"Ma, iwan mo na lang kasi ang kambal dito. Baka mamaya mahirapan ka pa kung dala-dala mo pa sila."
"Hindi na anak. Nakapangako na ako sa Tiya Annie mo na dadalhin ko sila."
"Hayy. Sayang hindi ako makakasama."
"Okay lang 'yan anak. May susunod pa naman eh. Ano'ng nangyari sa boses mo?"
"Pagod lang siguro ma. Ikumusta mo na lang po ako kay Tiya. Bibisitahin ko na lang siya 'pag lumuwag na ang schedule ko."
Lumipat na kasi ng probinsiya ang Tiya Annie niya at bibisitahin ito ng kanyang mama at ng kambal.
"Sige anak. O kambal, magpaalam na kayo sa Kuya n'yo."
"Bye Kuya Kyll." Sabay nilang sabi at yumakap sa Kuya nila.
"Pasalubong ko ha. 'Wag kalimutan." Tumawa ang dalawang bata sa hirit ng Kuya nila.
"Sige na. Alis na kami."
"Ingat kayo!"
—
"We have a meeting this afternoon with an investor."
"Oo nga pala."
"Okay ka lang? You don't look well." Lumapit si Maverick kay Jekyll at nilagay niya ang kamay niya sa noo nito. "May sinat ka."
"Ipahinga ko lang 'to. Mawawala rin 'to mamaya."
"Umuwi ka na lang kaya. Ako na lang bahala sa meeting mamaya. Iupdate na lang kita."
"Sure ka?"
"Oo. Para makapagpahinga ka rin ng maayos. Ay wait lang. Tatawag lang ako ng driver mo. Bawal ka munang magdrive."
"Makakapagdrive pa naman ako. OA nito."
BINABASA MO ANG
Twin Strangers | A KENTIN AU
FanfictionWhat are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause confusion to the other? Will he take the risk of loving someone. . . again?