CHAPTER 39

118 7 0
                                    

💗ENJOY READING, HONEYS💗

3 years ago

SA kalagitnaan ng pagkabigong nararamdaman, ang pagkawala ng kaniyang pag-asa ay natigilan si Xyña nang biglang huminto rin ang kinalululanan niya. Then she heard a voice of a woman, kahit mahina ay naintindihan niya ang sinabi nito.

"Who's inside?" It's the woman's voice, it was held in so much authority. At the same time, it was familiar on her ears.

"Woman of that arrogant agent named Darrius."

She heard the voice of a man that captured her once again.

"We'll take care about her."

Wala sa sariling napayakap siya ng mahigpit sa kaniyang katawan. She was literally shaking in fear. Hindi niya magawang pakalmahin ang sarili, sa estado niya ay paano naman siya kakalma? She was too scared, at wala siyang magawa kundi ang umiyak na lang.

Hindi na niya alam kung ano pa ang pinag-usapan nang dalawa, namalayan na lang niya na gumagalaw na ulit ang kinalululanan niya. Hindi pa man nagtatagal ay bigla siyang nakirinig ng sunud-sunod na putukan. Kaagad siyang napatakip sa bibig ng umalpas ang tili mula roon. Mas lalong naging masagana ang kaniyang luha. Hindi na niya maipaliwanag kung anong klaseng takot ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Ang buong katawan niya ay nanlalamig na at nanghihina.

Naramdaman niyang parang mas mabilis na ang pag-usad niya. Ang putukan naman ay mas lalong naging malakas. Hindi niya na alam kung nasaan siya? Kung ano ang nangyayari? Gustong-gusto na niyang makawala pero wala siyang magawa, wala siyang kakayahan para gawin iyon, and it made her frustrated while shaking in fear.

"So...this is my end," Nanghihinang bulong niya sa mapait na tono.

Kaya lang ay habang pinapakiramdam kung ano ang nangyayari sa labas ay pansin niyang parang lumalayo na ang putukang naririnig niya. Ang naririnig na lang niya ang ang tunog ng makina ng sasakyan. Kung saan man siya dadalhin ay hindi niya na alam. Habang tumatagal sa loob ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman niya hanggang sa hinayaan na lang niya ang sariling makatulog dahil kanina pa siya nahihilo.

WHEN SHE woke up, she thought she was already dead and it was her afterlife dahil kaagad na maliwanag na ilaw ang bumungad sa kaniya at maayos siyang nakahiga sa malambot na kama. Kunot ang noo na bumaba ang tingin niya sa katawan na natatabunan ng kumot mula sa bewang. Nakasuot na siya ng bagong t-shirt at ramdam niyang may suot rin siyang pants.
Kumunot lalo ang kaniyang noo dahil sa kalituhan. Ini-expect niya kaninang nakatulog siya na hindi na siya huminga sa muling pagdilat ng mga mata niya pero heto at nasa maayos siyang kalagayan.

"Was it just a dream?" Nalilitong tanong niya sa sarili.

Kapagkuwan ay nilibot niya ng tingin ang kabuuhan ng silid. Hindi iyon pamilyar sa kaniya kaya malabong nananaginip lang siya. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang makarinig ng tunog ng mga hakbang na papalapit sa kaniya. Humigpit ang hawak niya sa kumot kasabay ng panlalamig muli ng kaniyang katawan. Sa sobrang takot na nararamdaman ay parang hinahalukay ang sikmura niya at gusto niyang masuka.

Nang bumukas ang pintuan ay handa na siyang sumigaw ngunit tila nag-slow motion ang lahat nang bumungad sa kaniya ang mukha ng mga magulang. Bumagsak lahat ng bigat niya sa kama, umawang ang kaniyang labi sa pagkabigla. Para bang tumigil ang lahat, maging ang utak niya ay walang maisip, she could only heard the loud beating of her heart na sa sobrang bilis ay parang lalabas na sa ribcage niya, it was beating so fast that it aches.

"I'm dreaming..." kapos ang boses na sambit niya.

Nagsimulang mag-init ang bawat sulok ng kaniyang mga mata, parang may bumabara na rin sa kaniyang lalamunan. Ang dalawang taong nasa harapan niya ay ang mga taong hindi niya na inaasahang makikita pa niya. Nakatayo ang mga ito sa paanan ng kama.

A Woman's Tears (Dark series book 6) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon