Last year of being a highschool student.
Bagong school year na naman. Grade 12 na kami at graduating na ng Senior High School. Nakaupo lang ako ngayon sa kotseng minamaneho ni mommy habang binabaybay ang kahabaan ng Avenida.
Nakatingin lang ako sa labas. First day of class.
"Dane, honey complete na ba ang mga gamit mo for school?" napatingin ako kay mommy dahil sa tanong n'ya.
Tumango lamang ako. Sinulyapan naman niya ako sa mirror para sa sagot ko.
"Sabihin mo lang kapag may kulang pa ha? Bibilihan kita after duty ko."
Muli akong tumingin sa labas. Alam ko naman na kapalit ng lahat ng pagbibigay nila ay ang mataas kong grades.
Disappointments.
Failed grades. Bad comments.
Yan ang ayokong matanggap nila sa'kin. Hindi dahil sa pagagalitan nila ako. Kundi lahat halos ng gusto ko ay nakukuha ko kaya bilang ganti ay ang pagbubuti ko sa pag-aaral ko.
Masaya naman ako sa mga ginagawa ko sa buhay tulad na lang ng pag-aaral ko. Ngunit may takot pa rin ako na makadisappoint dahil simula elementary ay consistent honor student na ako.
"Dane, you forget to kiss mommy." sigaw ni mommy nung dire-diretso ako maglakad paglabas ng car.
I'm not this kind of daughter na clingy. So binalikan ko si mom para i-beso na lang s'ya.
"Don't forget to drink lots of water ha? Yung food mo rin! Maraming nagugutom.." ayan na lamang ang narinig ko kay mommy dahil pumasok na ako sa gate ng school namin.
I understand na kahit sinong nanay ay ganyan sa mga anak nila. Mother's love are unconditional but some part of me are guilty because I found it sometimes annoying. Like I'm a grown child! pero tingin pa rin sa'kin is parang batang nasa pre-school level.
"Dane! Pst!"
Si Akisha na nasa likod ko ay sinisitsitan ako. Bestfriend ko since grade 11. All the chairs are single kaya walang upuan na magkatabi. Sad dahil hindi kami magkatabi.
Nilingon ko s'ya. "Ano?"
"Play tayo." she said it sweetly with a grinned face. "Wala pa naman teacher."
Uh games na naman s'ya. I hate playing games. Tinuon ko na ulit ang atensyon ko sa harap. I hate whatever kind of games. Aware naman ang isang 'to na hindi ako naglalaro so bakit n'ya ako inaaya?
I heard her murmuring some words pero hinayaan ko na lang s'ya. Naiintindihan naman n'ya ako at nagbabakasali lang s'ya na baka bumigay ako at maglaro rin.
All I wanna do is to study. Study with no distractions. Yes, tingin ko sa games ay distraction. Mapa online man o hindi.
"Alright, good morning HUMSS 12-A" ani teacher namin.
"Good morning.." naputol ang pagbati namin sa kadahilanang hindi namin alam ang name ng teacher.
Nagsulat s'ya sa blackboard ng kaniyang name at humarap ulit sa'min.
Mrs. Santos.
Muli ulit kaming bumati. "Good morning, Mrs. Santos. Good morning classmates. It's nice to see you again."
Sumenyas si ma'am Santos na umupo kami kaya umupo na kami. Doon na nagsimula ang orientation sa klase n'ya. Teacher namin s'ya sa Media and Information Literacy. Orientation pa lang dahil first meet namin sakaniya. Mga do's and don'ts sa loob ng class.
"Last rule. Ang rule number 5 ay bawal maglandian sa klase ko."
Nagkatinginan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni ma'am. Napailing na lang ako. I won't break that rule of Mrs. Santos. Study first ang atake ko. Priority ko talaga ang studies. Kung magkakaroon man ako ng boyfriend iyon ay kapag nag 18 na ako.
Napailing ako sa naisip. Ayoko pa talaga. Kahit magcollege pa ako.
"Okay class, you will introduce yourself one by one. Let us start at the back." sabi ni Mrs. Santos.
Nanlaki ang mata ni Akisha dahil s'ya ang tinuro na nasa dulo sa kanan at pinakalikod. Sumenyas pa s'ya kay ma'am kung s'ya ba at s'ya nga raw. Natawa ako sakanya. Ang kulit.
Nang ako na ang magpapakilala ay agad na akong tumayo sa harap bago pa makarating sa kinauupuan ang sinundan ko.
"Good morning, everyone. I'm Daenerys Laine Acosta. You can call me "Dane"..
"Ay akala ko baby." sabi ng isa kong kaklase na nagkacrush na sa'kin last year. Nagkantyawan tuloy sila. Ang lakas makadistract ha? nakakapikon.
"Pst. Magtigil ka. Rule no. 5 'yan diba?" saway ni ma'am. "Okay, Dane please proceed."
"Uhm.. I'm 17 years old. I'm from Quezon City, lahat naman tayo siguro nakatira dito sa Quezon City.." shuta nagawa ko pang magbiro dahil pang adlib ko sa kanina.
Nakita ko lang tumango si ma'am at nagtawanan ang mga kaklase ko.
"I'm the former president of the class, HUMSS 11-A. My hobby is to read books and study." dito ko na lang siguro puputulin 'to ayoko na gusto ko nang umupo. Masyado na akong gumagawa ng eksena marami pang magpapakilala.
"Thank you, Dane. So ikaw pala ang former class president nila?" tanong sa'kin ni ma'am.
"Yes po." tumango tango ako. Please ma'am, gusto ko na umupo.
"You're so pretty also." puna pa ni ma'am. "Hindi ko pa pala nababanggit sainyo ano. Ako po ang magiging class adviser n'yo ngayong school year."
Ayoko na pong magpresident.
Hinawakan ako sa balikat ni ma'am Santos.
"Mamaya mageelect na tayo for class officers okay?" agad namang sumagot ang mga kaklase ko sa tanong na 'yon ni ma'am.
Tinapik n'ya lang ako bago ako pinaupo. Ma'am naman retired na ako eh. Bakit naman po gusto mo pa yatang maging president ulit ako? Uutusan mo lang ako ma'am eh.
"Wow, mukhang president ulit ang bestie ko." asar sa'kin ni Akisha nang makalapit ako sa upuan ko.
Nang makaupo ako ay hinarap ko s'ya. "No thanks, Akisha Jade."
"Sus, kunware pa ang bebe na'yan." asar n'ya sa'kin at muli na akong humarap sa harapan dahil may mga nagpapakilala pa.
"If want n'yo, kayo na lang." mahinang saad ko.
Nadrain ako sa pagiging class president. Imagine, 40+ ang classmates ko. Secretary na lang naaasahan ko noon, minsan nasa date pa. Ang ending kapag busy s'ya ako na umaako ng tasks dahil kung hihintayin ko pa s'ya eh baka malate ako ng pasa sa teachers ng kung ano-anong forms na 'yan.
Kami pa rin ang naniningil dahil yung inelect naming treasurer eh nagdrop out kalagitnaan ng first sem noong grade 11. Walang gustong kumuha ng posisyon n'ya as treasurer kaya kami na lang din umako ng paniningil every time na may ambagan.
"Hays uwian na rin!" sabi ni Akisha sa tabi ko habang nag-uunat unat. "Gusto mong ice cream? Libre ko."
Tumango na lang ako. Wala na akong energy. Pumayag din ako sa offer n'ya dahil hindi ko aakalaing nakakastress ang first day.
"Yown! Salamat Ms. President." masayang sambit n'ya at kumapit sa braso ko.
Haha! Guess what?
I was elected as the Class President of Humss 12-A.
Elected again.
Goodluck.
Goodluck self.
---------- xoxo
YOU ARE READING
Rays of Sunshine
Teen FictionDaenerys is an academic achiever who wants to study all the time. She hates people who doesn't want to study and only wants to play. Until one day, there was an incident when Daenerys was told by their teacher to put an eye on Seann, her troublemake...