Chapter 27

5 1 0
                                    

SPECIAL

"Hindi ka ba hinahanap sainyo?" Hindi ko maiwasan mag tanong. Maaga pa ngayon at isang oras palang sya nandito.

"Nope! Nag paalam ako sa kanila."

"Good..gusto mo ba sumama sakin ngayon sa park? mamamasyal lang ako."

"Okay! Mabuti naman at inaya mo ko namimiss na kita kasama. Sobra."

Nakaramdam ako ng init sa sinabi nya. Namimiss rin kita Noah kung alam mo lang hindi ko lang kaya ipakita pero i will try to show my feelings to you. Again.

Sumakay lang kami ng tricycle papunta doon. Nakita kong nag labas ng 60 pesos si Noah para samin kaso tinanggihan ko sya dahil sya na lang lagi nag babayad.

"Ayokong ginagastusan ako ng babae."

"Ako na kasi mag babayad! Ang kulit mo."

"Wag na. Saka ka na bumawi sakin." Inalayo nya sa driver ang aking kamay na may pera.

"Kayo yon? Kayo nga!" Naasar na sabi ng driver. Anong pinag sasabi nya at samin pa nakaharap.

"Loko kayo ah! Hindi na aandar sakin ang mga ganyang galawan! Akin na ang bayad nyo at bumaba na kayo dito!"

Si Noah ang nag bigay. Bumaba na kami at tiningnan ko ang may ari ng tricycle. Nakita ko na ata sya somewhere pero anong sinasabi nya na kami nga?

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng hilahin nya ang kamay ko.

"Uupo lang..."

Nilibang ko ang sarili ko sa panonood ng mga batang nag papakain ng isda dito sa ilog. "AC..."

Tiningnan ko sya at malayo ang kaniyang tingin. "Bakit?"

"I like you very much..."

"Uh huh." Napangiti ako sa seryosong pag kakasabi nya.

Nakatingala ito at parang may iniisip. "Naniniwala ka ba sakin na hindi kita niloko?"

Nilagay ko ang aking buhok na lumipad sa aking tenga at saka nag salita.

"Oo..siguro."

"Hindi ka naniniwala."

"Siguro kasi alam kong lokoloko ka din."

Tumawa sya. "Like what i said i'm jerk but i'm not a liar."

"Okay sabi mo e."

"Do you still like me?" Nag aalinlangang tanong.

"Oo."

Sino ba naman kasing hindi. Kahit ano pang gawin mo at kasakit alam na alam ko sa sarili ko na sayo parin ako babalik.

"I like you too AC Walton Vegas."

Ang gandang pangalan.

Lumapit sya sakin at inakbayan ako at saking balikat ay inilagay nya ang kaniyang ulo. Ang alam ko lang ngayon ay mag kasama kami at masaya. Sana ganto na lang palagi walang iniisip na iba kundi ang aming sarili lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If The Sun Refused To ShineWhere stories live. Discover now