PROLOGUE

20 2 0
                                    

When did I lose my girlhood?

Maybe when I turn 18. Life starts to evolve and my younger self is not prepared for the change that's about to happen to me back then.

Teenage years, it is a moment in life when the canvas of life becomes portrayed with vibrant hues of curiosity, rebellion, and the search for one's place in the world. The spotlight rises on a stage where emotions run wild, hormones surge like raging tides, and the heart beats to the beat of dreams and desires.

Friendships become the anchors in the storm of adolescence, as bonds are forged in the fires of shared experiences and secrets whispered in the twilight hours.

Being a teenager is fun, where you don't need to worry about things or what can go wrong if we do this or that. We're just normal teenager anyway. Ang tanging nasa isip ko lang noong kabataan ko ay kung papagalitan ba ako ni mama kapag anong oras na ako umuwi, pero habang kasama ko pa ang mga kaibigan ko ay hindi bale sa akin kung anong oras na umuwi, basta't kasama ko sila.

"Sino yung may mga boyfriend dito?" narinig ko tanong ng speaker para sa mental health symposium na nagaganap ngayon sa school namin. Bigla naman nag ingay ang buong gymnasium dahil sa tanong na iyon ng speaker. Kapag sa mga ganitong topic talaga ay buhay na buhay ang mga estudyante.

Kanya-kanyang turuan pa sila sa mga kaibigan nila na alam nilang merong mga boyfriend o di kaya naman ay girlfriends. Napuno ng kantyawan ang hall dahil doon.

"Alam nyo ba na iilan lang ang couple na tumatagal talaga lalo na kapag sa ganitong edad sila nagsimula bilang boyfriend and girlfriend. Kaya tingnan nyo na 'yang mga kakilala nyo at baka sa susunod ay kung hindi man sa reunion nyo ay baka sa kasal na nila kayo magkita-kita." hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kabilang side ng gymnasium, natigilan ako nang makitang nakatingin na rin pala sya saakin.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng mapait habang nagtatagal ang tingin sa mga bughaw nyang mga mata. May kirot akong naramdaman sa aking dibdib nang agad itong nag iwas ng tingin. I gulped hard.

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang bagong tugtog, napakurap ako ng ilang beses at agad tumingin sa pintuan ng simbahan. Sa pag bukas ng malaking pinto ay bumungad saakin ang nakaputing gown na babae na may malaking ngiti sa labi kahit natatakpan ang mukha nito ng veil.

Hindi ko maiwasang hindi maluha habang naglalakad ito nang dahan-dahan patungo sa altar. Agad kong kinuha ang tissue sa bulsa ng gown ko, mabuti na lang talaga at may bulsa itong gown na pinasuot saakin, ready na ako dahil alam kong maiiyak ako kapag nakita ko na si Daphne na naglalakad.

Ngumiti ito saakin nang magtama ang mga mata namin nang makarating na sya sa altar. I wink at her and she laugh.

Pagkatapos ng kasal at dumiretso na kami sa reception area. Busy pa ang bagong kasal kaya naman nanatili akong nakaupo, minsan ay ngumi-ngiti ako sa mba kakilala ko o mga naging classmates namin noon.

Nang makita kong papalapit saakin si Daphne ay agad akong tumayo at sinalubong ito ng yakap. "Ang ganda mo!" puri ko dito habang nanatiling nakayakap.

"Ikaw! Nakakainis ka, mas lalo akong umiyak nung nakita kong umiiyak ka na." paninisi nito.

"Sinabi ko na sayo di ba na maiiyak talaga ako kapag nakita kita na naglalakad."

Huminga ito ng malalim at sinandal ang ulo sa ulo ko, magkasing tangkad lang kami kaya di nalalayo ang mga ulo namin na nakasandal sa isa't isa.

"Who would've thought na ako ang unang ikakasal saatin?" tumingin ako sakanya at tipid na ngumiti.

"Daphne and I are friends since High School, kaya alam na alam ko na ang liko ng bituka nyan," narinig ko ang tawanan ng mga bisita matapos kong sabihin iyon. I am giving my message to my friend and also to her husband.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

King of My HeartWhere stories live. Discover now