Pers

23 0 0
                                    


   Paul's POV

     "Kuya Paul...Hintayin mo ako!!!" sigaw ni Jane kaya napatigil ako sa paglalakad at tumalikod. Tumatakbo sya papalapit sakin. Tsk. Ang cute nya talaga tumakbo.

   "Haist. Nakakahingal" sabi nya nang makapunta sa harapan ko. Ngumiti sya ng malawak. Oh shoot! Wag mong gawin yan, Jane. Baka mahalikan kita ng wala sa oras. Hindi ko naman kapatid si Jane eh. Nagkataon lang na mas matanda ako sa kanya ng one year kaya kuya ang tawag nya sakin. Magka-school mate kami. 3rd year sya, 4th year ako.

    "Kuya, ayus ka lang? May dumi ba sa mukha ko o yung mukha ko mismo ang madumi?" nagtatakhang tanong nya sakin at bumalik ako sa katinuan.

   "Wala naman. Ganda mo nga eh. Blooming ka ngayon ah. Musta lovelife?" yun na lang ang lumabas sa bunganga ko.

    "Kuya, wala akong lovelife. Crush lang. Kaso manhid eh" sabi nya at nagsimula na kaming maglakad.

   Manhid. Katulad yan ni Jane eh. 3 years na kaming magkakilala pero ni minsan di nya na halata na mahal ko sya. Kung anu-ano kaya ang pinaggagawa ko para lang mapansin nya ako kaso wala eh. Kuya parin tawag nya sakin. Minsan nga gusto ko nang sumuko pero tuwing nakikita ko syang ngumiti at tumawa, parang may bagong paggasa. Bakla 'no? Pero wala na. Natamaan na ako. Galing talaga pumana ni kupido. Langya...

   "Kung ako sayo, sabihin mo na crush mo sya bago ka pa maagawan ng iba" paliwanag ko habang naglalakad.

    "Kuya Paul, pag sinabi ko, baka mawala sya sakin atsaka, ako? Maaagawan? Tss. Ako lang naman ata ang babaeng nakakalapit sa kanya" sabi nya habang nakangiti.

   Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa University. Ang swerte naman nung lalaking mahal ni Jane. Biro mo, si Jane, mabait, matalino, kalog, boyish pero maganda. Saan ka pa diba? Nakakaptngina. Sana ako na lang yung lalaking mahal nya. Haist. Pero parang imposible eh. Tss. Naalala ko na naman last year. Nung Valentines.

  -Flashback-

     Valentines. Eto na ang araw na aamin na ako kay Jane na mahal ko sya at sya lang ang mamahalin ko habang buhay. Kasalukuyan kaming nasa garden nila Jay..... Maraming design at nagmumukhang barbie house ang design.

   "Bea, saan ba tayo? Pinagtitripan mo na naman ako" narinig kong boses na paparating at ilang sandali ay lumabas si Jane na may takip ang mga mata at gabay-gabay ito ng kaibigan nyang si Bea.

   "Tae ka. Di kita pinagtitripan. Hahaha" sabi ni Bea at inilapit sakin si Jane na may takip pa rin ang mga mata.

    Nagtago sila Bea at Jay sa damuhan at tinagtag ko ang panyo na nakatakip sa mata ni Jane.

    "OMG, kuya. Ang ganda. Shet! Kasing ganda ko" sabi nya habang nilibot ang lugar.

   Natutuwa ako dahil natutuwa sya.

    "Mary Jane Dela Cruz" binanggit ko ang full name nya at lumapit sya sakin.

   "Bakit, kuya John Paul Villanueva?" tanong nya habang nakangiti sakin.

   "M-mahal...." sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya.

    "Mahal?" sabi nya at halatang naiinip na.

   "Mahal kita" deretsong sabi ko.

     Ilang minuto ang nakalipas at tahimik lang kami. Tsk. Sabi na at magiging palpak lang ito. Bwiset na...

    "Uh....? Mahal din naman kita......" at dun na nagliwanag ang mukha ko.

    "Mahal kita bilang KUYA" sht! May kasunod pa pala. Langya ah...

   "Tara, kuya. Kain  na lang tayo" hila nya sakin sa may table.

    Wala akong ginawa kundi sumunod na lang sa kanya. Aray...Ansakit nun ah. Sht...Di ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.

   -End of Flashback-

   Haist. Ang saklap, pare.

  "Kuyaaa!!! Are you even listening?!" sigaw ni Jane with matching pout. Tae..Pag ako talaga, hindi nakatiis, hahalikan ko 'to

   "Sensya naman. Ano ba yun?" sabi ko habang kinakamot ang batok ko.

    "Ang sabi ko, kung maglalaro kayo ni Jay ng basketball?" tanong nya sakin.

   Ang unfair nitong babaeng 'to. Si Jay na kaklase ko, di nya sinasabihan ng 'kuya' pero pag dating sakin, kuya dito, kuya doon, kuya sa kanto, kuya sa bus stop, kuya sa pluto, kuya sa bahay. Haist...Kung di lang ako gwapo, iisipin ko na may gusto si Jane kay Jay. Parehas pang nagsisimula sa 'J' yung pangalan nila. Tss. Hindi ako magpapatalo. John Paul ako! May 'J' din yun.

   "Kuya Paul naman eh. Oo o hindi lang ang sasagutin mo. Di mo ba alam yun? Gusto mo, ibalik kita sa tyan ni tita Mary?" sabi nya sakin.

   Mary pangalan ng nanay ko. Astig diba? Ang pangalan ng pinakamahal kong babae ay Mary tapos ang sunod na pinakamamahal kong babae ay Jane. Pag pinagsama, Mary Jane at ang Mary Jane ay full name ni Jane. Tsk tsk. Meant to be talaga kami ng Jane ko. Hahaha

"Hmmp! Bahala ka dyan, kuya" sabi ni Jane at nagwalk-out. Aish!

    Sinubukan ko syang sundan kaso biglang may humigit sakin.

   "Paul, may problema ako" sabi sakin ni Jay. Panira naman 'tong mokong na 'to

    "Tsk. Bwisit ka naman, pre. Ano ba yun?" naiinis na sabi ko. Pag di ko nahabol si Jane, papatayin ko 'to.

    "Pogi problems, pare. Itag-" pinutol ko ang sasabihin nya.

    "Wag ka nga, Jay! Pinagtitripan mo na naman ako. Tss. Ganyan din ang problema ko. Parehas lang tayo kaya bahala ka dyan!" sigaw ko sa kanya at tumakbo papaalis.

   "Tngna, Paul!!! Di ako nagbibiro!! Hinahabol ako ng mga lecheng babae!!!" pahabol nya pero di ko sya pinansin.

    Lakwents!!!

   Sinubukan kong hanapin si Jane. Nasaan na yun? Tinry kong syang hanapin sa lost and found pero wala sya eh. Puro ballpen ang nakikita ko.

    Dumaan ako sa may restroom at may narinig akong babaeng humihikbi

   "Di nya ako pinapansin.. Siguro iniisip nya na naman yung sinasabi nyang girlfriend sakin" sabi nung babae. Inilapat ko yung tenga ko sa may pinto.

   "Ang kulit mo kasi. Sabi ko kasi sayo na sabihin mo na mahal mo sya" sabi ng isang babae.

   "Di ko kaya. Baka mawala sya sakin. Ayokong mangyari yun. Ayokong iwasan nya ako. Di ko kakayanin" sabi ng babaeng umiiyak. 

    "Haist. Bahala ka, MJ" sabi ng isa pa. Sino kaya si MJ? Wala naman akong kilalang MJ dito sa University. Bago lang kaya sya dito?

    Ewan. Luh? Hanapin ko na lang si Jane baka umiiyak na yun kay Bea, bestfriend nya.

    Ilang beses na ko nang nilibot ang buong Highschool lobby pero di ko sya makita. Alangan namang nasa College lobby sya.

   Pawisan na ako kaya tumambay muna ako sa canteen at kumain ng sopas at kape. Langya. Ang init. Mas lalo pa akong pinagpawisan.

   Matapos ko ang pagkain ko ay nakita ko si Jane na pugto ang mata at mukhang pinagsasabihan ito ng kaibigan na si Bea.

   "Jane, umiyak ka ba?" agad kong tanong sa kanya nang makalapit ako.

    "Oo. Hehehe" sabi nya at ngumiti.

    "Bakit? Dahil ba sakin. Sorry ah" sabi ko habang nakatungo.

    Bago sya sumagot ay tumingin muna sya kay Bea.

    "Hindi, kuya. Hindi dahil sayo. Nadapa lang ako kanina. Sige, bye muna" sabi nya at umalis.

   Masaya ako dahil di ako ang dahilan kung bakit sya umiyak pero parang may tinatago sya sakin?

Haist...Imposible...

   

  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KuyazonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon