Prologue

1 0 0
                                    

"Pwede ba sa susunod, Kay, do'n ka naman matulog sa Papa mo. Naririndi ako rito sa bahay kapag andito ka. Lagi kang may nasasabi sa mga kapatid mo, e magkaiba naman kayo ng tatay," sabi ni Mama habang dinuduyan ang isang taon niyang anak.

Ganiyan talaga si Mama araw-araw. Pinapauwi niya ako kay Papa, e mas malala naman doon.

Hindi na lang ako sumagot, at tumango na lamang. Ayaw ni Mama na kinakausap ko ang mga anak niya, kasi hindi ko naman daw sila kapatid kay Papa. Ganiyan siya ka bitter, oo.

Hindi na big deal sa akin 'to. Ganito talaga ka gulo ang buhay ko. Hindi pa ako ipinanganak, hiwalay na sina Mama at Papa, dahil may jowang iba si Papa. 5 months nong nalaman ni Mama na buntis siya sakin, at si Papa ang Ama. Walang nagawa si Mama, kaya gumanti na lang siya, 10 months pa lang silang hiwalay ay nagkaroon din siya ng jowa.

Tahimik akong umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko. Oo, kahit halos itaboy na ako ni Mama, binigyan niya pa rin ako ng kwarto rito sa bahay nila. Mabuti na nga lang mabait si Tito Kenth.

Niligpit ko ang aking mga gamit na dadalhin sa school. After fixing it, lumabas na ako nang kwarto at nagpaalam kay Mama.

I'm Khaos, 2nd year college, secondary education major in social studies. If you are expecting na architecture,  engineering, nursing o kung anong course man ako riyan, well you're basically wrong. Marami ang nagtatanong sa akin, bakit daw teacher pa ang kinuha kong profession. Bakit, ano ba ang mali sa pagkuha ng education?

I love to teach. I love children. School is my home. Hindi niyo alam kung anong fulfillment ang nararamdaman naming mga educ students kapag nakakapag volunteer kaming mag turo.

Low sallary? You could only say that kung income lang ang habol mo sa course mo. Without the enjoyment and your will, magiging mababa talaga ang tingin mo sa kung ano man ang tinatahak mo ngayon.

Napahinto ako sandali nang mapansin na may nakaharang na payong sa harapan.

"Uhm, excuse me," sabi ko habang tinitignan kung sino ang humahawak ng payong.

Nong mga dalawang minuto na nang hindi niya ako pinansin ay huminga ako nang malalim at kinulubit siya habang nakangiti

Nakabusangot naman siyang humarap sa akin. "Yes? Bakit? Pwede ba huwag mo akong kinukulubit, hindi naman tayo close," diri-diretso niyang sabi at pagkatapos ay umalis na.

Napanganga naman ako. Bakit ganon yon magsalita?

Gwapo sana pero ang ingay.

TranquilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon