"Ma, sabihin ko di mo ako pinayagan." Nathaniel said while typing on his phone. Kinunot niya ang kaniyang noo kasi alam naman ng mga kaklase niya na ayaw niyang lumalabas pero kinukulit parin siya.
"San ba punta ng mga kaklase mo?" Sagot ng kaniyang ina habang nakatutok sa telebisyon.
Bumuntong hininga lang si Nathaniel na narinig naman ng kaniyang ina. Agad naman itong naintindihan ng kaniyang ina at pumayag na lang sa gusto ng kaniyang binatilyong anak.
"O sige, kung saan ka masaya." Nasambit na lang ni Aling Rosana.
Taong bahay lang kasi itong si Nathaniel, hindi madalas lumabas ng bahay nila. Mas gugustuhin niya na lang gumuhit sa kwarto niya kesa gumala kasama mga kaklase niya at isa pa, wala naman siyang kaibigan bukod kay Abel na nasa malayong lugar naman.
"May bagong kaklase raw tayo." Panimula ni Joseph na kakarating lang din, agad niyang tinabihan si Nathaniel at inakbayan.
"Kahit si Lisa ng blackpink mo pa 'yan. Di ako interesado." Sagot niya. Tumawa lang si Joseph at umalis na sa tabi niya.
Dumating ang kanilang adviser kasama ang bagong kaklase. Isang babae. Mataray ang titig, di man lang ngumiti habang nagpapakilala sa harap ng mga bagong kaklase.
"Natasha Banaco Costales, nice to meet you all." Sabi niya at parang napilitan lang ngumiti.
Tumingin si Nathaniel sa kanya, napatingin din si Tasha sa gawi niya pero tinaasan lang siya ng kilay nito. Kumunot ang noo ni Nathaniel.
"Maldita." Bulong ni Nathaniel at tsaka palihim na umirap. Kung may makakita man sakaniyang umirap tiyak na pagtatawanan at mamamangha sila. Ngayon lang kasi may sinungitang tao ang binata. Kahit medyo allergic sa tao si Nathaniel, wala silang masabi sa kabaitan niya. Di rin ito palaaway. Ngunit parang ngayon, magkakaroon na siya ng kauna-unahang kaaway, babae pa.
Natapos magpakilala ang dalaga tinuro ng kanilang guro kung saan siya uupo tinuro ni Ms. Dela Paz ang bakanteng upuan na katabi ni Nathaniel na agad naman niyang sinabi na di maaaring umupo si Tasha doon dahil si Joseph na raw ang nakaupo sa upuan na 'yon.
Kahit nalilito na si Joseph. Kinuha niya ang kaniyang bag at umupo sa tabi Nathaniel.
"Pre." Bulong niya. Abot langit ang kaniyang ngiti. Paano ba naman, gustong-gusto niyang katabi si Nathaniel dahil bukod sa matalino ito ay gustong-gusto niya rin itong maging kaibigan ngunit sadyang mailap lang 'tong si Nathaniel. Mapili sa kaibigan at pinapakisamahan kaya nong sinabi sakanya na doon siya nakaupo ay agad niya itong sinunggaban kahit di niya alam kung bakit nagbago ang ihip ng hangin.
Walang nagawa si Tasha kundi umupo sa dating upuan ni Joseph. Katabi ni Natasha si Nessa ang babaeng version ni Nathaniel na allergic din sa tao. Napatingin lang si Tasha kay Nessa habang si Nessa naman ay iniusog nang kaunti palayo sa upuan ni Tasha. Lumaki ang mata ni Tasha at iniusog niya ang upuan palapit kay Nessa.
"The audacity." Pairap niyang sinabi. Napayuko na lang si Nessa. Ayaw niya kasi ng gulo at kung maaari ayaw niyang patulan ang pagtataray ni Tasha sakanya.
Natapos ang araw na wala silang masyadong ginawa dahil unang pasok pa nila.
Kinabukasan hindi pumasok si Nessa. Ang dahilan niya ay sumakit ang kaniyang tiyan.
"Pangalawang araw pa lang, absent agad. Tsk." Pagtataray ni Natasha. Narinig naman ni Veronica iyon, ang taga pagtanggol ni Nessa. Nang marinig niya iyon ay agad niya itong tinignan ng matalim at inirapan ang bagong kaklase buti na lang at di iyon nakita ni Tasha kung hindi babawian niya si Veron ng irap din.
YOU ARE READING
No Regrets
General FictionNathaniel Jacento, the greenest man living in Pacho El Fuego. People call him "Good boy." for being a good son to his parents and a good brother to his siblings even in his workplace. Nathaniel embodied the values of kindness, integrity, and humilit...