CHAPTER 04 (AT THE BORACAY)

27 1 2
                                    


___
Kakarating lang namin dito sa Boracay, grabe ang ganda dito at ang sarap  sarap ng simoy ng hangin, kakababa ko lang ng kotse at ganitong view at simoy ng hangin ang bubungad sakin grabe talaga! sayang lang wala dito si bakla.

Bigla na lang ako nabalik sa ulirat ng sumigaw ang amo ko sa likuran ko, naknam pvcha!

''Hey,woman!! ''- Alexander

''Bakit po ba Sir?''- Pairap na saad ko bago humarap sa kanya

''Can you please get out of my way, kanina kapa dyan,pano ako makakalabas kung andyan ka naka harang pa talaga sa pinto ng sasakyan ko!?''- Kunot noong saad niya biglang naman akong naka ramdam ng hiya,gags kanina pa pala ako andito tapos naka harang pa talaga  ako sa pinto ng sasakyan niya

''Ahm-hehe sorry po Sir''- Pilit ngiting saad ko sabay alis sa pinto ng sasakyan niya

''Oo nga pala Avionna,kunin mo yung ibang gamit ko sa likod ng kotse ko at bilisan mong sumunod sakin because we need to take a rest it's already 5 o'clock in the  afternoon, yung iba sila manang nalang ang magdadala,parating na rin naman yung van na sinasakyan nila''- Alexander

''Ah sige ho Sir''- Saad ko sabay kuha ng ibang gamit

Oo nga pala,nasabi pala nitong amo ko na baka 1 week kuno kami dito dahil daw sa baka matatagalan pa ang dating ng ibang ka business partner niya kuno at hindi lang pala ako ang sinama niya kundi pati Sila nanay Nora at ang isang katulong na si Emily,para naman daw may kasama ako.


FAST FORWARD
___

Andito ako ngayon sa kwarto naming tatlo ni nay Nora at sa kabilang  kwarto naman ay ang kwarto ng amo ko.

''Nay Nora''- Avionna

''Oh bakit Avi may problema ba?'' - Nay Nora

''Wala naman po nay Nora,may gusto lang po sana akong itanong''- Avionna

''Tungkol saan ba iyon iha?'' - Nay Nora

''Tungkol kay sir Alexander po nay''- Avionna

''Ahh ganon ba?ano din ba ang itatanong mo tungkol sa batang iyon?''- Saad naman ni nay Nora

''Nagkaroon napo ba siya ng girlfriend?''- Saad ko

''Bakit mo naman na itanong yan? siguro may gusto ka sa kanya no''- Saad naman ng isang kasama namin na nakikinig pala

Bigla naman ako namula  sa diko malamang rason,kaya agad akong umiwas ng tingin.

''Halla,hindi a, natanong ko lang kasi bakit  napaka sungit naman niya at ang cold di nga ata marunong ngumiti''- Saad ko

''Asus yun lang pala''- Nay Nora

Tinignan ko lang siya habang hinihintay ang sunod na sasabihin  niya.

''Alam mo meron naman noon naging nobya si Sir,maganda siya, sexy ,maputi ,mayaman kaso lang sa anyo nyang yun may  tinatago pala ka démonyohan''- Saad ni nay Nora kaya naman na curious ako

'' Nay,possible namang magkagusto si Sir sa malademonyo ang ugali diba?''-Saad ko

''Avi alam mo naman ang mga tao pakitang tao,ganon siya kapag kaharap si Sir mala angel,pag sa iba dinaig pa ang démonyo''-Nay Nora

Hindi na lang ako nagsalita at pinakinggan ko na lang ang mga sasabihin ni nay Nora.

''Siya  ang first love ni Sir,siya na ang buhay ni Sir noon,alam mo bang ginagawa niya ang lahat para lang sa babaeng yun ni hindi na nga niya maalala ang sarili niya,obsessed si Sir kay ma'am angel''-Nay Nora said

''Angel pala ang pangalan ng babaeng yun,mala angel nga pero sindémonyo  naman ni sâtanâs  ang budhi tsk''.-I said

''Pala ngiti si Sir noon,masayahin lagi pa  ngang nakikipag-kwentuhan samin nun,naawa ang ako sa batang yun dahil Kay buti buting tao pero ang malas lang dahil sa  maling tao siya napunta''- Pagpapatuloy niyang saad

''Saksi ako nung mga panahon na nasaktan si Sir,halos gumuho ang mundo niya nung mga oras na  yon, nagpasama kasi siya pumunta sa mall para bumili ng ring para kay ma'am Angel,dahil sa darating na 3rd anniversary nila at sa araw na yun ay magpopropose  siya''- Huminto si nay Nora sa pagkukwento at biglang nalungkot ang ekspresyon nito nasiyang kinakunot ng noo ko kasabay nun ay siya pagpapatuloy

''Nang malapit na kami sa bilihan ng singsing na tanaw ni Sir sa  kabilang shop si ma'am Angel na may kasama itong  lalaki na naka pulupot pa ang kamay nito sa bewang  ni ma'am Angel,nang nakita yun ni Sir napansin ko sa mga mata niya ang dumaang lungkot na nagpa wala ng mga ngiti niya sa mata ng nagtatanong kung bat nagawa sa kanya 'yon''

''Pero ang lungkot na naramdaman niya ay nadagdagan ng galit  mapansing niya ang lalakeng kasama ng nobya niya ay  ang taong tinuring na nyang kapatid,ang matalik na kaibigan niyang si Matthew''- Nay Nora

''Sir Matthew?''- Avionna

''Siya ang isa pa sa mga kaibigan  ni Sir Alexander pero ngayon dahil sa galit niya pinutol niya na ang pagkakaibigan nila''- Nay Nora

''Anong next na nangyari, nay?''- Avionna

''Sa galit nanararamdaman niya pumunta siya kung saan andun ang dalawa at agad nyang inambahan ng sunod- sunod na suntok si Sir Matthew pero hindi naglaban si Sir Matthew kahit bugbog sarado na siya,tila alam niya ang dahilan ng kaibigan niya bakit siya nito binugbog,
ng aambahin na ulit ni Sir Alexander si ma'am angel ay sinabi nyang ( Ano ba Alex,tamana na,tumigil kana!) Pasigaw na Saad niya ngunit mahahalata sa boses niya ang inis na siyang ikinakunot noo ni Sir Alexander na siyang  mas ikinagalit nito,halo halong emosyon sa mga mata  ni Sir ang nakita  ko nung araw na yun,magsasalita na sana si Sir Alexander ng biglang nagsalita ulit si ma'am Angel ''-Nay Nora said
___

FLASHBACK

''Hindi kita mahal Alex at hinding hindi mangyayari yun naintidihan mo ba ha!?''- Saad ng babaeng si Angel

Samantalang si Alexander naman ay naguguluhan,maraming katanungan sa isip niya ngunit hindi  niya magawang itanong sa babae ang taong pinakamamahal niya ang taong naging buhay niya ginagawa ng reyna pero ganito pala ang igaganti sa kanya.

"Alam mo ba kung bakit ,ha?"-Angel said

''Then,why?''- Tanging lumabas sa bibig ng lalaki habang ang mata ay maya halo halong emosyon noon

''Dahil gusto ko lang ipaghiganti ang ama ko,gusto kong ibalik lahat ng nawala sa kanya ng dahil sayo''- Saad ng babae sa kanya na syang ikinataka niya

'What do you mean?''-Naguguluhang tanong niya

''I'm not Angel Samonte Alex, My real name is Angel faith Salvatore the only daughter of Mr.Salvatore na dating ka business partner mo, ngunit sa maling akala bigla mo na lang siyang ibinaba ng ibinaba, hanggang lahat ng pinaghirapan niya ay nawala dahil sa pagbibintang mo sa kanya''- Saad ng babae habang pinipigilang maiyak dahil sa sinapit ng kanyang ama

Habang si Alexander naman ay nananatiling nakatayo at nakatitig lang sa babae tila hindi makapaniwala sa mga naririnig niya.

'''And now thank to you,dahil dyan sa pésteng  pagmamahal mo sakin at sa pera mo naibalik lahat ng pinaghirapan ni papa and hindi lang yun it becomes double at para malaman mo  I'll never loved such a man like you,I WILL NEVER!!''- Saad ng babae sabay  alis sa kinaroroonan  nila kasama ang lalaking nagngangalang Matthew

Habang si Alexander naman ay tinitignan lang ang dalawa palayo ang kanyang mga mata tila biglaang naglaho ang emosyon nito nagpapahiwatig na ayaw nyang ipakita sa iba ang totong nararamdaman niya.

END OF FLASHBACK.......

_____
''Kaya mula ng nangyare yun tila nag-iba pag uugali ni Sir,nagbago pati pakikitungo nya lalo nung nalaman niyang ikakasal  na ang dalawa ngunit sa ibang bansa,pero ni hindi namin kinwestyon si Sir dahil alam na din namin ang rason bakit naging ganon siya,masakit para sa kanya ang nangyari,ngunit ipinakita niya pa rin na matatag siya''- Nay Nora

''O sige siya Avi,magpapahinga  muna ako ha''- Saad ni nay Nora

''Sige po nay lalabas muna ako ''- Saad kong pabalik sa kanya

Nang palabas ako ng kwarto ay biglang akong napahinto sabay tanong sa sarili kung bakit...

''Hmm! bakit kaya wala man lang sinasabi si Sir sa Angel na yun nung sinabi niya ang totoo siguro nga malala ang naramdaman nyang pagmamahal kesa sa galit,Pero ang tanong mahal niya pa kaya yun? hmmmm?''

Dahil sa katanungan sa isip ko sh*tang Ina naman ohh,hyyst!•_•

IPAGPAPATULOY.......

PERSONAL MAID OF MONTEMAYOR (MONTEMAYOR OBSESSION)Where stories live. Discover now