Prologue
"Hello?" tanong ko sa kabilang linya.
"Hi, are you free today?" he asked.
"Uh... I still have a lot of papers here to sign. Why?" nagtanong pa rin ako kahit alam ko na ang sagot.
Alam ko na agad kapag ganito ang tanong niya. Isa lang ang ibig sabihin kung hindi ang ayain ako."I just want to ask you out sana... Dinner lang naman. But it's okay if you're busy."
Tinignan ko ang sandamukal na mga papel na nasa aking harapan na kailangan kong pirmahan. Gusto ko na lang umuwi."Uhm, if you can wait until 8 p.m. I think we can go naman." napangiti ako.
"I can always wait."
"Okay, 8 p.m. then, I'll message you once I am done."
"Okay. Take your time. You hang up first, Arise. Goodbye, see you later..."
He has always been like that since then. Ako ang pinagbababa niya ng tawag kapag magkausap kami sa cellphone mapa video call, facetime, at call. Ako palagi ang nagbababa. Palagi rin siyang nag-aantay sa akin, hanga na nga ako sa taong ito dahil hindi pa kailanman pumalya at hanga rin ako dahil parang hindi siya napapagod, pero alam ko sa sarili ko na darating ang araw na mapapagod din siya.Wala namang taong hindi napapagod, lahat ay darating sa puntong mapapagod ka at gusto mong magpahinga.
Malapit ng mag-alas otso ng gabi at patapos na ako sa mga papeles na kailangan pirmahan. Bawat papel ay binabasa kong maigi para alam ko kung ano ang pinipirmahan ko, hindi ako basta pirma lang nang pirma. May product kami na gustong i-launch this year kaya naman sobrang daming kailangang pirmahan, syempre hindi naman ma-aaprove iyon kung hindi ako pipirma. Gusto ko na rin kasing tapusin ito ngayong gabi para masimulan na ang mass production at mga meetings na lang ang kailangang asikasuhin sa mga susunod na araw.
Natagalan ako sa pagpirma when Marco suddenly barged here in my office. Spitting nonsense.
"Stop telling bullshit, Marco." inirapan ko siya.
"I am not telling bullshit, Arise! Nakita ko! Nakita ng dalawang mata ko. Nandito siya..."
Kanina niya pa ipinagpipilitan sa akin na nakita niya ito, pero hindi ako naniniwala dahil imposibleng bumalik pa iyon dito pagkatapos ng lahat."Tumigil ka nga. Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na lang. Marami pa akong pipirmahan." umirap ako at binalikan ang mga papel.
"I'm telling you the truth! He also saw me. Ibang-iba na siya, Arise... Ibang-iba na." mariin ang pagkakasabi niya. Matagal naman na siyang nag-iba. Umalis din si Marco pagkatapos niyang sabihin iyon ng paulit-ulit sa akin. Hindi ko alam bakit niya pa sinasabi, ano naman ang paki alam ko kung bumalik nga siya? As if namang may pake sa akin 'yun.
Nasa harapan na ako ng elevator at nag-aantay na lang akong bumukas ito. I check my outfit kung okay pa ba. I'm wearing a knitted long sleeve na stripe ang design, high waisted na white pants and cap toe shoes.I removed my glasses at inilagay ko sa ulo ko. Talaga? Ginawang headband.
Maayos pa naman ang itsura ko at hindi naman ako na bobother kahit pangit na ako. People will still loves me anyway kahit pa pumangit ako o maging langgam pa ako. At isa pa, sanay naman na si Franco sa mukha ko. Nakita niya naman na akong bagong gising, tulog, walang ligo, at higit sa lahat ay miserable.
We were on our way to the restraunt when I saw a group of friends. Anim sila at ang dalawa roon ay mukhang may sariling mundo. Parang sila lang dalawa ang magkasama. Para bang may sariling topic dahil nakita kong sila lang dalawa ang nagtatawanan at malayo sila sa iba pa nilang kasama. Wala namang paki alam iyong mga kasama nila sa kanila at pinababayaan lang sila.We used to create our own world where only the two of us can understand each other. We used to laugh together when I made a joke even if it's lame. We used to get each other's back. We used to share secrets and feelings... We used to be... We used to be like them.
Fuck! Bakit ba traffic dito?
Nakakamiss din pala iyong mga panahon na bestfriend ko siya. May tao akong nasasandalan, napapagaan niya ang bawat mabibigat na nangyayari sa akin, napapawi niya ang mga lungkot ko at pinapalitan niya ng saya. Sa kaniya ko naipapakita ang tunay na ako at naiintindihan niya ako. Paano kaya kung nanatili lang kami bilang magkaibigan?Wala, e. Traydor itong puso ko.
Sinubukan ko namang pigilan. Sinubukan ko namang hindi magpatinag sa ngiti at mata niya. Sinubukan ko naman lahat para hadlangan pero wala, e... Nakukuha at nakukuha ako. Bumabalik at bumabalik ako. At talo pa rin talaga ako.Tinalo ko ang sarili ko.
Pero alam ko sa sarili ko na mayroon at mayroon siyang malalim na rason para magawa iyon. Kilala ko siya, e. Kaya ganun na lang din ako noong nangyari iyon. Hindi makapaniwala at hirap tanggapin ang mga pangyayari.Kalaunan ay na tanggap ko rin ang lahat. Tinanggap ko kasi kailangan.
Ginawa ko naman ang lahat ng kaya kong gawin noong mga panahon na iyon; pinuntahan ko, sinubukan kong kausapin, at nag-antay ako. Talagang ganoon. Mapapagod at mapapagod ka kung susubukan mong ayusin ang problema kung ang problema mismo ay ayaw makipag-ayos sayo.
Napagod ako.
Ano pang magagawa ko? Kung siya mismo ay ayaw makipag-usap sa akin, maski ang harapin ako ay parang hirap pa siya.
Paano nga kung tama si Marco sa kaniyang nakita? Paano nga kung totoong nandito na nga siya? Paano kung totoong bumalik na nga siya? Ano ang babalikan? Sino ang babalikan? At bakit?
Ang daming katanungan ang tumatakbo sa isip ko na hindi ko manlang mabigyan ng sagot.Maliit lang ang mundong ginagalawan namin kaya hindi imposibleng hindi kami magtagpo sa ayaw at sa gusto ko. Hindi ko alam kung papaano siya kakausapin kapag dumating na iyong panahon na kailangan na namin mag-usap. Saan ba ako magsisimula? Ano ba ang una kong itatanong? Dapat pa ba naming pag-usapan ang nakaraan?
Parang hindi ko siya kayang harapin matapos ang lahat ng mga nangyari.
Pinag-aaralan ko palagi ang mga dapat kong sasabihin kung sakaling magkausap kami, at pinag-aaralan ko rin kung ano ang dapat na maging reaksyon ko kung sakaling magkita na nga kami.
Alam kong mauuwi lang ang lahat sa wala. Ang mga pinag-aralan kong sabihin at reaksyon kapag dumating na talaga ang pagkakataon na paghaharapin kami ng tadhana.
Kasi alam ko sa sarili ko na kapag nakita ko na siya, nasa harapan ko na siya, at narinig ko na ang boses niya. Mawawala lang ang galit ko. Makakalimutan ko ang lahat. Magwawala na naman ang puso ko. Iikot na naman ang mundo ko. Talo na naman ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/368091246-288-k470276.jpg)
BINABASA MO ANG
Take Me Where Your Heart Is
General FictionGonzalez Series #1 Cerise Aston Gonzalez has always been the princess in their family. Nag-iisang babaeng apo, kaya naman lahat ng gusto ay ibinibigay sa kaniya ng walang kahirap-hirap. She even got Killian Pablo Pangilinan, they have been best fri...