CHAPTER 4

73 9 24
                                    

It was hard to tell when the world stopped turning.

The moment Lauren blinked off the water blinding her, pakiramdam niya ay inanod na rin ng ulan ang buong mundo.

Everything just suddenly melted in the background, leaving just her, him, and the pouring rain on them.

Kahit iyong tubig na pumapatak sa lupa ay hindi na niya naririnig. Nilamon na rin kasi ng malalakas na tibok ng kaniyang puso ang tunog niyon.

'Shit.'

She mindlessly stopped in the middle of her track when her hand found her chest. She could feel her heart thumping inside it so hard that if it beat just a bit harder, it would probably pop out.

Hindi ito ang unang beses na nagkita sila, pero ito ang unang pagkakataon na nabigyan niya ng atensyon ang mukha ni Khaos. She didn't really notice how perfect his nose was. Pati na rin ang mahahabang pilik-mata at natural na mapupulang mga labi nito.

Even the way his wet clothes clung to him like a second skin couldn't hide the toned muscles underneath them. It made him look like a demi-god as he stood there--just motionlessly feeling heaven's wrath.

Anong kayang tumatakbo sa isip nito habang dinadama ang ulan? Did something happen before she came?

Hindi na masabi ni Lauren kung kailan tila nahihipnotismong humakbang ang kaniyang mga paa. Her footsteps were light and scared. Na para bang natatakot siya, pero hindi naman mapigil ang sariling lumapit.

Isa...

Dalawa...

Hanggang...

"Aw!" Nataranta sa pagtatakip ng bibig si Lauren nang may kung ano siyang maapakan at biglang sumigid ang sakit sa buong binti niya. It was goddamn sharp, and when she checked her sole, she saw how the raindrops washed away her blood from a small shard stabbing her foot.

Doon palang tila nagising sa pananaginip si Lauren at paika-ikang lumapit sa mga nakakalat na silya roon. As it looked, isa sa mga dekorasyong bumbilya ang nalaglag mula sa pagkakasabit at suwerte namang naapakan niya pa.

Malakas pa rin ang ulan nang sa wakas ay makaupo siya at tahimik na inspeksyunin ang kaniyang paa. She was biting on her lower lips hard as she kept her whimper from coming out.

Ayaw niyang abalahin si Khaos dahil kahit kailan ay hindi naman niya naging ugali na mang-abala ng iba kapag nasasaktan siya. She had survived losing her precious baby alone. So what was a tiny stab wound compared to that, right?

Her wound was hurting like a bitch, but then she just bravely sniffed through the pain and swallowed it. Naginginig ang mga kamay ni Lauren nang umakma siyang bubunutin ang bubog sa paa niya. Nang biglang...

"You're late."

'What?' Napapitlag pa siya nang mula sa kung saan ay may tumabig sa kaniyang mga kamay. Then, even before she understood anything, a pair of manly hands had already taken the liberty to lift her foot.

"Khaos!" Napakapit siya sa inuupuan, pero matalim na tingin lang ang sinagot nito sa kaniya.

He looked pissed—the sexy type of it—when he kneeled like a knight in front of her, then started checking her foot.

Babawiin niya pa sana ang paa niya mula rito dahil sa sobrang hiya, kaso humigpit naman ang kamay nito sa sakong niya.

"Stop moving--"

"It's just a wound," putol niya agad sa sasabihin pa nito. Sunod-sunod ang pagkalabog ng dibdib niya. His hands were pleasingly warm, pero nananaig ang kagustuhan niyang umiwas.

How to Love an HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon