(Warning ⚠️: Adult content ahead. Not suitable for kids. R18 only.)Sampong taon na ang nakalipas....
Magmula noong umalis ako ng bahay sa probensiya at lumipad dito sa Maynila at dito na naisipang mamuhay. Hindi man marangya, ay malayo naman sa impyerno kong buhay.
Malayo sa taong iyon......
Naging maligaya at mapayapa na ang buhay ko dito, at sampong taon na nga ang nakalipas. Ang saya ko dahil wala na ang taong ginawang impyerno ang buhay ko magsimula ng mamatay ang lolo ko, masakit parin hanggang ngayon ang isipin ang nakaraan. Kaya naman ginugol ko sa pagp-part-time job ang buhay ko at hindi na inisip pa ang nakaraan. Ayaw ko nang isipin, masasaktan lang din naman ako. Ano pa't kaya nga ako umalis sa probensiya para sa dahilan na ito.
Umalis ako ngayon sa shop para magdeliver ng drinks sa customer. Wala kasi ang delivery man namin dahil nagkasakit kaya on leave siya, kaya naman ako ang nautusan para magdeliver. Hindi naman ako nagreklamo dahil madali lang naman at malapit lang sa shop ang nagpapadeliver. Sa may kanto lang, sa malaking condo sa unahan.
Kung titingnan mo palang ang building, ay halatang mga mayayaman ang ang nakatira dito. Mga taong may marangyang buhay, hindi katulad ko. Pero kahit ganu'n naman ay wala akong selos na nararamdaman sa mga taong may pera, alam ko naman kung saan ako titingin sa antas ng buhay ko.
At hindi rin naman ako nangangarap yumaman, ang nais ko lang ay ang mapayapang buhay na meron ako ngayon simula nung umalis ako sa probensiya. Wala na akong hinihiling pa, kundi ang makakain lang ako ng tatlong beses sa isang araw. Hindi naman kasi ako ambisyusong tao. Sapat na sa akin ang ganito, wala rin naman akong karapatang magreklamo.
Tiningnan ko ang maliit na papel na hawak ko, habang nagpindot at naghintay na magbukas ang elevator.
"Floor 7, room 305" binasa ko ang nakasulat sa papel at pinindot kung saang floor ang paghahatdan ng order.
Nang tumunog na, palatandaan na dumating na ako ay hinanap ko ang room number. Napakatahimik ng paligid na akala mo walang tao ang building, may ingrandeng style ang loob na aakalain mong isang hotel ito. Sino namang hindi ang mag-aakala ng condo lang ito sa laki at rangya? Mayayaman nga naman...
Nang makita ko na ang pinto na may nakasulat na 'room 305' sa maliit na plaka. Nagpagpag ako ng damit upang magmukhang desinte sa harap ng customer ko, bago kumatok ay nguti ako ng malaki kahit na pagod ako dahil kulang sa tulog, ay parang nawala ito ng maisip ko na haharap ako sa customer.
Parte ito sa trabaho...
"Hello sir, good afternoon! drinks delivery!" saad ko ng nakangiti matapos kumatok ng tatlong beses.
"The doors open, come in!" narinig kong sagot ng isang lalaking may baretonong boses. Kaya naman pinihit ko na ang doorknob at dahandahang pumasok.
Isinara ko pabalik ang pinto at humarap sa lalaking nakatalikod sa akin, walang saplot na pang-itaas kaya nakikita at nakabalandara ang matipuno at maputi nitong likod. Masasabi mong nagg-gym ito sa laki at hubog nitong katawan likod pa lamang. May kulot at kahabaan ang puti nitong buhok na may umaagos pa na tubig, marahil ay kagagaling lamang sa ligo.
Nalaglag ang panga ko. "Wow..." wala sa sariling sabi ko na ikinagulat ko. Lalaki rin ako, hindi ako dapat nahuhumaling sa katawan ng kapwa ko lalaki.
ñ
Ngunit ang pagkahumaling na iyon ay panandalian lamang ng pumihit paharap sa akin ang lalaki at makilala ko ito ng tuluyan. Nabigla ito ng makita ako, habang akong naman ay natutop at nanigas sa kinatatayuan ko.

YOU ARE READING
POSSESSIVE PSYCHOPATH
ЮморNagsimulang mangayari ang lahat, nung mamatay si lolo....... My cousin moved into our neighborhood and that's where it all begins to happen. A hell of my life happened.... My life becomes hell, that I'll never thought I'll survived. I don't know wha...