"Oh, Elle 'di ka ba male-late niyan?" tanong ng Tita ko.
"Di naman Tita. Alas-diyes pa naman po ang pasok ko eh," nakangiting sagot ko. Alas otso pa lang. Tantsa ko ay alas-nuebe medya nasa opisina na ako. "Alis na po ako," sabi ko pa bago lumabas ng gate.
Sa may McKiley Hill Taguig ako nagta-trabaho. Limang buwan na rin ako roon kaya naman sanay na ako sa mahabang biyahe. Tatlong sakay ang ginagawa ko bago makarating doon.
Sumakay ako ng jeep patungo sa terminal ng van. Wala akong ibang choice eh. 'Yon lang ang magandang way para makarating sa opisina. Kahit na nga mas mahal ang bayad sa van.
Wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa terminal.
"Shit," nasabi ko na lang pagkababang pagkababa ko pa lang ng jeep.
Kita ko kasi kung gaano kahaba ang pila sa terminal ng van papuntang Ayala. Ayala ang sinasakyan ko dahil wala namang diretsong McKinley. Naku naman! Baka ma-late ako nito. Masama pa man din ang panahon. Buti na nga lang tumila na ang ulan. Sobrang hassle talaga. Sana pala inagapan ko pa ng kaunti. Kung alam ko lang na ganito kahaba ang pila. Hay!
May ilang minuto na rin ang lumilipas pero ni walang dumarating ng van. Pag minamalas ka nga naman oh! Nasaan na ba 'yang mga lintik na van na 'yan? Never pa akong na-late sa trabaho! Ito pa lang ang unang beses pag nagkataon!
"Miss, pila 'to ng Ayala?" tanong ng lalaki sa likod ko.
Nakakunot noo ako nang tumango sa kanya. Ni hindi ko siya tinignan. Wala ako sa mood sumagot ng maayos sa mga obvious na tanong. Wala namang ibang pila dito kundi Ayala at Crossing. Dun sa kabila may van nakalagay "Crossing" malamang dito na yung Ayala 'di ba? Tsk. Common sense naman, Kuya!
Kinuha ko na lang ang cellphone ko. Makikinig na lang ako ng music at baka sakaling mabawasan ang init ng ulo ko. Dahil medyo nangangawit na ako, humarap ako sa may barandilya at pinatong ang dalawang braso ko roon.
May kalahating oras na ang lumipas pero isang van pa lang ang dumating. At tantsa ko ay mga apat na van pa bago ako makakasakay. Napatingala ako nang maramdaman kong may tubig na pumatak sa braso ko. Umaambon na naman. Pag minamalas ka naman talaga oh!
Kinuha ko agad ang payong sa bag ko. Wala kasing bubong dito sa terminal. 'Yong waiting shed lang. Eh ang layo ko doon kaya kailangan talaga ng payong.
Habang tumatagal ay nararamdaman kong lumalakas ang ambon.
Napakunot ang noo ko nang biglang may gitara na nasa may paanan ko. Halatang naisilong yun sa payong na hawak ko. Pasimple kong sinulyapan 'yong katabi ko sa kanan. Siya 'yong nagtanong kanina kung pila ng Ayala ito. Naka jacket siya at 'yong hood niya lang yung pumoprotekta sa kanya para 'di siya masyadong mabasa. Ambon lang naman eh.
Pilit kong inaaninag ang mukha niya pero 'di ko makita. Tsk! Lecheng hood yan oh! Gusto kong makita hitsura ni Kuya eh! Naa-attract kasi ako sa mga lalaking marunong mag-gitara. Eh 'di ko napansin na may bitbit siya kanina kaya medyo nasungitan ko siya.
Naramdaman kong lumalakas ang patak ng ulan sa payong ko. Napatingin ulit ako kay Kuya. Mukhang 'di na kaya ng jacket niya 'yong ambon.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"Kuya, silong ka na oh," sabi ko sabay angat ng payong ko para umabot sa ulo niya. Mejo may katangkaran kasi siya eh.
Tumingin siya sa 'kin saka ngumiti. Ang cute niya pala! OMG! Ang landi ko lang ano ba 'yan!
"Huwag na. Baka mabasa ka pa. Itong gitara na lang," aniya saka lalong nilapit 'yong gitara para masilungan 'yon nang maayos.
"Naku baka magkasakit ka niyan Kuya," medyo concerned na sabi ko.
BINABASA MO ANG
You Made My Day
Short Story[One Shot Story] Masisira na sana ang araw ko, buti na lang nakasabay kita...