Chapter 5

5 1 0
                                    

Simula noong araw na iyon ay nagbago na ang kapatid ko. Mas lalo itong naging tahimik. Minsan, nakikita kong nakatulala lang ito at maya maya ay iiyak. Ni hindi ko ito makausap ng maayos. Mas naging mahigpit naman si papa sa akin. Balewala naman iyon sa akin dahil sanay naman na ako at naiintindihan ko naman.

"Oh my gosh! Excited na ako for tonight"

Kunot noo kong binalingan si Eddie.

"Anong meron?"

"Welcome party ni Sadie, di ba?"

"Ahhh." tumango lamang ako.

Nandito kami ulit sa tambayan namin sa ilalim ng puno. Magkasama ang tatlo sa canteen at bumibili ng pagkain kaya kami lang ni Eddie ang nandito. Nagbabasa ako sa maliit na bible na dala ko.

"Sayang at hindi ka makakapunta. Ang saya sana kung kumpleto tayo." imbis na bukas, ay mamayang gabi na ang party ni Sadie. Alam kong maraming pupunta dahil inimbitahan naman ni Sadie ang mga classmates namin.

"Hindi ako pwede at alam mo namang hindi ko hilig ang mga ganyan." sabi ko habang hindi parin inaalis ang mga mata sa binabasa.

"Kaya nga! Paano ka mahihilig kung hindi mo susubukan? Noon pa man ay bawal ka na sa mga ganito. Hindi naman tayo mag da-drugs! Pagkain at kasiyahan naman ang pupuntahan natin."

I sighed. "Hindi ko lang talaga gusto ang mga ganyan, Eddie."

"Hindi mo gusto, o hindi gusto ng mga magulang mo?"

Nagsimula na akong mainis. "Hindi ko gusto, Eddie."

"Hindi mo ba talaga gusto o dahil naitatak na sa isip mo na bawal sa iyo ang mga ganito? I mean, please don't get me wrong ha, but I feel like what you are right now is not what you really are. Parang sumusunod lang kayo sa mga sinasabi ng mga magulang ninyo."

"Na dapat naman talaga. Our parents know what is best for us. Wala akong ibang pakikinggan kundi sila lang din kung gusto kong maging maganda ang buhay ko."

"Hmmmm, okay. I just hope that you get to know what you really want. And when you do, sana hindi pa huli ang lahat para sa'yo. Marami ka pang hindi alam sa mundo dahil sa kinalalakihan mo, Isla."

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagbabasa. Natahimik naman ito. Maya maya lang ay dumating na ang tatlo dala ang mga pagkain.

"Ang tagal n'yo naman!" reklamo ni Eddie.

"Paano, ang daming fans nitong si Sadie. Ang daming bumabati. Artista yarn?" natatawang sabi ni Ayesha.

Nagpanting ang tenga ko sa narinig.

Bakit pa siya nandito kung marami naman pala siyang fans doon? Sana hindi na siya sumama pabalik.

Naiinis na maktol ko.

"Tsk, wala lang naman 'yun. First time yata nilang makakita ng maganda." natatawang biro niya.

"Excuse me! Pangalawa ka lang no! Nauna ako." banat ni Eddie. Nagtawanan na naman sila. "Kumain na nga tayo! Kanina pa ako nagugutom." dagdag pa nito.

Maya maya ay ramdam ko ang pagtabi ni Sadie sa akin. Kahit na alam kong siya iyon ay hindi ko siya binalingan at nagpatuloy lang sa pagbabasa kahit wala na akong naiintindihan. Nagulat ako nang bigla niyang hinaplos ang mga kilay kong nakakunot. Hinaplos haplos niya iyon hanggang sa maghiwalay ang mga ito at kumalma ako. Ang kaninang inis ay napalitan na ngayon ng kiliti sa kalooban ko.

Lumingon ako sa tatlong nasa kabilang gilid ko at nakitang may pinag uusapan ang mga ito bago ako bumaling kay Sadie na ngayon ay nakatitig parin sa akin.

"Are you okay?" tanong nito.

I pursed my lips and nodded my head. Ngumiti naman ito ulit sa akin at ibinigay ang sandwich na binili niya.

"For you."

Hindi naman mamahalin ang sandwich na iyon, at alam kong kaya ko iyong gawin, pero pakiramdam ko ay pinaghirapan niya iyon.

"Are you mad at me?"

"I'm sorry..."

Kagat-labi ko siyang tiningnan. May kung ano sa akin ang gustong pawiin ang lungkot sa mga mata niya. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya malungkot at kung bakit niya natanong iyon.

"I'm not mad....and I'm sorry..." mahinang sabi ko. Gusto ko kasing siya lang ang makarinig.

Napapikit naman ito ng may ngiti sa labi. Gumalaw ang kamay nito at dahan dahang inabot ang kamay ko. Nang mahanap ng kamay niya ang kamay ko ay bumukas ang mga mata niya.

"You're forgiven..." bulong nito.

Sa kabila ng kabog sa dibdib ay masaya ako dahil maayos na kami.

Kahit na anong iwas ko sa kanya ay palaging may humihila sa akin pabalik sa kanya. Alam kong hindi siya maganda para sa kalusugan ko dahil hanggang ngayon ay nakakaramdam parin ako ng kabog sa dibdib, kiliti sa tiyan at kung anu ano pa pero mas gusto ko itong magkaayos kami. Gusto kong maging kumportable sa kanya. Saka na lang ako magpapa check up sa doktor kapag hindi parin nawala ang mga kakaibang nararamdaman ko.

Pagkasundo sa akin ni papa ay deretso kaming umuwi sa bahay. Tahimik ang bahay dahil ang sabi ni papa ay nasa simbahan pa rin si mama at babalikan niya pa ito. Nasa kwarto rin siguro si Ivor.

"Magluto ka ng hapunan ninyo, Isla. May pupuntahan pa kami ni mama mo at doon na kami maghahapunan. Kumain kayo ng kapatid mo." bilin ni papa bago umalis.

Kaya naman pagkatapos kong magbihis ay kaagad akong nagluto ng hapunan. Sinubukan kong kumatok sa kwarto ni Ivor ngunit hindi ito sumasagot. Kaya naman sinabi ko na lang na kumain siya kapag nagugutom.

Tapos na akong magbasa ng bible at matutulog na sana nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Sadie:

I hope you're here.

Napakagat ako sa aking mga labi nang mabasa ang mensahe.

Me:

Why? You should enjoy. It's your party.

Sadie:

You're not here :(

Me:

That's okay, bestfriend. You can still enjoy without me.

Sadie:

Ouch!

Me:

What happened?

Sadie:

Bestfriend??? Really?

Me:

Yes! You're my bestfriend now.

Matagal bago ito nag reply. Naiintindihan ko naman dahil nasa party siya.

Sadie:

Why do you want me as your bestfriend?

Me:

Because....I don't know. Regardless of what I am feeling, I still want you near me.

Sadie:

What do you feel about me?

Me:

My heart beats so fast when you're around. I can't relax. Like I am running for a few miles. Also, sometimes I don't like it when you look at other people. It makes me angry. Why do I feel this way? Maybe I should go to the doctor, right?

Ilang minuto na naman bago ito nag reply.

Sadie:

Oh, baby. My poor innocent, baby. I will let you figure it out. If you want to be bestfriends for now, then let's be bestfriends....for now.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

call it what you wantWhere stories live. Discover now