A/N: Trigger warning, read at your own risk. Please be advise that this story contains sensitive content and strong Language that are not suitable for some audience. (Mentions of depression, self-harm, and emotional distress)
• • •"Shan, I have a crush" kinikilig kong pagkukwento sa kanya.
"Sino na naman 'yan?" kahit sa cellphone ko lang siya kausap, parang nakikita ko na ang pagkunot ng kanyang noo.
Grabe naman itong taong ito kung makatanong. Akala mo ang dami kung kinukwento ko sa kanya tungkol sa crush ko.
"Si Drei, writer siya! Grabe ang cool ng mindset niya, ang matured niya. Feeling ko bagay kami kasi, diba, nagko-compliment yung ugali namin sa isa't isa" sabi ko habang kinikilig. Grabe naman kasi, hoyyyyyy, ang astig niya.
"Kung feeling mo bagay kayo, then you're not feeling well. Nagde-delulu ka naman d'yan." Bwesit! Bitter talaga nito, kainissss.
"Alam mo, Shanzelle Fayerone, ang bitter mo. Porket nag-break na kayo ng jowa mo, bitter kana sa lovelife ko!" Hello, ngayon lang ako nagka-crush no, dapat supportive siya.
"Alam mo rin, Chaecei Dhayanah, hindi ako bitter. Hindi lang talaga kayo bagay. Tanggapin mo na kasi, magde-delulu ka lang d'yan eh." Pambubwesit niya pa.
"Manahimik ka, bading!" inis na saad ko at pinatay ang tawag. Naririnig ko na ang tawa niya dahil nagtagumpay nanaman siyang inisin ako. Bwesit siya.
Ang bading na yun ang bitter! Sabi niya dati, "Nasa lalaki ang trauma kaya babae nalang ang mamahalin ko" Ayan siya ngayon bitter kase nag-break na sila nung girlfriend niyang si Zyra yata pangalan nun. Nakipag-break daw siya kasi nahuhulog na raw siya sa ibang babae. Tapos ngayon, beh, bitter siya eh kasalanan niya naman. Muntik na nga kaming mag-Friendship Over dahil sa katangahan niya. Isa siyang naglalakad, tumatalon, gumapang, at lumilipad na red flag.
Nag-open na lang ako ng Facebook account ko at in-stalk yung crush ko. May bago nanaman siyang post. Syempre nag-heart react agad ako at nag-comment, papansin ako eh.
Sunod kong binuksan ang group chat namin. Mga pastilan! Ang ingay nila, ang hirap kaya nag-back read. Baka may mamiss akong chismis.
Puro kagaguhan lang naman pala ang pinag-uusapan nila. Sayang pag-back read ko. Nag-scroll-scroll nalang ulit ako sa pesbok.com at nakita ko ang My Day ni Shan.
"Pisteng babae 'to, nag-thirst trap nanaman, ang asim HAHAHAHAHA." Charot, kaibigan ko nga pala 'to. Nag-heart react nalang ako sa My Day niya.
Shan:
Labidabs myday mo ko!Chae:
Kawawa ka na talaga, wala na mag-myday sayo. Send pic na habang mabait pa ako.Nag-send din agad ng picture si Gaga at miny-day ko na. Infairness kay Bading, ang ganda. Mabait din naman itong kaibigan kung ito siraulo lang talaga.
Pagkaraan ng ilang linggo, tamlay na tamlay si Baccla. May problema ang gagang yun. Agad ko siyang tinawagan kasi 'di ko naman siya mapupuntahan, online bff lang kami at malayo ang bahay nila.
Pero kahit sa internet lang kami nagkakilala, sobrang pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan namin. Isa siya sa mga taong sobrang nakakakilala sa akin.
"Hoyyy baccla! Sadgurl ka ngayon ah," pang-ookray ko sa kanya. I'm not really good at comforting but I make sure to listen to my friends' rants and stay with them every time they are sad or lost. I'm not a good adviser but I'm a good listener.
"Chae, what if I told you that I'm fallen?" Luh, gagi kumanta akala mo naman maganda ang boses. Mukhang tanga pa ang muka niya, seryosong seryoso parang gago di ako sanay.
YOU ARE READING
Favorite Almost
Short StoryIn the rollercoaster ride of emotions, Shan and Chae find themselves crumpled in a web of feelings. From confessions to heartbreaks, they work through the messiness of love and friendship. But what happens when trust is shattered, and the lines blur...