Cairo's POV:
"Naaaakkk!!! Gising na at maaga ka pa ngayon"
"Opo maaaaa, bababa naaaa" sigaw ko
Bago nga pala ang lahat, Hi ako nga pala si Cairo Demos Severino, 22, Bi-sexual and currently a "Chemistry" student sa Chaitliceach University, actually first day ko din kasi ngayon sa University na 'yun, mahal pa tuition, di ko nga alam kay mama kung ba't doon pa ako pinasok
*bumaba na ako ng makita ko si Ate na nakatingin sa'kin na para bang natutuwa*
"Ano meron sa tingin yan ate??" tanong ko
"Wala, natutuwa lang ako na collage kana"
*paka-dramatic talaga netong ate ko hayst*
*siya nga pala si Phoebe Zein Severino, ang napaka-supportive kong ate, siya yung unang naka-alam na Bi-sexual ako and to my surprise natuwa siya noon actually*
*FLASHBACK*
------
Isang mainit na hapon sa kwarto ko:
"HULI KAAAAA"
"AHHHH, a-ate?"
Well just a quick recap, nahuli niya akong naka-make up tas sumasayaw ng Gee ng Girls Generation sa Kwarto ko NANG NAKA-HEELS
"Kaya pala nawawala yung heels ko sa kwarto" pagbibirong sabi ng ate ko
"Dinaig mo pa ako manamit sa suot mo ah, naka-make up kapa---- kamukha mo tuloy si Taeyon ng GG dyan" sabay pagtawa niya
Habang siya natatawa, ako naman sobra ang kaba ko kasi di ko alam kung anong sasabihin ng ate ko sa nangyayare*
"O-ohhh, bat parang naging mannequin ka ata dyan, may problema ba??"
"A-ate, hindi kaba magagalit or mandidiri sakin??" Pag-aalinlangan ko
Well kahit bata pa ako non, aware na ako sa nangyari sa paligid ko, lalo na sa mga LGBTQIA+ COMMUNITY na nababatikos ng dahil sa gender nila, which is hindi dapat pinapairal sa mundong 'to, kaya todo kinabahan ako nung nakita ako ni Ate, pero hindi ko ine-expect yung sagot niya:
"AKO??? NA ATE MO?? Magagalit??" sabay tawa niya, lumapit siya sakin at sinabing:
"Hindi 'no, ano kaba alam mo namang super supportive naman ako sayo ah, kahit anong gender mo pa" sabay yakap sakin
Sa sobrang pagkagulat ko, naiyak nalang ako sa harap niya
"Ohhhh, why naman naiyak ang kapatid kooo"
"P-pasensya na ate, akala ko itataboy mo din ako eh, nakikita ko kasi sa Tiktok yung mga bading daw o bakla ay hindi daw pwede sa mundong 'to"
"Cai ano kaba, hindi ako katulad ng ibang tao dyan na basta-basta nalang itinataboy o kinadidirian kapag may kapatid sila o kakilalang gay, and besides madami din akong gay friends so okay lang din yun Cai, don't worry na"
Nung mga panahong yun sa kanya ko naramdaman na accepted ako, Kaya heto ako ngayon.
-------
Balik sa kasalukuyang panahon:
"Kumain kana nga dito, asan naba yang kuya mo??"
"Ayun, happily sleeping pa sa taas, pagod yun sa trabaho malamang"
"Hayaan mo na muna, nga pala ihahatid ka ni papa sa school mo later."
*Huh, ang odd naman, 'di siya busy ngayon ah*
(Madalas kasing nasa work si papa, at wala nalang ibang ginawa kundi ang mag-work ng mag-work, naiintindihan ko naman na "its for the family" kaso sa masyado niyang pagta-trabaho halos di narin niya kami nabibigyan ng oras.)