.

9 0 0
                                    

Divisoria. April 30, 2024. 1:29 AM.

Mag-isang tinatahak nang isang lalaki ang madilim na iskinita ng Black St. ng Divisoria, Maynila. Karga-karga ang mga nahuli nang mga karne na iluluto nila mamaya at ibebenta.

Dahil ito'y lagpas na nang kalagitnaan ng gabi, wala nang makitang mga tao ang lalaki at munting mga yapak na lamang niya at ang mga kuliglig ang kaniyang naririnig. Na may paminsan-minsang ungol ng mga aso sa tabi-tabi.

Sanay na naman ang lalaki sa ganitong mga gabi – mga gabi at araw na ang mga pasira nang mga gulong ng kaniyang panghila ang maririnig. Lumaki siyang kargador, malamang sa malamang ay wala na sa kaniya ang mga ito.

Pero, iba ang pakiramdam ng lalaki nang umagang iyon.

Tila may mali.

Hays. Guni-guni niya lang siguro iyon.

May mga pusang nag-hiyawan at nag-away at napatingin ang lalaki. Pagkatapos ay siyang bumuntong-hininga, sinasabi sa sariling, "Letseng mga pusa ito, oh."

Ngunit ang pakiramdam na iyon ay hindi nagtagal, dahil sa susunod na segundo ay biglang lumakas ang hangin.

At, tila isang kidlat, bumagsak ang isang malaking espada sa lugar kung saan nakatayo ang lalaki –

At hinati ang kaniyang katawan.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

.Where stories live. Discover now