CHAPTER 2

9 0 0
                                    

C H A P T E R | 2

      I GOT THE chance to make my family proud. I need to win this, nagpractice ako ng sobra-sobra para dito. Bukas na gaganapin ang singing contest at ngayon pa lang ay kinakabahan na talaga ako. Tulad ng dati sama-sama kaming magkakaibigan nagpractice sumayaw at kumanta.

"Nana... You think I will win this?" Tanong ko kay Nana Ipe.

"Oo naman ang ganda kaya ng boses mo." Sabi nito habang tinitirintas ang buhok ko. I smile, I'm really lucky to have Nana by my side. Hindi ko man maramdaman ang mommy ko at least Nana is always here with me.

"Baka mana ka sa akin." Pagmamalaki nito kaya natawa ako.

"Kaya nga..." Tumawa na lang rin ito sa naging tugon ko. Hindi naman talaga magaling kumanta si Nana, ang totoo ay hate na hate niya pa nga ang mga tugtog mas gugustohin niyang tahimik kaysa sa may mga musikang rumaragudob sa paligid niya. Pero dahil hilig ko ang pagkanta ay wala siyang magawa.

"Iyang mommy mo ay sobrang galing din kumanta noong kabataan niya." Pagkwento nito.

"Lagi rin siyang nanalo sa mga singing contest na 'yan, kaya naniniwala akong ganoon ka rin. Nakuha mo iyon sa mama mo." I really like it when Nana is telling me about mommy. Sa ganoong paraan ay nakikilala ko si mommy.

"Oh, tapos na!" Sabi ni Nana.

"Am I pretty?" Tanong ko ulit. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi.

"Tingin nga kung maganda ka talaga." Sabi nito at umakto pang may hinahanap sa mukha ko.

"Nana!" Reklamo ko.

"Ay! Oo ang ganda nga!" Sabi nitong pabiro.

"Oh, halika ka na," pag-aaya nito.

At the age of 14 I'm still homeschooled hindi ko alam ang rason kung bakit hindi ako pwedeng normal na pumasok tulad ng iba bukod sa rasong nag-aactivities kaming hindi tugma sa pagpasok sa eskwela.

Kaming magkakaibigan ay pumasok na sa industriya mula ng simulan naming kumanta at sumayaw doon sa park. Kinukuha kaming mga mag-aadvertise, nagmomodel sa products and other, at ang pinaka-focus namin ay ang pagiging Adventours member namin sa isang social media show and TV show. Nagkaroon kami ng mga opportunities na ang kapalit ay hindi normal na pag-aaral at mga iba pang normal na ginagawa ng mga kaidadan namin.

At a young age, nakakapunta na kami sa iba't-ibang lugar at bansa na gustong ipa-review sa amin ang resort, hotel, service, and everything na pwedeng ireview even food. Naging maganda naman ang mga experience namin meroong mga pagkakataon na hindi but mostly ay magaganda talaga.

Actually nagsimula ang lahat noong nag-audition kami sa mga pwede naming apply-an. Lahat turn down but when a company offer this AdvenTours show we are all agree. Hindi naman nagfail sa suporta ang company sa lahat ng bagay na kailangan namin.

Si Kaze naman talaga ang nagpakita sa amin ng lahat ng ito sa industriya. We are all thankful for that, tinulungan niya kami sa lahat. Ang pagbibiro-biro naming manager siya ay naging totoo. Siya ang naging Manager namin, ang sabi nga company every member ay iba dapat ang manager pero hindi pumayag si Kaze. Edi wala silang nagawa kundi sundin ang gusto namin. Kahit alam naman ni Ms. Manager na lahat kami ay sakit sa ulo niya, she love us that it doesn't matter to her even we are pain in the ass of her.

FVS 1| Lost In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon