MULA NANG makatuntong ako... Ay hindi pala. Hindi pa man ako nakakatuntong sa pomosong subdibisyon na iyon ay pinangarap ko na ng wagas ang magkaroon ng bahay roon. I'm talking about the famous RANCHO ESTATE VILLAGE in Marikina Heights. Bakit nga hindi. Bukod sa sikat ang lugar sa mga tulad naming reader ng mga paperback novel ni Ms.Sonia Francesca ay talaga namang pakakaibigin mo ang lugar dahil tahimik, simple ang mga tao roon kahit pa sabihin na halos ang mga nakatira doon ay may sinasabi sa buhay. Fresh air kahit pa sabihin na nasa siyudad iyon. SIYUDAD? HAHAHA! Likod pala.
Haaayyy... Naaalala ko tuloy ang bahay ni Ylac beybeh.
So magpapagawa ako ng bahay doon. Pinagiisipan ko pa kung anong style ang ipapagawa ko. Gusto ko, yung style na naiisip ko. Korean style na parang japanese style na may pagka-moderno at higit sa lahat, may malaking pool at malaking garden. May gasebo. Gusto ko rin may open area siya. Puwedeng magsiyesta. Maglalagay ako ng mini bookshelf doon at ibabandera ko ang mga koleksiyon ko ng Sonia Francesca's novels. Pero siyempre AKO lang puwede magbasa no'n, ay pati pala si bezt Arlyn. HHAHAHA!
At siymepre bahala na 'yong arkitek ko sa mga nais pa niyang idagdag sa bahay na pinapagawa ko. Basta ba sa ikagaganda ng bahay ko :') GORABELS lang!
Ah~ Isang importanteng bagay pa pala. Gusto ko din ng malaking kitchen. Mahilig kasi ako magluto e. Bing~ bing~ bing~
At ang bathroom, ang closet ko. Ako bahala doon. Pupunuin ko iyan ng mga personalized items. HAHAHA!
Ano pa ba? Hindi naman ako maarte pagdating sa gamit. Mas bet ko pa rin ang mga SALE at 'yong sa mga TIANGGE. HAHAHAH!
Thats all for this mornight. Sarap ng maraming kuwarta :'P
BINABASA MO ANG
Kapag Tumama Ako sa Lotto <3
No FicciónAno ba ang gagawin mo sa perang mapapanalunan mo sa LOTTO?