3:30 AM

248 27 8
                                    

Unang-una po sa lahat, ito po ay isa sa one shot horror story ko. Pero may kakaibang twist po ang horror story nato, ang twist po nito ay...

Hindi siya nakakatakot.

Lol haha basta napagtripan ko lang po to.

Horror siya pero parang hindi. Ay basta.

--------

"Aaaaahhh!"

Hingal na hingal akong napa-upo sa kama sabay ng pagpatak ng aking mga pawis.

Tinignan ko ang alarm clock sa aking gilid at nakita kong 3:30 pa lang ng madaling araw.

Bahagya akong napahawak sa aking dibdib dahil sa bilis ng pagtibok nito bunga ng aking masamang panaginip...

May isang lalaking pilit akong kinukuha, kahit saan ako pumunta ay sinusundan niya ako. Sa kadahilanang... gusto niya ako patayin.

Nagbabasa ako noon ng nakakatakot na istorya sa Wattpad sa kalagitnaan ng gabi nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto.

At doon ko siya nakita..

Ang lalaking gustong pumatay sa akin.

May hawak siyang isang matalim at kumikinang na kutsilyo.

Bakas sa mga mata ng lalaki na siya ay naka-ngisi kaya't bahagyang nanghina ang aking katawan dahil sa takot at bahagyang bumilis ang tibok ng aking puso.

Papalapit ng papalapit ang lalaki sa akin... at doon na ako nagising.

3:30 ng madaling araw.

Patuloy pa rin ang kabog ng aking dibdib at nananaig pa rin ang takot sa aking katawan dahil sa panaginip na iyon.

Tok..tok..tok..

"Violet?"

Bahagya akong napa-buntong hininga nang malaman kong si papa lang pala iyon.

"Violet, narinig kitang sumigaw kanina, ayos ka lang ba?" Pag-aalala ni papa sa labas ng aking kwarto

"Opo, pa, ayos lang po ako."

"May dala akong tubig dito, gusto mo bang uminom?"

"Sige po, pakipasok na lan---teka.."

Sandaling huminto ang tibok ng aking puso at tila nanlaki ang aking mga mata nang may matandaan ako....

..

..

..

..

..

..

..

..

..

Kakalipat ko lang pala sa apartment. At mag-isa lang ako.

3:30 AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon