"Khay! PE raw natin mamaya! Cancel daw yong ROTC!" sigaw ng kaibigan kong si Janelle habang tumatakbo dala yong PE uniform niya.
Sasagot na sana ako ng oo pero sht! Wala akong dalang PE uniform kasi who would have thought na wednesday na wednesday at imbis na ROTC ay biglang ginawang PE?
Hello? Ano gagawin? Naka ROTC uniform habang nag v-volleyball?
Napahinto ako sa ginagawa kong lesson plan dito sa may bench ay agad na tumayo para mag hanap ng uniform sa kabilang section.
Pumasok kaya si Jade? Shit, puntahan ko kaya siya sa English building kahit andon yong kaisa-isa kong ex?
No way. Baka sabihin na naman ng girlfriend niya na hindi pa ako naka move on. Ok pass.
Let me think. Sino kaya ang masipag sa mga kaibigan ko na magdala ng PE uniform kahit hindi naman PE day?
Nag-iisip ako nang biglang nahagilap ko si Rose na may dala-dalang PE uniform.
"Rose!" Sigaw ko nang nakangiti. Kunot noo naman siyang tumingin sa akin.
"Ano na naman yan aber? Wala akong lipstick na benta ngayon, sa susunod na araw na lang," mabilisan niyang saan.
Ngumiti ako lalo nang malawak. "Ano ka ba! Hindi yon! Hehe, baka naman Rose, hindi niyo pa naman PE ngayon diba? Pwedeng hiramin ko muna yang uniform mo? Promise, ako ang maglalaba!" Nagmamakaawa kong sabi habang nakataas ang dalawang palad.
Kunot-noo naman siyang tumitig sa akin. May sasabihin na sana siya pero hindi niya ito masabi kaya ay ibinigay na lamang niya ito sa akin.
"Yes! Thanks."
"Ibalik mo agad, ah." Kamot-noo niyang sabi at nagmadaling nagpaalam. Kumaway din ako agad.
Yes. Wala ng minus points. Makabihis na nga.
Nagmadali akong pumunta ng cr sa may science building. Wala trip ko lang na dito magbihis kasi ito ang pinakamalapit sa gym.
Nang makapasok ay agad jong iginala ang ang mata.
Walang tao.
Good. Baka may makakilala pa sa akin at isumbong ako sa Dean. Bawal pa naman gumala-gala sa hindi mo building lalo na pag class hours.
Bakit medyo malaki tong t-hirt? Mahilig ba si Rose sa oversized? Parang hindi naman, ah?
Oh, well. Bahala na.
Nagmadali akong lumabas ng cr at patakbong tinahak ang gym.
Pagkarating ay pansin ko na medyo marami-rami na rin sa kaklase ko ang nandito.
"Khay!" Tawag sa akin ni Ashley. One of my best friends. Mukha lang siraulo pero siraulo naman talaga.
Kumaway ako sa kaniya. Lalapit na sana ako nang biglang dumating si couch at pinapwesto na kami sa gilid ng court.
Oo, magv-volleyball kami. Pero di ko sinabing marunong ako, HAHA.
Tumalikod ako sandali para ipitin ang buhok nang may narinig akong suminghap sa likuran ko kaya ay lumingon ako agad.
Sakin sila nakatingin?
"Bakit?"
Tinuro naman nila yong likod ng suot kong t-hirt. Thinking na baka may ahas o ano ay agad napatingin.
Wala namang kakaiba. Wala namang ahas. Wala ring dumi. Same uniform lang din naman. May logo. May pangalan.
BINABASA MO ANG
Tranquility
Teen FictionThis is not the story that you'd always read. A story about an educ student who faced different dilemmas in her life. She's named after a mythical name, Khaos. Worth to hear indeed, if you wouldn't know the name behind it. Chaos in english, Khaos na...