valentines Day. Kaya lang tinamad ako tapusin. Hahaha. Thursday naman ngayon eh. Pagbigyan na. Enjoy reading. *wink*

Papasok na ako sa klase ko...

Along the corridor ang daming tao, ang aga naman yata nilang pumasok? Sa school kasi namin di naman uso ang pumasok na maaga, kapag may mga okasyon lang. Ewan ko ba sa mga estudyante dito. Pero may nakakalimutan nga ba ako? Hmmmm...

Anong araw ba ngayon? THURSDAY. Nothing special. Sa pagkaka-alam ko.

Haaaaayyy. Ewan. Bahala sila.

Dumiretso muna ako sa Comfort Room. Tinignan ko lang yung sarili ko sa salamin. Tinitigan kong maigi yung repleksyon ko, lalo na yung mga mata ko. Hahahaha. Feel na feel ko talagang tignan yung mata ko, nagagandahan kasi ako. Ewan ko may pagkabaliw din kasi. Atsaka gawain ko din 'to pag kinakabahan ako.

And you read that right, kinakabahan ako sa di malamang dahilan.

Nakoo Jane! Mukha ka ng TANGA!

Bakit ka naman kakabahan? Eh wala namang dapat ikakaba. TAMA. Wala naman.

Ayy, ano ba 'to? Kausapin daw ba ang sarili. Shan Cai lang?!

Mukha na kong shunga =__=

Lumabas na ako ng Comfort Room. Pupunta na ako sa first class ko. Nasa fourth floor yun at sa kabilang building pa. Haaaay nakakatamad pero no choice.

Hindi pa ako nakakalayo sa CR nang biglang may nag-abot sa'kin ng red rose nqa may nakasabit na sulat, "Never fail to smile 'coz you'll never know who's falling inlove with your smile. :)" 

Bigla akong may naramdaman na something sa tyan ko. At parang umiinit ang pisngi ko. Hay ano ba 'to?! 

Magthathank you na sana ako sa nagbigay. Pero pagtingin ko sa kanya wala na.

Pinagpatuloy ko na lang yung paglalakad ko. At halos lahat ng taong madadaanan ko aabutan ako ng flower na may nakasabit na sulat. Tapos tatakbuhan ako.

Hayyy. Until now wala pa rin akong idea sa nangyayari. Malapit na ko sa classroom namin.

Pero napahinto ako kasi may lalaking nakatalikod. Pero alam mong may hawak siyang gitara.

Sinimulan niya nang tumugtog...

Mhmm, uh-huh, yeah, yeah, alright

Mhmm, uh-huh, yeah, yeah, alright

Palingon na siya...

Nang biglang..

Parang lumalabo siya..

At ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtawag sa pangalan ko..

JANE!

JANE!

JANE!

JANEEEEEE!

~

"JANEEEEE! HOY BABAE! TULALA KA NANAMAN JAN!"

Ahhh.. Ehhh.. Ano ba yan?! Hindi ko tuloy nakita kung sino yung lalaki! Badtrip naman oh. Yung bungangera ko pang bestfriend tinatalakan nanaman ako.

"HOY BABAE, GISING KA NA BA? O NAGDADAYDREAM KA PA RIN?!"

Aish. Napakabungangera talaga niyang bestfriend ko. Angel. Angel ang pangalan niya. Hindi bagay 'no?!

"Ughhh...."

"SA WAKAS NAGSALITA KA RIN. AT LAST. ALAM MO BANG UWIAN NA AT TAYO NA LANG ANG NATIRA. NAGDAYDREAM KA NA NAMAN."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thursday!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon