CHAPTER 3 (THE EPIC PROPOSSAL)

1 0 0
                                    

TWO YEARS LATER

This way to Dune Oasis, sinundan ni Mark kung saan nakaturo ang arrow sa signboard. Pakanan, palayo sa sea route.

Napangiti si Mark. Kaya pala dito napiling magbakasyon ni Cleo. The drive itself is fulfilling enough. So full of nature. Oo nga at mainit, hindi niya iyon masyadong ramdam dahil sa nagtatayugang palm tress sa gilid ng kalasada. This is the kind of place he considers paradise. Tahimik. Malayo sa maingay na siyudad. Perfect for the biggest surprise he had for Cleo.

Kinapa niya ang kaheta sa bulsa ng katabing back pack. He is going to pop the question tonight. Kabado man, he is still optimistic.

Because what could possibly go wrong? Apat na taon na niyang kasintahan si Cleo. Ito na ang tamang panahon para lumagay sila sa tahimik. Sana lang ay hindi siya mapapahiya.

Sana lang...

Two minutes and he arrived at Dune Oasis Luxury Villa, set behind an automatic wide gate na kusang bumukas nang matapat siya roon. Lumabas ang may katandaang lalaki. Maitim, halatang babad sa araw. Nakasuot ng straw hat, cargo shorts, sando at crocs slipper na itim. Ito marahil ang care taker ng villa.

"Rented out na po dito, Sir." Anito. Meaning, nirentahang buo ng guest ang villa.

Nagtaka kaagad si Mark. Ang paalam ni Cleo ay mag-isa lang nitong bibiyahe. Why would she rent the entire place if she's alone?

"I'm with Cleo..." Aniya rito.

"Si Cleopatra Welsh po?"

"Yes, Sir. Miss Cleo Welsh. She wasn't expecting me pero susurpresahin ko sana siya." Ipinakita niya rito ang larawan nila ni Cleo sa pitaka. Kuha noong nasa Casa del Rio sila nina Cleo...two years ago.

Napatango ito matapos kilatisin ang larawan.

"Sandali lang sir, tanungin ko muna sila."

"Sila?" Lalong nagtaka si Mark.

"Anim po sila. Bale, ano ka ho ni Madam Cleo?"

"I'm his b-bestfriend, Mark Antonio." Humigpit ang hawak niya sa manibela. "You can ask her while I wait here outside."

"Hindi na po kailangan.Kayo po yung nasa Japan?"

So, he heard? Tumango siya si Mark. He is in the international trade business kaya kung saan-saan siya napupunta. His last business trip was in Japan. Executive meeting with the Japanese tycoon, Asami Dai.

"Just got back yesterday." Hindi rin niya iyon sinabi kay Cleo. Kasi nga, gusto niya itong i-surprise.

The man smiled apologetically saka tumabi, signalling him to proceed inside. "Deretso po sa garahe, Sir." Itinuro nito ang covered parking sa kanang bahagi ng malaking bahay.

Bumilis ang tahip ng dibdib niya nang makita ang tatlong pamilyar na sasakyan sa garahe. Pero higit na nakaagaw sa atensyon niya ang blue Bentley Continental GT...sasakyan ni Logan Armani. Bestfriend ni Cleo. The two other cars belonged to Cleo's two other friends, Lance and Carl.

Natanaw niyang may infinity pool sa likod ng bahay. Ang nakapagtataka, walang tao. Asan na si Cleo at ang mga kasama nito?

He sank in his car seat, nagbuga ng hangin at nang sana ay gumaan ang namimigat na dibdib. But the deeper he sigh, the deeper the pain seemed to bore through his chest. Walang kasing sakit. Mariin niyang naipikit ang mga mata, deciding whether to turn back or stay.

Clearly, niloloko lang pala siya ni Cleo. So...wala nang proposal na mangyayari. Why stay?

And if he turns back...no. He could be wrong. Marami ang namamatay sa maling akala. He's got to know the truth.

HIS UNMITIGATED DISASTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon