Third Person's POV
The woman sat across from Eos. "Ikaw si Saya at anak mo si Amelia?" Tanong ni Eos upang kumpirmahin ang kaniyang narinig.
"Ganun nga. Ikaw, bakit tila malaki ang problema mo? Nagawa mo pang saktan ang kamay na yan." Anang babaeng nagpakilalang Saya at ina ni Amelia. Itinuro nito ang nakabenda na ngayong kamao ng binata.
"Hindi ko maintindihan kung bakit lahat ng ginagawa ko ay mali ang kinalalabasan sa mata niya," Eos lamented, his eyes clouded with confusion.
Saya nodded slowly, empathy shining in her eyes. "Eos, ang mga tao, minsan ay nakikita ang mga maling bagay na hindi natin nakikita. Yun ay dahil mas nauunawaan nila ang nagyayari kumpara sa atin. Hindi porke ganito o ganyan ang naririnig natin ay iyon na ang lang ang panghuhugutan natin ng sagot at paniniwala. Kailangan nating hukayin ang pinaguugatan ng sinasabi ng isang tao."
Eos furrowed his brow, considering her words. "Pero paano ko yun mababago? Paano ko makikita ang nakikita ng iba?"
Saya reached out a comforting hand, her voice gentle but firm. "Hindi mo naman kailangan makita para unawaan ang iba. Ang kailangan mo ay subukang makinig at kilalanin sila. Maging totoo ka at makipag-usap ng bukas at totoo. Hindi man yun ganun kadali, pero yun ang pinakamabuting paraan upang matawid mo ang tulay sa pagitan ninyong dalawa. Hindi ka lamang dapat tumingin sa kung ano ang nakikita mo sa kasalukuyan. Alamin mo rin kung ano sila sa nakaraan."
Eos sighed, a weight lifting off his shoulders as he absorbed Saya's words. "Salamat po. Hindi ko na mababago ang nakaraan pero matututo ako sa mga iyon. Gusto syang makilala pa ng lubos." Aniya na may kakaibang kislap sa mga mata.
Saya smiled warmly, but then it turned into little chuckles. "Pag-ibig nga naman. Mahal mo sya?" tanong nito na kaagad nagpatunhay kay Eos na may pulang-pulang mukha.
"M-Masyado naman pong mabilis yun. G-Gusto ko lang naman po na makilala siya. Yun lang yun. Yun lang." Aniya habang umiiling-iling at iwinawagayway ng mabilis ang mga kamay sa harap na animo ay binubura ang iniisip ni Saya.
"Yan ang sabi mo e—" hindi na nagawa pang itulong ni Saya ang sasabihin nang makarinig sila ng malakas na pagsabog. Agad na napatayo ang dalawa at nagkatinginan.
"Dito lang po kayo!" Ani Eos at kagad lumabas ng kwarto na iyon.
Naiwan naman duon si Saya na magkahawak ang mga kamay sa kaniyang dibdib. Napaatras siya na puno ng pag-aalala ang ekspresyon. Lumingon siya sa kaniyang likuran at hinawi ang kurtina na naruon. Duon ay lumantad ang isang kama kung saan may isang katawan ang nakaratay.
"Amelia....." tanging nasabi na lamang niya.
Samantala ay nagpatuloy naman si Eos sa pagtakbo. Pumunta siya sa kung saang kwarto siya galing kanina kasama si Norn. Ngunit nang malapit na siya ay duon naman lumabas ang dalaga kasama ang dalawang babae. Naruon din ang dalawang lalaki na nagbabantay.
"Saan yun nanggaling?" tanong ng matanda.
"Sa taas. Kung saan kami nakita ng iyong anak." tanging tugon ni Norn na nakatingin sa itaas kung nasaan ang kisameng lupa.
"Maiwan po muna kayo rito. Hindi tayo sigurado sa kung ano ang nangyayari. Delikado po." ani Eos at tumingin naman sa kaniya ng seryoso ang matanda.
"Kung ano man ang nangyayari sa itaas ay siguradong isa yun sa mga kasalan namin. Ito na ang oras para itama ang mali!" anito na bahagyang ikinagulat ni Eos. Magsasalita pa sana siya ngunit kaagad na nagsalita si Norn.
BINABASA MO ANG
The Eternity's Lie 1: Knight's Tale
FantasyNorn, a seventeen years old lady, have a life full of mystery. Everyone wonders if she can even feel emotion. Simula ng matapos ang 4th phenomenon ay nawala na rin ang kakayahan niyang makaramdam. Ngunit nawala nga ba ito? O sadyang inilayo niya lam...