V

0 0 0
                                    

Who could it be?

Ilang linggo na ang lumipas nang mabalitaan ng buong klase ang karumal-dumal na nangyari kay Phoebe. Hindi pa rin maalis sa isip ng bawat isa kung totoo nga ba ang balita o hindi. Patuloy na gumugulo sa mga isip nila ang mga bagay na iyon. Mayroon pa ngang pagkakataong, sinadyang puntahan ng ilang mga kaklase ng biktima ang pinangyarihan ng krimen. Pinili nilang mag cutting classes at ito ang hindi alam ng kanilang guro. Tanging mga kaklase nila ang nakakaalam.

Pumunta sila sa isang liblib na lugar kung saan pinuntahan ng mga awtoridad noong nakaraang linggo. Malapit lamang sa paaralan. Nababalot ng makapal na kadamuhan at mga dahon ang paligid, kapansin pansin din ang bakas ng pinangyarihan ng krimen. Hindi rin nakatakas ang masangsang na amoy mula sa dugong nagkalat sa lugar na iyon.

The investigation of Phoebe's Murder is still on going and everyone's talking about it, but the most talk of the town is the dissapearance of Phoebe's body.

Ayon sa mga sabi-sabi ay nalingat lang daw ang mga pulis at bigla nalang naglaho ang katawan, tanging bakas ng dugo nalamang nito ang iniwan.

"Hindi ko maintindihan, sino naman kaya ang baliw na gagawa nito sa kanya?" tanong ni Copper habang kinukulikot ang mga lumang bagay sa loob.

"Yeah, why did they do this to her? Even though Phoebe's quite annoying, I still pity her," gatol ni Dalton na nakatayo sa likod ni Copper.

"This is a crime scene, guys. Baka maabutan tayo ng mga awtoridad dito. Remember the case is not yet solved. It's too dangerous for us para makialam, bumalik na tayo sa school," singit ni Sage na kanina pa may masamang pakiramdam sa lugar.

"Can you please shut up Sage, hindi ka nalang dapat sumama kung naduduwag ka. Go back to school!" wika ni Riju at napaflip hair sa harap nito.

"Pinilit niyo lang naman akong sumama noh. Umalis na kasi tayo dito! Kapag talaga malaman ito ng teacher natin, bahala kayo!" pag babanta ni Sage.

"How could you, unalis ka kung gusto mo, get lost. Andito na tayo tapos ngayon ka pa magdadalawang isip?" Iritadong sabi ni Riju at dinuro si Sage. Hindi naman matiis ng mga kasama nito ang pagpapalitan ng usapan ng dalawa kung kaya't isa sa kanila ay sumambad.

"Shh, both of you, shut up! Hindi kayo nakakatulong! Magsilayas kayo rito kung hindi niyo matiis iyan!" saway ni Cooper.

"We're not authorities para pumasok dito. We're just students so stop. Umalis nalang tay-----" Hindi natapos ang sinasabi ni Sage nang magsalita si Elias.

"Guys, did you hear that?" he asked habang palinga-linga sa paligid, tila may pinakikinggang ingay na nanggagaling sa kung saan.

"What is it? What's the matter, El?" tanong ni Dalton na ngayo'y nakatingin kay Elias.

Copper stopped what he was doing. " I think i heard something," halos ibulong na ni Elias ang sagot niya.

Nalukot naman ang mukha ni Copper. "Ang alin ba iyon?"

Bahagyang tumakbo sa kinatatayuan nila si Selene, takot na takot at hindi mapakali ang ulo kung saan lilingon. Tulad ni Elias, naririnig niya ang mga mumunting kaluskos. "There's a creepy noise around us, guys! Let's go home now! Umalis na tayo oh my god, i wanna go home na" nanginginig at naiiyak na sabi ni Sage.

"Shh, huwag kayong maingay!" saway ni Copper at lumakad kung saan nagmumula ang ingay. Pumunta siya sa pinakamadilim na edge ng silid. Habang lumalapit siya, lumalakas ang kabog ng dibdib niya.

Napatago nalamang sa likod ni Dalton si Sage samantalang ang iba ay nakatuon ang mga mata sa binata.

"Tol!" mahinang pagtawag ni Dalton sa kaibigan. Hindi siya pinansin ni Copper. Nagpumilit pa rin ito sa binabalak niya.

At first parang hindi normal na tunog lang pero nang tuluyang siyang makalapit, biglang lumakas ang kaluskos.

Kinuha niya sa bulsa ang phone niya at isinet ito sa flashlight mode. Sa pagtapat niya sa flashlight, bumungad sa kanya ang dalawang pares ng mga mata ng hayop. Sa gulat niya, napasigaw siya at diretsong natumba sa sahig.

"Copperrrr!" malakas na sigaw ni Riju.

"Tol, what's going on there? Are you alright?" Dalton.

"Anong nakita mo?" Elias.

Ilang segundong natulala sa takot si Copper bago nabalik sa ulirat. He saw a black cat na nakatungtong sa taas ng lumang aparador ngunit agad itong tumalon at kumaripas ng takbo.

Napahawak siya sa kanyang dibdib at huminga ng malalim, tanda sa pagpapakalma sa sarili. Nang maging okay siya, doon niya tinugunan ang kanyang mga kasama. "I'm fine. It's just a cat!" Pagkasagot niya no'n, tumayo siya at bumalik sa mga ito.

"Muntik na akong atakihin doon ha, akala ko kung ano na, pusa lang pala!" ani Copper at pinatay ang flashlight ng phone niya saka ito isinuksok sa bulsa.

"Mag iingat ka kasi, alam mo namang mukhang horror place ito eh. Akala namin kung napa'no ka na, hayst!" Lumapit sa kanya si Dalton at inakbayan siya sa balikat. Sinuntok-suntok siya nito sa tagiliran habang patawa-tawa.

Maya-maya, sa kabila ng kanilang mumunting reunion, nabulabog ang lahat nang magpakawala ng malakas na sigaw si Sage. Nakatingin ito sa mas liblib pa na parte ng gubat ko.

Nagmadaling lumapit sa kanya si Riju. "Hey Sage, anong problema?" she asked subalit wala siyang nakuhang sagot. Pinagyuyugyog nito ang braso ng dalaga ngunit ayaw talagang palantad. Para malaman niya kung bakit, sinundan niya ng tingin ang tinatanaw nito.

Sa bandang iyon may nakita silang anino ng tao. May hawak itong kutsilyo. Hindi nila maaninag ang hitsura subalit alam nilang tao nga yaon.

Nataranta ang lahat kaya halos mag unahan na ang mga ito sa pagtakbo paalis. "Guys, umalis na tayo!" sigaw ni Elias.

Wala nang maraming sinabi ang mga kasama niya kundi ang tumakbo para umalis sa lugar na iyon. Hingal na hingal silang bumalik sa school na puno ng takot at kaba sa dibdib.

"What was that?! Sino iyon?" humahangos na tanong ni Dalton habang nakatukod ang mga kamay sa tuhod niya. Tumigil sila sa hallway at doon pansamantalang nagpalipas ng pagod.

"I don't know pero napakasuspicious. Baka. . ." Hindi nakapagpatuloy si Copper nang pagkumpulan sila ng kanilang mga kaklase.

Mabuti nalamang na sa kanilang pagdating, naabutan nilang wala ang teacher nila kaya napagpasyahan ng mga ito na sa loob ng room nalamang sagutin ang mga katanungan nito.

QUE, guess WHO?Where stories live. Discover now