Nagising ako sa ingay ng alarm clock kaya bumangon agad ako upang umuwi ng bahay dahil mahigit 30 minutes lang byahe ko. Agad na naligo at kumain upang maka alis agad. Ginising ko si ate at nagpaalam.
After 30 minutes nakarating din sa bahay at agad sinalubong ng aking pinsan.
"Couz tara samahan kitang mag ayos ng clearance mo sa school. Saka sinabi sakin ng mama mo na hindi ka na magtratransfer at alam kong matutuwa ka tungkol don."
Labis akong natuwa at ngumiti ng abot tenga kasi naman hindi na ko mag aadjust. Agad kameng lumakad patungong school dahil sobrang lapit lang nito sa bahay namin.
Habang naglalakad kame sa school may naka salubong akong lalaki. Matangkad, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata, moreno at mahilig sa musika. Agad akong natulala kahit sinabi ng pinsan ko na hindi naman sya ganun ka perfect pero subukan mo ding kaibiganin para malaman natin.
Natapos ang clearance ko na iniisip pa rin sya ngunit hindi ko ulit sya nakita nung araw na yun. Kaya inisip ko na lang baka hindi sya estudyante dito baka may sinamahan lang.
At dahil sa hindi ko sya kilala hirap akong alamin kung sino sya dahil kahit first name nya hindi ko alam.
Inisip ko na lang na anghel sya kung baga naging signus ko lang para maging inspirasyon, para piliting maka akyat ng stage at masabitan ng medalya. Kaya yun ang naging goal ko.
Agad kong kinuha ang diary ko at sinulat ang kwento ng isang araw na pinasaya ako.
Matapos yun natulog na ko at iniisip pa rin ang itsura ng anghel ko.
BINABASA MO ANG
knight in music
Teen FictionAng story na ito ay base sa aking buhay ngunit ang ibang nakasulat dito ay kuro kuro o isa lamang kathang isip upang lumikha ng isang kwento na may positibong pananaw sa buhay. Ito ay base sa pagibig, pamilya at kaibigan. Sana po ay inyong maunawaan...