Chapter 4

1 0 0
                                    


"Baka gusto mong samahan kita sa kwarto mo."

Tinignan ko muna sya bago magsalita.

"Hindi pa ako matutulog, puwede ka na mauna sa kwarto ko."

"San ka pupunta?"

"Sa sala."

"Delikado, samahan na kita."

"Riah, okay lang ako. Nandon naman sila ate pat."

"Sigurado ka?"

Tumango ako at bumaba na para don tumambay. Pagkababa ko nakaready na ang snacks for midnight.

"Hi, madam." Si ate alona.

Natawa ako at umupo.

"Grabe mga eksena ngayong araw." Si Aize.

Natigilan ako nang maalala kong may alam nga pala sya sa nangyari kanina.

"Ayaw tayo ipasama ni sir Ruel kila ma'am riah, bakit ba?" Tanong ni ate pat.

"Gusto ko nga den sumama kase sikat yung bandang iyon." Si aive.

"Puwede naman kayo sumama." Sambit ko.

"Hindi puwede, kapag sinabi ni sir Ruel dapat susundin namin."  Agad na sagot ni ate pat.

"Gusto nyo den naman, anong magagawa nya kapag nandon na kayo. Saka Hindi naman sya sasama pano sya makakasigurado na hindi kayo sasama sa'min."

Nagchikahan pa kami hanggang sa nauna na akong tumaas dahil sumama ang pakiramdam ko, ngunit hindi ko iyon sinabi maging kay riah.

"Good night." Halik ni riah sa noo ko.

Nagulat ako kaya bigla na lang ako napabangon.

"Riah, tomboy ka ba?"

"Tulog na tayo "

"Puwede bang sagutin mo muna Tanong ko."

"Hindi, malamang."

Bumangon sya para ilock ang pinto at bumalik sa Kama diretsong higa.

"Ilang araw kang ganyan sa'kin, ang sweet mo para bang may kakaiba."

Hindi nya ako inimik.

"Halahating buwan pa lang ako dito sainyo napakalapit mo na sa'kin."

Napabuntong huminga ako nang mapansin kong tulog na sya. Naalala ko ang sinabi Sakanya ni Aize na 'ang taong gusto mo', eh Hindi ppuwdeng si Ruel yun ako lang katabi nya non at pinaka suspect sa nangyari.

Ayokong magisip ng magisip, sumasama nanaman pakiramdam ko. Kinabukasan nagising ako sa paguusap nila riah at mama sa tabi ko.

"Good morning you two." Nakangiting bati ko.

Sabay silang napalingon na parehong nakasimangot.

"Aga aga naman—"

natigilan ako nang nahulog towel na nasa noo ko nang magakma akong bumangon. 

"Nilalagnat ka, ano bang ginawa mo pa kagabi?"

Ayon nanaman si mama sa pagiging strikto nya. Napatingin ako kay riah, 'sinabi nya?' Sabagay hindi den naman nya alam.

"Tumambay lang kami sa sala, ma."

"Hindi ka makakasama. Hindi pupuwedeng hindi pupunta dahil nakabook na ang mga yun."

"Sge po, ayos lang." Ngumiti ako ng pilit.

"Auntie, Walang kasama si quila Mamaya. Aalis tayo."

"Anong wala? Nandito kuya mo diba?"

No Risk, No StoryWhere stories live. Discover now