7

7 0 0
                                    

pwede

Pwede na bang bitawan ang aking mga kamay?
Napapagod na sa kakaantay
Mali ba ang tanongin ka kung ako pa ba?
Kung nararamdaman ko na parang ako naman ay nag-iisa

Sa bawat minuto na kinulong ang sarili sa kwarto
Napagtanto ang mga ginawa na alam ko namang hanggang magkaibigan lang tayo
Nanatili parin ako at nagbabasakali ngunit ako'y nabigo
Kaya tuluyan kong nilisan ang mundo kung saan nandiyan ka at ako

Pinili kong yakapin ang nawawasak at pighating puso
Paulit-ulit na paliwanag ay di sapat kaya mas pinili mong lumayo
Kaya pinili ko ring lisanin ang tahanang minsan ay nagpapasaya sa bawat araw ko
At kakalimutan na minsan kang dahilan ng pagngiti ko

Hindi ko kayang makita ka kahit saang lupalop ng probinsya
Kahit marinig ang pangalan na minsa'y nagpakilig
Ganoon ka talaga siguro, pinili kong mag-antay
Pero mas pinili mong layuan nung ako'y nahuhulog na sa tulay

Pwede na bang lumayo na hindi kana bukambibig?
Pwede na bang itigil ko na ang nararamdaman kung sa gayong di ako makatulog sa gabi?
Pwede ka bang kalimutan kung hindi ko naman kaya?
Pwede na bang lumisan kung sa gayong iniibig parin kita?

Patawad kung di ko magawang lisanin ang tahanan na minsa'y nagpaiyak sa akin
Di ko man makakamtan ang puso mong ninais-nais
Pahintulutan mo sana akong mahalin ang bawat kamalian mo
Hayaan mo sana akong manatili sa tahanan mo




Detachment and DiscoveryWhere stories live. Discover now