Napatingin ako sa mga bawat alon na humahampas sa mga paa 'ko. Unti unti 'ko iyong hinukay gamit ang daliri 'ko sa paa ngunit nawawala rin ang hukay sa bawat hampas nang alon.
"Malaki ang karagatan," Bulong 'ko sa sarili. "Ganoon rin naman kalalim ito." Ngumiti ako.
Gaya ng karagatan, may kung ano sa loob 'ko na malalim. May takot sa isip na 'kung sisirin ko ito, malulunod lamang ako.
Nag-pasya akong mag-lakad sa tabi ng dagat hanggang sa makaramdam nang pagod at umuwi sa tini-tirhan 'ko
Maliit lamang iyon, isang kubo sa gitna ng gubat.
Nawala ang memorya 'ko sa nakaraan 'ko, nagising na lamang ako sa isang ospital na may benda sa ulo. Mabuti na lamang na hindi ako pinag-bayad, hinayaan na lamang nila ako maka-alis.
Ilang buwan rin akong pa-gala gala 'kung saan, dinala na lamang ako nang mga paa 'ko sa tabi ng dagat at natagpuan ang tinitirhan 'ko ngayon.
May natagpuan akong mga libro, mga gamit sa kusina na ginagamit 'ko ngayon sa pang-araw-araw.
Sinanay ang sarili mag-salita sa hindi 'ko angkop na lenggwahe ang mga naririnig 'ko, hindi sanay ang bibig 'ko sa tagalog na lenggwahe. Nakaapekto rin ang paningin 'ko, ang pagbigkas at pagka-kilala sa isang tao.
Ilang buwan 'kong ginugol ang sarili para matuto lamang at hayaan ang sariling makapag-salita pero sa kakaunting lumalabas na salita sa bibig 'ko ay nahihirapan na ako.
Dalawang taon na rin akong nananatili sa kubong ito, dito na rin natutong mag-basa, magsulat at mag-tanim nang sariling kakainin.
May nag-sabi sa akin na may paaralan sa kabilang bario, pinili ko rin ang mag-aral. May 'kung ano sa loob 'ko na kailangan 'ko iyon.
Kinuha 'ko ang itak bago i-ayos ang sarili bago lumabas nang bahay.
Nangahoy muna ako at nagpaliyab nang apoy.
Dahan-dahan 'kong inilagay sa ibabaw nang mga bato ang isang maliit na kaldero na may tubig at hinintay ito bago kumulo.
Hiniwa 'ko sa tatlo ang patatas at isang kamote bago 'ko iyon binagsak sa kaldero.
Halos bente minuto 'kong inintay iyon bago maluto. Isinunod ko naman ay ang kabuteng nakuha ko sa gubat at binudburan ko iyon nang kakaunting paminta at asin.
Masaya akong kumain ng maluto iyon lahat.
Napalingon ako sa paligid, dumidilim na. Tanging apoy na lamang na nasa harapan 'ko ang kasama 'ko, nakakatakot iyon pero wala 'ka namang pag-pi-pilian kundi ang masanay.
Ngumiti ako nang maramdaman ang kabusugan. Humikab ako at umuwi na sa kubo.
Dumampot ako nang isang bunot sa sahig at sinindihan iyon, pinausok hanggang sa mawala ang mga lamok.
Kinuha ko ang kandila sa ibabaw nang kahoy at sinindihan iyon. Nasanay na akong may liwanag 'kung matutulog na ako, gusto ko lamang na maramdaman na may kasama ako.
"Halika na kayo mga bata at mag e-ehersisyo na."
Sumilip na araw nang makarating ako sa pinapasukan 'kong paaralan. Hindi pa man tanghali ay tumutulo na ang mga pawis 'ko sa mukha.
ilang oras ang paglalakad bago makarating dito. Nasa dulo pa ng bukid ang tini-tirhan 'ko, sa tabi ng dagat.
Sumunod ako sa mga kaklase 'ko, may ehersisyo tuwing lunes ng umaga.
"Mag-simula na tayo!"
Nag-simula na mag-banat ng mga buto, kung ano-ano ang pinapagawa niya sa amin. Lalo lamang akong nag-pawis, basang basa na ang damit.