Chapter 1

1.6K 86 6
                                    

May isang pangalan sa campus na kinatatakutan ng mga estudyante: Duke Montemayor.

Sabi nila, kapag nakita mo raw ito, kailangan mong yumuko. Walang mata ang makatingin nang diretso rito. Kung bakit? Panigurado ay ikaw raw ang pag-iinitan nito kapag hindi ka natipuhan. At kahit mahirap na ang buhay sa loob ng military academy sa simula pa lang, mas lalo nitong pahihirapan ang ilang taon ng pananatili mo rito.

"It is the destiny of the weak to be devoured by the strong," ito ang paboritong kasabihan ni Dad.

Bata pa lang kami, palagi niya nang pinaaalala sa 'min ni Kuya ang sistema ng mundo—kung paano ito tumatakbo. Between the weak and the strong, he was the strong one. Kaya nga siya nasa posisyon niya ngayon—isang heneral. At gusto niyang sumunod ang dalawa niyang anak na lalake sa yapak niya. Ang kaso, bumigay ang panganay niyang anak. Kaya ngayon, ako na lang ang natitira niyang pag-asa. Pero hindi ako katulad ni Kuya. Hindi ako mahina. At hinding-hindi ako magpapalamon sa isang tulad ni Duke.

Payapa naman ang naging unang buwan ko sa military academy. Noon pa lang, inihanda ko na ang sarili ko bago pa man ako pumasok dito. Madalas akong magbuhat kahit no'ng high school pa lang. Batak ang katawan. Oo, mas guwapo si Kuya—kahit pareho lang kaming maputi dahil may dugong Chinese—pero mas makisig naman ako sa 'ming dalawa at mas matangkad ako ng tatlong pulgada. Kaya nga lapitin ako ng chicks. Na-set na ni Kuya ang expectations ko sa kung anong mga dapat kong asahan dito sa military academy. Kaya naman, hindi ako nanibago sa matinding training, hindi tulad ng mga kasabayan ko.

Aaminin ko, medyo nalungkot ako no'ng mga unang gabi. Wala kasing uwian kapag pumasok ka na sa military academy, liban na lang kung matagal ka na rito. Bawal din ang cellphone. Panay tuloy ako kaiisip kung kamusta na si Mom. Huling kita ko sa kaniya ay no'ng Reception Rites pa namin. Pinanood niya kaming mga plebo (tawag sa freshmen students) sa may field habang dinidisiplina sa unang araw namin. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala, kaya pinakita ko rin sa kaniya na kaya ko at alam ko kung ano ang pinasok ko. Marahil ay naalala lang niya ang nangyari kay Kuya at natakot na baka ay matulad ako rito. At kamusta naman kaya si Kuya? Huling kita ko sa kaniya ay nang palayasin siya ni Dad sa bahay. Puro pasa ang katawan niya at nagsusugat din ang mga labi nang umuwi siya galing dito sa academy. Pero dinagdagan pa ito ni Dad nang malaman nitong hindi siya tunay na lalake.

Napapawi rin naman ang lungkot ko tuwing nakakakuwentuhan ko ang mga kasama ko sa barracks. Apat kami sa iisang barracks na matatagpuan sa dulo ng first floor. Sa loob ng kuwarto ay may dalawang double-deck na bunk bed: isa sa kaliwa at isa naman sa kanan pagbukas mo ng pinto. Sa may dulo ng kuwarto ay may magkabilaan ding cabinets: dalawang magkadikit sa kaliwa at gano'n din sa kanan. Sa gitnang dulo matatagpuan ang bintana kung saan abot-tanaw ang gubat. Sabi nila, may lawa raw sa gitna ng gubat, bagay na mga first-class cadets o fourth-year students lang ang nakakakita. Wala nga yatang pumupunta roon dahil may sabi-sabing may nagpakamatay raw na estudyante roon dati.

Sa tatlo kong roommates, si Harry ang pinakamalamya. Moreno at may nunal sa pisngi. Madalas itong matumba tuwing tumatakbo kami sa umaga. Kapag sabay-sabay din kaming nagbibihis ay madalas ko itong napapansin na sumusulyap sa natutulog kong pagkalalake. O baka namamalikmata lang ako dahil nakasalamin ito.

Si Mark naman ang malusog kong roommate. Madalas itong magdaing tungkol sa pagkain sa mess hall pati na rin sa routine namin. Wala raw kasing lasa, at hindi raw ito makakain nang maayos dahil bawat subo namin ay may bilang.

Si Joseph ang kabaliktaran ni Mark. Patpatin ang katawan at parang isang ihip lang ng hangin ay matutumba na. Palibhasa kasi jakolero. At ang malas ko lang dahil magkahati kami sa iisang bunk bed sa kaliwang bahagi ng kuwarto. Madalas itong magsarili tuwing patulog na kami. Pampakalma raw. Okay lang sana. Ang kaso, sa upper bunk ako nakahiga. Damang-dama ko ang bawat yugyog nito sa ilalim.

The Bully Next Door (Next Door Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon