CHAPTER 7

149 9 0
                                    

CHIQUITA'S P.O.V

Bakit ganun?Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina.Kanina pa ako natutulala at tahimik kasi naman paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko yung pagkiss sa akin ni Ahyeon.May kung ano din na bagay sa dibdib ko.Ang bilis din ng tibok ng puso ko.Bakit ba kasi ginawa niya yun?Hindi ko tuloy siya matignan sa mata.

"Hoy Chiquita kanina pa kita tinatanong anong gusto mong lunch?Tulala ka jan"Sabi ni Kotoko

"Ahhh kahit ano nalang"Sabi ko

"Bakit ka ba kasi tulala?Kanina ka pang umaga ni hindi ka magsasalita kanina pa"Sabi naman ni Ruka

"May problema ka ba?"Tanong naman ni Nana

"Mukhang malalim yang iniisip mo.Hindi kami sanay na tahimik ka ehhh"Sabi naman ni Yunha

"Wala may iniisip lang"Sabi ko

"Ehh ano naman yun?"Tanong naman ni Yoona

"Opppsss mamaya kana sumagot.Kukuha lang ako ng pagkain natin.Samahan mo ako Yoona"Sabi naman ni Kotoko

"Sige"Sabi naman ni Yoona.

Tumayo na sila Yoona at Kotoko para kumuha ng pagkain namin.Ilang minuto lang ang nakalipas ay nandito na sila at may mga bitbit na tray ng pagkain.Inilapag naman na nila ito at umupo na sila.

"So ano na?Sagutin mo na ang tanong namin"Sabi ni Kotoko

"Kamag-anak mo talaga si Marites"Sabi naman ni Yoona

"Kung kamag-anak ko si Marites ikaw naman nanay mo si Marisol"Sabi ni Kotoko

"Sige mag-away nalang kayo para di ko na sabihin ang rason bakit ako tahimik kanina pa"Sabi ko

"Yan away kasi kayo ng away"Sabi ni Ruka sabay batok sa dalawa

"So ano nga?"Tanong ni Yunha

"Ehh kasi may nangyari kanina habang naglalakad ako paountang classroom"Sabi ko

"Ano?"Sabay-sabay nilang tanong

"Nakita ko kasi si Ahyeon na ginugulo ng grupo nila Aaron.Kilala niyo naman si Aaron hindi yun titigil hanggat di nakukuha ang gusto"Sabi ko

"So anong ginawa mo?"Tanong ni Nana

"Nilapitan ko.Niyayaya niya kasi si Ahyeon makipag-date eh ayaw ni Ahyeon tapos ayon kinukulit niya talaga and alam ko na uncomfortable na si Ahyeon so sinabi ko na gf ko si Ahyeon para manahimik na si Aaron"Paliwanag ko

"Ayy tanga!!Bakit mo naman sinabi na gf mo siya?"Sabi ni Kotoko at hinampas pa ako

"Ang daming pwedeng idahilan yun pa talaga ang naisip mo?"Sabi naman ni Yoona

"Anong reaction ni Ahyeon?Sinampal ka ba?"Tanong ni Nana

"Wala.Hindi rin niya tinanggi kay Aaron na gf ko siya"Sagot ko

"Aba aba Canny pumuporma ka yata kay Ahyeon"Sabi naman ni Yunha

"Yun ang unang pumasok sa isip ko ehh"Sagot ko

"Tapos ano sunod na nangyari?"Tanong naman ni Ruka

"Hindi naniwala si Aaron."Sabi ko

"Oh tapos?Hulaan ko,hinalikan mo si Ahyeon noh?Tapos sinampal ka ni Ahyeon ng malakas at naalog ang utak mo kaya ka tulala at tahimik kanina pa"Sabi ni Kotoko kaya binatukan ko siya

"Baliw walang ganun na nangyari.Pero medyo may tama sa sinabi mo"Sagot ko

"Hinalikan mo si Ahyeon?"Gulat na sabi ni Yoona

MS.PRETTY GIRLWhere stories live. Discover now