Old Friend
Dahil sa pag-sang-ayon kong tumulong, panay ang pagpapakita sa 'kin ni Riza, hindi nga lang kami madalas magka-usap. Para bang limitado ang kakayahan niyang makipag-communicate. O pwede ring limitado ang kakayahan ko.
May mga araw kasi na wala talaga akong maramdaman o makita ni isang kaluluwa. Siguro dahil nakasanayan ko ng mawalan ng paki sa kanila kaya kusang naglalaho ang kakayahan ko.
Malas nga naman, kung kailan kailangan saka mawawala.
Napabuntong hininga ako. Pasimple kong nilingon si Riza na nakaupo sa tabi ko.
"Anong magiging progress natin niyan?" pabulong kong sabi sa kanya at napabuntong hininga rin siya.
Nakakaramdam pala ng disappointment ang mga multo? Ang alam ko wala na silang kakayahang makaramdam.
Sandali kong tinignan ang grupo ng mga istudyanteng dumaan sa harap ko. Sinundan sila ni Riza ng tingin. Hindi ko maiwasang isipin na baka nami-miss din niya ang mga dating kaibigan. Kilala pa naman siya bilang pala-kaibigan, walang kaaway, at mabilis makapalagayang loob.
"Kriz?" tawag sa 'kin ng isang matangkad na lalaki.
Tinitigan ko siyang mabuti bago makilala ng maayos. Si Enzo.
Wala akong naging reaksyon sa kanya. Hindi naman kami close.
"Enzo, mula sa Youth Program," paalala niya sa 'kin.
Tumango ako. "Tanda ko nga."
Sandali siyang ngumiti at lumapit pa sa 'kin. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan kong bench. Akala niya siguro papaupuin ko siya dahil lang sa nagpakilala siya.
Mukang napansin niya 'yon at nag-settle na lang na sumandal sa poste ng ilaw sa tabi ng inuupuan ko.
"Why are you here? Wala kang klase?" tanong niya at tumango ako. "Where's Ansel and Shai? Bakit hindi mo yata sila kasama?"
Nagkibit-balikat ako. Sandali kong nilingon si Riza sa tabi ko, at gano'n na lang ang pagtataka ko sa paraan ng pagtitig niya kay Enzo. Para bang kinikilala niya ang kasama namin or merong siyang tanong na hindi masagot sa isip niya.
Kung hindi ako nagkakamali, malaki ang naitulong ni Enzo sa career ni Riza bilang Youth Leader. Tanda ko rin na nagkaroon pa ng tsismis na naging mag-couple sila pero pumasok sa eksena si Ansel kaya namatay ang issue.
"Tahimik ka talaga no?" tanong niya sa 'kin.
Hindi ko ugali makipag-kwentuhan sa hindi ko ka-close. Pero dahil sa reaksyon ni Riza, kailangan kong makipag-interact sa kanya. Baka lang may makuha ako sa kanya.
"Hindi masyado," sagot ko at tumawa siya.
BINABASA MO ANG
When the Bus Stops
ParanormalThe death of Riza, an Architecture student brings devastation to the whole campus. She was known as friendly to everyone and famous for being a student leader. But her killer was never caught. Kriz, a very awkward student na madalas iwasan ng marami...