Eh? Wala 'to sa Script?

52 8 1
                                    

"Ms. Aireene Dela Cruz, ikaw na ang bahala na makipag-coordinate sa president ng section A ah? Ayusin niyo iyong play na gagawin niyo."

Huh?

"Kailangan maging successful ang play iha, nagkakaintindihan ba tayo?"

Eh?

"Kailangan, sa susunod na dalawang linggo, tapos niyo na 'yong set-up ng play para performance na lang."

Edi ikaw na gumawa.

"Dapat natin mapataas ang enrollment ng school, kaya ang in-assign sa section A at B ang role play, siguraduhin mo na maayos ah?"

Kasalanan ko pa ngayon na mababa iyong enrollment? Ay sorry?

"Sige, mag-lunch lang ako ah? Galingan niyo." Mabilis na sabi ng teacher ko na puro utos.

Sino ba kasi ang nagpauso ng school play na 'ha? Letsugas.

Napakamot ako ng ulo at saka bumalik sa classroom namin, naupo sa upuan at handa ng murahin ang mundo.

Dagdag abala pa 'to sa review ko para sa mga college entrance exam!

Anong ambag nito sa pagiging STEM student ko ha?!

Nakakairita

"Pangit ka na nga, mas pumapangit pa sa pagbusangot ng mukha mo." inis akong tumingin kay Ysa, ang vice president ng section B.

"Candy gusto mo?" tanong niya sa akin sabay alok ng balat ng candy.

Oo, masarap kumain ng plastic. 10/10, medyo matamis siya na medyo maalat. Nakakadagdag din siya ng sama ng loob.

Inis ko siyang tiningnan bago ako nagsalita, "Ysa Montemayor, wag ngayon."

"HAHAHAHA" natawa siya sa sarili niyang kalokohan at saka naupo sa tabi ko.

Lunchbreak ngayon at kami lang ni Ysa ang nandito sa classroom.

"Aireene Dela Cruz, ang class president ng section B, ano nanaman ba ang sinabi sayo ni Mrs. Fuentes? Inutusan ka nanaman ba?" tanong niya saka ako inalok ng candy na may laman na ngayon.

Agad ko na dinampot ang candy na nasa palad niya, binuksan ko at saka sinimulang kainin ang milk chewy candy.

"Mas malala pa shuta! Mas gusto ko na utusan nalang ako na bumili ng kape sa canteen!" gigil na sabi ko habang nakasubsob ang mukha sa armchair at abala sa pagnguya ng candy.

"Anyare ba?" pagtatanong ni Ysa sa akin.

"School play raw, lintik na yan! Section A at B lang daw ang kasali, shuta talaga! Para daw campus visit ng mga future grade 11 students! Tangina!" singhal ko, rinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Ysa sa gilid ko.

"Mas marami pa ang mura sa kwento ah? Oh? Eh ano ngayon?" tanong niya habang natatawa.

"Anong ambag nun sa college ha?" inis na dagdag ko pa habang malapit-lapit ng manakit.

"President ka naman ah? Utusan mo na lang mga kaklase natin." suhestyon niya na ikinataas naman ng kilay ko.

"Sira ka ba? Anim na buwan na lang at graduate na tayo! Mas priority nila ang paghahanap ng school para sa college kesa sa lintik na school play na 'yan!" inis na reklamo ko bago idinikit ang noo sa armchair.

Rinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Alam mo beh? Ang OA mo! Wala pa nga eh. Tanungin muna natin sila mamaya. Para mabawasan 'yang pagiging OA mo, wala pa nga pero kung maka-react ka parang wala na talagang willing na mag-participate! Kumain na muna tayo–libre mo" sabi niya sabay hila sa akin, akmang hahampasin ko na sana siya dahil mukhang balak pa na pagbayarin ako ng lalamunin niya pero ang bruha, mabilis naiwasan ang kamay ko at saka hinila ako papunta sa canteen.

Eh? Wala 'to sa Script?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon