Simula

13 1 0
                                    





"Cliea" di ko na malayan na nakatulog na pala ako sa kalagitnaan ng discussion, buti nalang at ginising ako ng seatmate ko. Nakaka takot pa naman magalit si ma'am ladezma, baka ibagsak pa ako sa research eh hindi na nga ako marunong ng mga gagawin sa research nayan bagsak pa.

"mukhang wala ka nanamang tulog Liea ah" patawang sabi ng bestfriend ko na si sabi, sinamaan ko naman sya ng tingin. totoong hindi talaga ako nakatulog ng maayos ka gabi, pano ba naman nag send ng horror movie ang gaga.

 Yung akala kong romance movie yun pala horror hindi ko na rin na pansin na horror pala yun, eh yung title HAPPINESS kaya di ko na naisip na tingnan yung genre. may pa sabi sabi pa syang happy ending, halos diko mapikit ang mga mata ko kagabi kaka isip na baka biglang may maka pasok na zombie sa kwarto ko.

"lubayan mo'ko, Sabrina franz Buelfante" pag tataboy ko sa kaibigan, at nag konwaring galit. "ay wow, fullname talaga ah" Inirapan ko na lamang sya at nauna ng umalis ng classroom, lunch break na kaya sigurado akong puno na ang cafeteria at wala ng mga bakanteng lamesa panigurado.

"cliea, my dear bestfriend sa labas nalang tayo kumain siguradong puno na sa cafeteria eh" pag ka sabi nito, napa tikhim naman ako ng may makitang lalakeng naka akbay  sa aking kaibigan. tumawa naman ito, at tumingin sakin " a-ah, eh Liea si nathan nga pala yung kinukwento ko sayo last week" pag papakilala nito sa lalakeng nasa likuran nya at panay siksik sa tabi ng bestfriend ko.

Tiningnan ko lamang sya ng may halong pag tatanong, pano ba naman eh kinukwento nya palang sa akin, last week na may gwapong transferee raw sa kabilang strand. tapos ngayon naka akbay na sakanya at diman lang sakin pinakilala muna nitong babaeng to, 

mabilis pa namang mauto itong kaibigan ko baka kung anong masamang gawin netong lalaking to sakanya. mahirap ng mag tiwala sa panahon natin ngayon madami ng man loloko at mapag samantala. lalo ng kakikila nya palang ito at  hindi nya pa lubusan na kilala

Tiningnan ko ng masama ang lalakeng nag ngangalang  Nathan kuno, " Pag may ginawa kang masama sa bestfriend ko, hindi akong mag dadalawang isip na ilibing ka ng buhay" pag babanta ko dito at hinila palapit sa akin si sabi. 

nagulat naman ang gaga at muntikan pang matumba sa ginawa kong pag hila, tumawa naman ang lalake dahil sa ginawa kong pag layo ng aking kaibigan sa kanya. "Huwag kang mag alala, hinding- hindi ko paiiyakin o gagawan ng masama ang iyong kaibigan"  sagot naman nito, na ikanakilig ng babaeng nasa tabi ko.

tumikhim ito ng makita ang reaksyon ko na may pag ka disgusto, " Ano kaba bff, napaka overprotective naman ng Liea ko"  lumapit ito at humawak sa aking braso. " tsaka hindi pa nga kami eh, maybe soon" pabirong sabi nito at tumawa, napatawa nalang din ang lalake sa sinabi ng aking kaibigan, at nag salita muli. "Don't worry, my intentions towards Sabi are pure." naka ngiti nitong sabi, agad namang nilapitan ni Sabi ang kanyang manliligaw at niyakap ito. 

Napa buntong hininga nalamang ako, mukha naman itong  seryoso sa kanyang sinabi pero hindi padin ako bastang mag titiwala, pero wala naman akong karapatan para mang husga at isa pa ayoko namang maging kontrabida ng dalawa, ako ang bida dito sa pag kaka alam ko.  

" Siguraduhin mo lang ha" pag babanta ko dito, tumawa naman ang dalawa. " sige na, at umalis na kayong dalawa" pag tatabuyan ko sa dalawa. " eh? hindi ka nanaman ba sasabay para kumain ng lunch?" tanong ng aking kaibigan. 

Inilingan ko naman ito at itinulak na palayo. " kayo nalang busog pa naman ako, at wala rin akong ganang kumain." pag tanggi ko na ikinasimangot naman ng kaibigan, nag pupumilit pa ito na isama ako sa kanila pero sadyang ayokong maging third wheel nilang  dalawa .

 Gusto ko rin mag liwaliw mag isa, pupuntahan ko din yung spot ko sa third floor last week pa akong di nakaka punta don. Nag a-alala din ako na baka hindi ko na lock yung pintuan, baka may maka alam tungkol sa spot ko.

Pag ka alis nang dalawa, agad akong nag simulang mag lakad pa tungo sa likod ng building ng school kung saan matatagpuan ang hagdan patungo sa third floor, walang nakaka alam ng tungkol  sa hagdan sa likod ng building ng school, dahil sa tagong-tago ito at wala rin namang mga studyante ang nag pupunta dito.

Kina katakutan ito ng mga studyante, may nag paparamdam daw na multo sa parteng to ng building, sadyang mga duwag lang talaga sila higit dalawang buwan ko ng nalaman ang tungkol sa sekretong spot sa third floor at napa tunayan kong  hindi totoo at walang nag paramdam na multo katulad ng sinasabi nila, satingin ko gawa-gawa lang yun para walang mag tangkang pumunta sa lugar na to. 

Pag ka aykat ko agad ko namang binuhat ang malaking paso sa gilid ng pintuan kung saan naka tago ang susing iniwan ko para buksan ang kandado ng pintuan, sa totoo lang ay hindi ko din alam kung bakit ako na padpad rito at natuklasan ang tungkol sa sikretong spot na ito.

 Ang alam ko lang ay nag lalakad lakad lamang ako nuong may nakita akong hagdan sa likod ng school at dun ko na laman na mayroong bakanteng kwarto ang nakatago sa likod ng building at mukhang may nag ma-mayari nito, mukha itong study room at napaka lawak ng loob. Mayroong maliit na sofa at study table sa gilid .

 Ang mga pader naman ay punong-puno ng mga larawang sunset pero iba-iba ang lokasyon ng lugar na kinuhanan nito, napaka ganda ng mga ito halatang propesyonal ang kumuha ng mga litrato. 

"Baka naman ang may-ari nitong spot ay mahilig kumuha ng mga litrato, pareho kami ng hilig kung ganoon ang galing nya naman." dalawang buwan na ang nakalipas ng makita ko ang mga larawan na ito pero hanggang ngayon ay hindi ko padin mapigilan ang sarili na ma-mangha sa mga ito at mag taka kung sino ang mga kumuha ng mga litratong ito. 

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng maputol ito ng marinig ang tunog ng lock sa pintuan at may nag ta-tangkang pumasok rito, namilog ang aking mga mata at di maiwasang maka ramdam ng kaba at takot ng biglang bumukas ang pintuan, huli na para mag tago pa, wala rin namang matataguan dito ng dahil sa konti lamang ang laman ng silid kundi and ang maliit na sofa at ang study table sa gilid.

Para yata akong maiihi sa takot ng may pumasok na lalake, balot na balot ito tila takot yatang masinagan ng araw ang kanyang mga balat ng dahil sa suot nitong black leather jacket at itim na cargo pants, naka sumbrero ito at naka suot ng itim na facemask. 

Tanging ang mga mata lang nito ang makikita, mali yata na tumingin ako sa mga mata nya dahil para na akong hihimatayin sa paraan ng kanyang pag tingin."His hazel green eyes are staring deeply into my dark brown eyes."





"Cliea.."  he said hoarsely 



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

umaga na pala simula palang na susulat ko yan na muna for now hehehe bukas naman guys mwahh~




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deep blue wave's of lifeWhere stories live. Discover now