Hi guys, naisipan kong gawan ng Sequel ang kay B A E K H Y U N kasi kumanta kasi ako sa token (KTV-Yung kagaya sa EXO Episode 11), saka ko narinig sa kabilang room (Kasi hindi naman sound proof) na may kumanta ng 'Diary' at '25 Minutes' --naisip ko kaagad ang ONE SHOT ni Baekhyun na may plot twist...HAHA so ito na :)
LOVE, BAEKHYUN PART 2
***
C H A N Y E O L
"And now, Mr. Park Chanyeol."
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nakatingin ako sa kawalan saka naramdaman ko ang pagsiko ni Kris sa akin, gamit ang baba niya. Paano kaya 'yun?
"Ikaw na raw." Sabi niya pa.
Dahan-dahan akong tumayo saka nakatingin sa harapan.
"Magandang hapon po, ako Chanyeol!"
Nagtawanan naman ang lahat pero naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ko dahil parang di ko na kakayanin kung ano pa ang susunod kong sasabihin.
Tumahimik naman sila.
"Ahmm..."
"Ahhh..."
Walang ibang salitang lumalabas sa bibig ko, tila nag-aaral pa ako ng mga vowels. Pucha, bakit ba kasi nauutal ako?!
Hindi ko na tinapos at kusa nalang akong umupo.
Ti-nap naman nina Jongin ang likod ko.
"Ayos ka lang?" tanong ni Kris sa akin, napatango lang ako saka ngumiti.
"Ayos lang naman." Sagot ko kaagad.
Saka ko nalang narinig ang pagtunog ng wine glass na tinatama ng kubyertos. Narinig ko rin ang hiyawan nang maghalikan sila sa harap ng maraming tao.
Nakangiti silang dalawa at napansin kong nagtama ang mga mata namin, pero umiwas ako.
"Okay ka lang ba talaga?" Tumango lang ako.
***
*Room ko*
"BOOOOKKKKEETTTTT BAEKHYUNNNN!?! HUHUHUHUHUHUHU!" sigaw ko saka ko tinapon lahat ng unan na nasa kama ko.
Narinig kong may biglang tumugtog na kanta sa kapitbahay ko at may bigla akong naalala...
"I found his diary underneath a tree
And started reading about me
The words he'd written took me by surprise
You'd never read them in his eyes
They said that he had found
the love he'd waited for
Wouldn't you know it
He wouldn't show it." –Diary by BreadFLASHBACK
"Tol, uwi na tayo?"
Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Jongin pala.
"Ano ba 'yang binabasa mo?" nilapitan niya ako saka niya kinuha ang notebook na pink.
"Akin na!" nakuha ko naman kaagad kasi mas matangkad naman ako sa kanya.
"Kanino ba 'yan? 'Wag mong sabihing nababading ka na kung sa'yo 'yan? Halaaaa~ huwag kang mainlab sa akin tol, puh-lease~" sabi niya pa sabay yakap sa sarili niya.
"Ang dilim mo talaga. Diyan ka na nga." Sabi ko saka naglakad.
"Kanino ba kasi 'yan?" tanong na naman niya sabay silip sa hawak kong notebook.
"Hindi akin 'to, okay?" sagot ko saka ngumisi siya, ano na naman kaya ang naiisip nito?
"Kay Baekhyun ba?"
BINABASA MO ANG
ONE SHOT: 25 Minutes
Short Story(EXO ONE SHOT) The Sequel of Love, Baekhyun C H A N Y E O L ❝Hindi ako paasa Baek, sadyang naghihintayan lang tayo, I want you to be Mrs. Park but it was impossible, because I'm twenty-five minutes late.❞ ALL RIGHTS RESERVED ...