Chapter 3

19 9 0
                                        

03.


Holly's POV


Nagising ako dahil sa sinag ng araw mula sa bintana ng aking kwarto. Umaga na. I yawned and stretched my body before getting up. I opened my eyes and looked around my room.


Nakatulog na pala ako?


Napaisip ako kung paanong nakatulog ako kagabi ng hindi ko napapansin. Paano nga ba--?


Nanlaki ang mata ko at napatingin muli sa paligid ko. Bumalik bigla lahat sakin! Mula sa tawag ulit ng 444 hanggang sa pagbasa ko ng Prime Rules nila. Pero matapos matingnan ang bawat sulok ng aking kwarto ay nakahinga ako ng maluwag.


Sabi na e'. Panaginip lang.


Napatawa ako sa sarili ako at napahawak sa ulo ko. 


I knew it. All of it seemed too unreal to be true. I'm so dumb.


Tumayo na ako mula sa kama ko at nakangiting sinuot ang tsinelas ko nang...


"Good morning." A voice said out of nowhere. Napatalon ako sa gulat at napatingin muli sa aking likod. Napaawang ang aking labi nang makita muli... siya. 


"So hindi nga siya panaginip..." Hindi ko namalayang sabi ko. Ngumiti lang siya sakin habang nakaupo siya sa upuan sa harap ng salamin ko. 


"Sabi ko sayo kagabi pa, hindi ka nananaginip. You're wide awake," He reminds me. 


He stayed here the whole night? Wait... do spirits even sleep?


"So what's our plan for today, Ms. Holly?" He asks so casually. How could he sit there so relaxed while I'm still very confused?


"Ano? May pasok ako ngayon. Kung ano man plano mo, leave me out of it." Sabi ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. I was walking down the stairs and I thought he stayed in my room but I was surprised when he suddenly floated in front of me. Napasigaw ako at muntikan ng ma-out of balance nanaman nang makita siyang nalipad.


"Hija? Holly?" Biglang narinig ko naman ang boses ni Manang Moring. Napaiwas ako ng tingin kay Gavin at napatingin sa pinto kung saan sumilip si Aling Moring. "Ayos ka lang ba? Narinig kitang humiyaw." Nag-aalalang tanong ni Manang. Napatingin ako kay Gavin na nasa harap ko pa rin at pauli-uli ang tingin sa akin at kay Manang. Hindi naman ni Manang tiningnan si Gavin... 


H-Hindi talaga ni Manang nakikita si Gavin?


"A-Ah . . . okay lang po ako. Pasensya na po, muntikan lang po ako maout of balance pababa ng hagdan." Pagdadahilan ko.


"Nako, mag ingat ikaw sa pagbaba ng hagdan. Akala ko naman ay may nangloob na dito." Napahawak si Manang sa kaniyang dibdib na parang gumaan ang loob niya nang malaman na walang masamang nangyari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Spirit's WishWhere stories live. Discover now