ANG AKING KALABAN

38 0 0
                                    

Noong una tayong nagkita

Unang impresyon na nakita

Kung kumilos ka ay parang brusko

Sa akin ay palaging mainit ang iyong dugo

Sa unang araw ng klase

Di ko akalaing ikaw ay makatabi

Napagbintangan pa ako ng ating kaklase

Na iginuguhit ko raw ang iyong imahe

Doon nagsimula ang ating pagtatalo

Ngunit lagi ka namang asar talo

Di ko na mawari ang aking sarili

Na ako ay napapangiti sa nangyayari

At waring kulang ang araw ko

Pag di nasilayan ang mukha mo

Ang buong akala ko

Hindi ka problemado

Dahil isa kang masiyahing babae

At palagi kitang nakikitang nakangiti

Marami ka palang inililihim

Na mga poot at sakit na kinikimkim

Magmula noon di na kita ginugulo

Na kahit ang ugali ko na ayaw magpatalo

Unti unti na tayong nagin magkaibigan

Magkasama na sa saya at dramahan

Di ko nalang napansin

Na ang aking damdamin

Ay nahuhulog na sa dating kalaban

Na ngayon ay matalik nang kaibigan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG AKING KALABANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon