Chapter 1

2 0 0
                                    


"Baby"


"Felicia Grace Montez"

Napalingon ako sa boses na tumawag sakin mula sa pintuan ng kwarto ko. Napahinga ako ng malalim. Ayan nanaman si mommy.

"Mommy, sa pagkakatanda ko nilock ko yung pinto ko ah?" sabi ko habang nakataas ang kilay. Tinawana lang ako ni mommy.

"Anak, nandyan ang tita Lucy mo. Kauuwi nya lang from states. Ayaw mo man lang bang bumati? Aba kanina ka pa niya hinahanap sa akin at kanina pa din kita tinatawag." ani ni mommy habang naka pam-maywang.

Huminga ako ng malalim. "Mom, bababa din ako. Tinatapos ko lang itong mga final requirements ko. Sobrang dami ko pang dapat tapusin." sabi ko saka ibinalik ang paningin sa laptop ko at itinuloy ang ginagawang comparative essay na ibinigay saamin ng prof namin kanina at bukas din ang deadline.

Lumapit saakin si mommy tyaka hinawakan sa balikat. "Kanina ka pa naka-babad dyan sa laptop mo. Halika muna sa labas, humalik ka man lang muna sa tita mo. Ikaw din baka mag tampo yun, alam mo naman si Lucy." pilit ni mommy saka bumingisngis.

Napakamot ako sa aking sintido tyaka huminga nanaman ng malalim, di ko na mabilang kung pang ilang ulit na akong bumuntong hininga bago tumango, "Maliligo lang po ako." sabi ko tyaka sinave muna lahat ng files ko bago sinimulang ioff ang laptop.

Pumalakpak ang mommy dahil sa tuwa, "Okay, okay. Sasabihan ko ang tita mong pababa ka na. Mauuna na ako dun ha?" sabi nya tyaka hinalikan ako sa pisngi.

I'm already 19 years old but my mom treat me as 12 years old. Sabagay, hindi ko sila masisisi dahil ako lang ang unica ija nila Felipe at Gracia Montez. Isa sa mga succesful na entrepreneur dito sa pilipinas.

Inayos ko na ang mga papel na naka-kalat sa table ko at itinapon ang mga naka-crumple na mga papel sa sahig. Hindi naman ako mahilig mag-aral, gusto ko lang matapos agad yung mga dapat gawin para hindi na ako nagrurush. Mas payapa ang buhay.

Naligo na ako at nag suot lang ng simple T-shirt at pants. Sa bahay lang naman ako and hindi din ako girly manamit kapag dito sa bahay. Mas madali kasing gumalaw kapag mga tshirt at pants o di kaya short lang.


Bumaba na ako at nakita ko si mommy na nakikipag tawanan sa sala kasama si tita Lucy. Si tita Lucy ay bestfriend ni mommy since college sila, kaya parang magkapatid na ang turingan ng dalawa. Nagkahiwalay lang sila nang lumipat sila tita Lucy sa states para magpatakbo ng kumpanya nila, but look at them now, still "best friend forever".

"Hi, tita!" pukaw ko ng pansin sa kanila nang makalapit.

"Oh my, is this Fely na? You're so pretty!" yumakap sakin si tita Lucy tyaka pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Grabe, the last time I saw you, you are so liit pa tapos you don't want to bitaw kay mommy mo. Hindi ba, Gracia?" sabi ni tita Fely.

Napa-tawa ako ng pilit sa sinabing iyon ni tita Fely. Muntik ko nang di maintindihan si tita Lucy dahil sa pagiging conyo nya. 'BGC girl yata si tita'.

"Haynako, Lucy. Matagal na yun, ngayon ay hahawakan ko palang sya ay nakanguso na. Ayaw nya nang binibaby ko sya" si mommy tyaka umaktong naiiyak.

"Mommy" sabi ko tyaka kumamot sa likod ng tenga, nagsisimula na akong mahiya. Tinawanan lang nila akong dalawa.

"Btw did you see Kiel already, Fely?" biglang tanong ni tita Lucy. Napahinto ako. Kiel...


"Kiel! Kiel! Look oh! I got spider. Nakita ko sa ilalim ng lamesa sa likod ng bahay" sabi ko habang patakbong lumalapit kay Kiel.

Nandito kami ngayon sa bakuran nila, may malaking puno dito kaya presko at hindi mainit.

"That might bite you, baby!" Kiel said tyaka agad kinuha sakin ang gagambang hawak ko. Napanguso naman ako. He always calls me baby kasi daw yun din naman ang tawag ng mga mas nakakatanda saamin like mommy, daddy, and his mom and dad.

"I'm not a baby, Kiel!" I said habang naka nguso padin at saka nag cross arms.

"You are, because I'm older than you," sagot nya habang pinapakawalan sa puno ang gagambang nakuha ko.

"But that doesn--"

"Yeah, yeah. Tara na, baby. I can already smell the banana cue. I requested that to manang for our meryenda. Diba favorite mo yun?"


"Fely?" tita Lucy said. Nagising ako mula sa pagiisip bago umiling. "Really? He's already here eh. Nasan na ba ang batang yun?"

With that, exactly after what tita Lucy said, may narinig kaming dalawang lalaking nagtatawanan. The one is sure akong si Daddy, at ang isang baritonong boses ng binata naman ang kausap ni Daddy. Hindi ako lumingon sa pinanggalingan ng boses na yun. His voice... it's been a year, Kiel.

"Fely..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Prodigious LoveWhere stories live. Discover now