The number that you dialled is either unattended or out of coverage area....
Padabog kong ibinaba ang cellphone ko ng di ko na naman macontact si Jayme. Asan na ba ang lalaking yun? Kanina ko pa tinatawagan pero di naman macontact. Naiinis na talaga ako. Kagabi siya tong pilit ng pilit na pumunta kaming school para magliwaliw tapos ngayon nowhere to be found ang peg niya. Tae lang ah.
Pumunta akong mini-forest at naghanap ng available na mesa na pwedeng upuan. Nang makakita ako ay nilapag ko muna ang bag at kahong hawak ko kanina pa. Nangangalay na ako kanina pa at nagsisimula nading uminit ang ulo ko. Ayaw na ayaw ko talagang pinaghihintay ako.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinry ulit tawagan si Jayme. Pag yun di padin ma-contact bahala na siya sa buhay niya.
rii-
"HOY JAY-"
"AY TANGINA BINABAAN AKO!" Uminit na talaga ulo ko. Lechugas na lalaki yun. Bahala na siya sa buhay niya. Uuwi na ako. Akala niya ha?
Patayo na ako nang biglang dumilim ang paningin ko.
"Tangina lang po. Mainit ulo ko. Utang na loob wala ako sa mood, tanggalin mo tong lintek na blindfold." Sabi ko sa sinumang tao na nagblindfold sa akin.
"Pasensya na po miss EJ, pero hindi po pwede eh. Pinapahanap po kasi kayo." Dinig ko sagot nang nagblindfold sa akin.
Naramdaman ko ding may pinusasan ang mga kamay ko.
"Hoy! Ano nanaman to? Bakit may posas?"
'Di pinansin ang tanong ko at naramdaman kong iginigiya niya ako palakad. Nagdisisyon akong pabayaan nalang siya o sila na dalhin ako kung saan kesa magreklamo pa ako kasi may pakiramdaman akong useless din naman.
Kanina pa kami palakad-lakad at nagpapasalamat akong naka-high cut akong sapatos. Maya-maya naramdaman kong pumasok kami sa isang kwarto at ini-upo nila ako sa isang upuan sabay kalas ng posas sa mga kamay ko.
"Pwede niyo na pong tanggalin ang blindfold Miss Ellona. Wag po kayong lumabas ah, hintayin niyo lang po yung makakasama niyo dito."
Napakunot-noo ako sa narinig. Kinalas ko na ang panyo at inilibot ko ang paningin ko sa kinaroroonan ko. Napa-facepalm ako ng makita ko ang pangalan ng booth na kinaroroonan ko.
TALK WITH YOUR CRUSH.
Kaninong pakulo naman kaya to? Wala akong oras para dito. Pero infairness, ang ganda dito sa loob ah. Napaka-romantic kasi ng ambiance. The room was filled with heart-shaped floating balloons. Sa walls naman ay may mga sticky notes na sweet thoughts at kung ano-ano pa. Sa gitna naman ay may bilog na lamesa na may bowl sa gitna at may mga papel sa loob.
Lumapit ako sa lamesa at umupo sa isang upuan dun. May nakita akong papel na may nakalagay na Instruction. Binasa ko iyon.
Instructions:
1. Ang mga nakalagay sa bowl ay mga katanungan na pwedeng itanong sa "Crush" mo.
2. Get one at a time. Alternate sa pagkuha.
3. Be honest.
4. Be real.
"Ahem."
Napalingon ako sa tumikhim. Napataas ako ng kilay nang mapagtanto kong si Amiel pala.
"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Napasinghap ako ng maisip ko kung bakit siya andito. "Oh my-"
"Stop that nonesense. What I mean is, tigilan mo yang kung anong iniisip mo Ellona." Anya at umupo sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Illustrator
Teen FictionEllona Jean, school news paper Editor in chief is secretly in love with Jayme. She's popular but for him she doesn't exist. She's loud and Crazy but for him she just wants attention. Will they compliment each other? Will Mr. Illustrator appreciate h...