Chapter One

2 0 0
                                    

Chapter One

Nilingon ko si mama at papa na nagtatawanan habang nag-iihaw ng barbecue. I stopped myself from smiling widely while watching them. Tiningnan ko si ate na lumapit sa akin at naglapag ng plato, kutsara, at tinidor. Itinabi ko muna ang notebook ko nang makitang sinulyapan ni ate iyon. 

"Kakain na. Itabi mo muna 'yan."

"Ito na nga eh."

Dito kami ngayon sa maliit na nipa hut cottage sa labas ng bahay namin kakain. Once a month naming ginagawa 'to dahil gusto ni mama at papa na mag-bo-bonding kami. Dati, meron lang talaga kaming table sa labas ng bahay pero isang araw, bigla na lang naisip ni mama na gusto niya na merong bubong para kahit umuulan at gabing-gabi na, pwede pa rin kaming tumambay.

Unang naisip ni papa ay kubo kaso masyadong malaki at hindi kasya sa monthly budget ang materyales. Tent sana kaso ayaw naman ni ate kasi kailangan pang i-assemble pag gagamitin kaya naisipan ni papa na maliit na cottage nalang para pwedeng maisama pa rin yung gusto ni mama na kubo.

"Mamaya o bukas ka na lang kasi mag-aral," Umupo si ate. "Mag-focus ka muna rito. Baka magtampo sila mama."

Hindi na lang ako sumagot at nilipat nalang sa likod ko ang itinabing notebook dahil ayaw kong mapunta pa sa away ang usapan. We have different mindsets when it comes to studying. Kapag may nakita akong libreng oras ay hindi ko pinapalagpas ang oras na 'yon para mag-aral. I would rather study than play around or go out with friends.

Hindi ganoon si ate. Maybe because she doesn't have to try so hard. It comes naturally to her. Matalino at magaling talaga kahit hindi mag-review. 

Pumasok si mama at papa sa cottage at inilagay na sa table ang mga inihaw na barbecue. Nagsimula na kaming kumain at nakinig sa mga kuwento ni papa at mama. Tahimik lang si ate habang paminsan-minsan akong sumasali sa usapan.

"Oo nga pala, dalawang araw akong mawawala. Kayong tatlo lang ang nandito. Laging i-check ang pinto kung naka-lock bago matulog."

"Saan ka pupunta, pa?" Si ate ang naunang magtanong.

"Sa Legazpi. Birthday daw ng manugang ni Governor Samonte kaya pupunta ang buong pamilya. Ako ang naatasang magdrive."

Nang malaman ko iyon kay papa ay naisip kong pati si Jefford, ang panganay na anak ni Governor na schoolmate ko, ay kasama rin kaya hindi ko maiwasang magtaka nang makita siya na naglalakad papunta sa classroom nila.

Akala ko ba buong pamilya? I just shrugged it off when my teacher came.

Hindi ako mahilig magrecess sa canteen kaya bihira rin akong bumaba. Kaya buong umaga lang akong nakaupo sa upuan ko.

Tumatayo lang kapag may kailangang gawin o kapag may kailangan ang sino man sa mga kaklase ko sa akin pero madalas din kasi na sila mismo ang lumalapit. 

Kaya nang matapos ang klase at nang tumayo na ako ay ramdam ko ang pangangalay ng legs ko at masakit pa ang pwet ko. Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiwi ng sobra. Walang problema si mama at papa sa akin pagdating sa pag-aaral.

Ang pinaka-problema nila ay sedentary ako. Hindi talaga ako masyadong gumagalaw at hindi talaga ako makikita na nag-i-exercise ng malala. Lakad lang ang exercise na ginagawa ko, hindi ko pa magawa ng madalas.

Dahan-dahan akong naglalakad pababa ng hagdan dahil nanghihina ang legs ko. Hindi ko sigurado kung dahil lang ba sa ngalay, dahil sa gutom, o baka parehas na. 

"What happened to you?"

Napalingon ako sa likod ko nang may marinig na boses. Tumingala ako kay Jefford dahil nauna ako sa kaniya ng tatlong hakbang pababa ng hagdan. We seldom talk but we know each other.

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon