4

2 0 0
                                    

Chapter 3


"Okay, let's talk about my rules here for you to follow," I said and crossed my legs.

Cadence nodded and held his knee while staring at me. Napataas na lang ang kilay ko nang mapansing may nakahanda siyang malaking bag na para bang handang handa na siya para dito.

Tamang desisyon ba talaga 'to?

"Sige lang, lods. Ano ba 'yang rules na 'yan? Masunurin naman akong tao, e." He smiled at me.

"First, don't touch me. Don't even come near me." My eyes narrowed.

He let out a sexy chuckle. "Why would I come near you, Ms. Landlady?" he asked while grinning.

I cleared my throat. "Just to be sure. Ayoko na basta mo ako lalapitan at hahawakan. Papalayasin agad kita kapag nilabag mo 'yon," pananakot ko sa kanya.

"Sige na, ano pa 'yung iba?" tanong n'ya.

"Pwede mong gamitin ang stove at maglagay ng pagkain mo sa ref... Pero h'wag kang makikialam ng sa akin. H'wag mong pakialaman ang mga pagkain, ibang gamit ko, at sabon at shampoo ko. Mag-provide ka ng iyo. H'wag ka rin masyadong aksaya sa kuryente at tubig... Pwede kang mag-imbita ng kakilala rito, pero h'wag kayong maingay at magulo dahil ayokong naaabala ako sa trabaho. Hindi natin kailangang laging magpansinan kaya h'wag mo akong guluhin. Lastly, magbayad ka ng upa," nakataas-kilay na sabi ko. "Naintindihan mo ba ang mga sinabi ko? Kapag may nilabag ka sa mga 'yon, sisipain agad kita paalis ng bahay ko."

Cadence scratched his eyebrow and nodded. "Okay, teacher. Gets ko naman po," tila nang-aasar pa na sabi n'ya.

"That will be your room." Itinuro ko ang pinto ng magiging silid n'ya. "There's a small bed there. Walang electric fan at ibang gamit dahil ikaw na ang bahala ro'n. Sa taas ang kwarto ko... h'wag na h'wag kang aakyat doon kung ayaw mong mapalayas."

"Walang aircon?" tanong n'ya.

Natigilan ako. "Aircon? Ano ba'ng akala mo rito? Hotel?" nakataas-kilay na tanong ko.

"Joke lang, masyado kang seryoso sa buhay. Kaya wala kang jowa, e," napapailing na sabi n'ya.

"Hindi ko kailangan ng jowa. Ang kailangan ko... pera," sabi ko na lang at inismiran siya.

Cadence didn't respond. He just roamed his eyes around my house. I crossed my arms and watched his every move. What the hell is he thinking right now?

"Liah, may rule din ako," sabi n'ya saka seryosong tumingin sa akin.

I nodded. "Spill it."

Cadence sighed. "Kahit na ga'no ako kagwapo, h'wag kang maaakit sa 'kin."

Napaawang na lang ang labi ko sa sinabi n'ya. Saan n'ya ba nakukuha ang gan'yang kayabangan?

"Wala ng sense ang sinasabi mo. Pupunta na 'ko sa kwarto ko at matutulog. Ikaw rin matulog ka na," sabi ko na lang at tumayo. Akmang aakyat na ako nang tawagin n'ya 'ko.

"Liah..."

I looked at him and raised my eyebrow. "Ano?"

He smiled at me and tilted his head. "Good night."

Napatikhim ako. "Good night."

Agad na 'kong nagtungo sa silid ko para matulog. Napatitig na lang ako sa kisame nang makahiga na. Napabuntonghininga ako at pumikit.

Cadence seems harmless. Sana lang talaga maging maayos ang pagsasama namin dito hangga't hindi siya nakakahanap ng ibang uupahan.

"GOOD MORNING, lods..."

Napapitlag ako sa gulat nang si Cad na nakaupo sa may kusina ang bumungad sa akin pagbaba ko sa hagdan.

Oo nga pala, nangungupahan na siya rito sa akin.

I greeted him back. "Good morning."

May inangat na plastic si Cad. "Ano'ng mas gusto mo... itong pandesal na 'to o pandesal ko?" Inangat n'ya ang damit para ipakita ang abs sa akin.

Napasinghap ako at agad na napaiwas ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko. Hindi naman ako ang nagpakita ng katawan pero hindi ko alam kung bakit ako ang nahihiya.

"W-What are you doing?! Baliw ka ba?!" I growled and looked at him. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang hindi na nakaangat ang damit n'ya.

"H'wag kang galit agad. Gusto ko lang naman na ma-energize ka ngayong araw sa tulong ng sexy abs ko." Muli n'yang inangat ang damit.

I closed my eyes tightly and clenched my fists. "Kapag hindi mo pa itinigil 'yan, papalayasin na talaga kita!"

"Ito na nga, hindi na. Upo ka na rito, Liah. Pinagtimpla rin kita ng kape," sabi na lang n'ya.

Napaismid na lang ako at tumingin sa kanya. Napabuga na lang ako ng hangin at lumapit sa kanya saka umupo sa upuan katapat n'ya. Ngumiti siya sa 'kin saka inabot sa akin ang baso na may kape.

"Thank you," I mumbled and avoided his gaze.

"Oh, pandesal."

I gasped and immediately closed my eyes. I heard Cadence chuckled and tapped the table with his fingers. I opened my eyes and looked at him. He's playfully grinning at me. I suddenly want to rip that grin off his handsome face. He's teasing me!

"H'wag kang OA, legit na pandesal na 'to... maliban na lang kung mas gusto mo ang abs ko," nakangising saad pa n'ya.

"Bakit ko naman gugustuhin ang abs mo?! Hindi naman nakakabusog 'yan!" asik ko saka kumuha ng isang pandesal at naiinis na kinagat 'yon.

"Pikon," bulong n'ya.

Napataas ang kilay ko. "May sinasabi ka, Mr. Dimagiba?"

"Wala po, Jomelyn."

I glared at him and kicked his leg under the table. Tinawanan n'ya lang ako saka kumagat din sa pandesal.

"Ano'ng oras ka nalabas ng school?" biglang tanong n'ya.

"Bakit mo tinatanong?" ganting tanong ko.

"Simula ngayon... Ihahatid at susunduin na kita sa trabaho mo, pero siyempre, ikakaltas mo 'yon sa upa," sabi n'ya saka nagtaas-baba ng kilay sa akin.

"Hindi na kailangan," sabi ko na lang saka uminom ng kape. "Ouch," daing ko dahil mainit pa pala ang kape.

"Iyan, buti nga sa 'yo. Kinakarma ka kasi tanggi ka nang tanggi sa blessings," napapailing na sabi ni Cad saka muling kumagat sa pandesal.

Napairap na lang ako at hinipan muna ang kape. Walang magandang idudulot sa akin ang pakikipag-usap sa lalaking 'to.

Pagkatapos kong mag-almusal. Naghanda na ako para pumunta sa school. Naabutan ko naman si Cad sa sala. Nakasuot siya ng simpleng white t-shirt at jeans na medyo maluwag. May nakasabit pa na puting towel sa batok n'ya. Driver na driver talaga ang datingan n'ya.

"Ano na, teacher? Halika na. Ang tagal mo kumilos," sabi n'ya saka hinawi ang buhok n'ya.

Napailing na lang ako at lumabas ng bahay. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.

"Good morning, Cad!" bati ng mga kapit-bahay sa kanya.

Nilingon ko siya at natigilan ako nang mapansing panay ang bati n'ya sa mga kapit-bahay. Napakunot ang noo ko. Kailan pa siya naging gan'yan ka-close sa mga kapit-bahay ko?

"Mabuti naman pinayagan ka na ni Liah na mangupahan!" nakangiting sabi ni Aling Ising.

"Yes naman, salamat sa moral support n'yong lahat! Wooh!" sabi ni Cadence at nakipag-apir pa sa kanila.

Hindi ba nauubusan ng energy ang lalaking 'to?

"Sakay na, mahal na prinsesa..." sabi ni Cad nang makasakay na sa tricycle n'ya. Itinuro n'ya ang pwesto sa likuran n'ya.

"Sa loob na lang ako sasakay," sabi ko na lang pero agad n'ya 'kong pinigilan.

"Ano ka ba? Dito ka na sa likod ko. Paano kung may ibang pasahero na sumakay. Ma-i-intimidate sila sa kagwapuhan ko. Ikaw lang naman ang walang pakialam sa pogi kong mukha, diba? Kaya dito ka na sa likod ko," sabi pa n'ya.

I didn't get what he's trying to say because it makes no sense at all. But I just sighed and sat beside him. Agad akong kumapit sa kapitan dahil baka mawalan na naman ako ng balanse kapag bigla siyang nagpaharurot.

"Ano'ng oras uwi mo?" tanong n'ya at nagsimula ng magmaneho.

"4 pm, usually," tipid na sagot ko.

I cleared my throat when I accidentally inhaled Cad's scent. I don't if it's cologne or his natural scent... but he really smells good.

"Susunduin kita mamaya ha. H'wag mo kalimutan na ikakaltas mo 'to sa upa," sabi pa n'ya.

"Oo na," naiinis na sabi ko na lang para manahimik na siya.

"Liah, hiningi ko 'yung number mo kay Ate Linet nu'ng nagpa-load ka. Pwede ba tayo maging textmate?" tanong n'ya pa.

"No! Pwede bang mag-focus ka na lang sa pagmamaneho?! Saka burahin mo na ang number ko!" sabi ko na lang saka inirapan siya kahit hindi n'ya ako nakikita.

"Sungit! Pangit!" singhal n'ya rin.

My goodness. Bakit sobrang isip-bata n'ya?!

Pumasok ako sa school na naba-badtrip dahil kay Cadence. Pinilit ko na lang na i-lift ang mood ko dahil ayaw ko namang harapin ang students na nakasimangot.

"Ma'am Liah, hanggang ilang words po 'yung essay?" tanong ng class president na si Shiella.

"150 words or less is alright. The word count doesn't matter as long as you explained the topic clearly the way you understand it. Minsan kasi nagiging paulit-ulit na lang," I said and smiled at her.

"Thank you po, Ma'am," she said and went back to her seat.

Natigilan ako nang mapansing nag-vibrate ang phone ko. Agad kong binasa ang text mula sa unregistered number na 'yon.

cAd3nCe p06! i2 s@v3 Mu NuMb3r qH0e

My lips thinned with exasperation when I read his text. I deleted his text and blocked his number...

In-unblock ko rin naman agad ang number n'ya makalipas ang ilang oras dahil nakonsensya ako.

"Ma'am Liah, sasama ka ba sa birthday ng head mamaya?" tanong ng kasamahan ko rin na teacher na si Ma'am Fely. Nagkasabay kami maglakad palabas ng school ng ilang teachers sa english department.

"Hindi po, Ma'am. May kailangan pa po kasi akong gawin. Pero nagsabi na po ako kay Ma'am Glenda kanina," sabi ko na lang.

Actually, I just want to take a rest. I've been working nonstop for weeks, alam ko namang gano'n din sila. But I'm really not into parties and loud places. I prefer to be in a quiet place while reading tons of books. I can do that forever and I won't get bored.

Isa siguro 'yon sa dahilan kaya wala akong masyadong kaibigan simula pa noon. I'm too work oriented. Hindi raw ako masyadong nagsasaya sa buhay ko kaya boring ang tingin sa akin ng ibang tao. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit wala pa rin akong boyfriend... Wala pa rin naman sa plano ko ang gano'ng bagay.

"Ma'am Liah!"

Napapitlag kami ng mga teachers nang harangin kami ng tatlong estudyante sa gate. Napabuga na lang ako ng hangin nang makitang sina Mark 'yon.

"Ma'am Liah, bawal ka po ba talagang ligawan?" tanong ni Mark.

Nahihiyang napatingin ako kina Ma'am Fely na napapailing habang nakatingin sa amin. Mukhang mapag-uusapan na naman ako nito sa department.

"Bawal siya ligawan."

Natigilan kami nang may humila sa kwelyo ng mga estudyante palayo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Cadence 'yon.

"Babe, halika na. Uwi na tayo," sabi pa ni Cad saka lumapit sa akin at inakbayan ako. Halatang nagulat ang mga teachers na kasama ko sa nakita.

"W-What are you doing, asshole?" I mumbled at him.

"I'm just trying to help you, Liah. Just go with the flow, hmm?" bulong n'ya rin sa akin.

"May gwapo ka palang boyfriend, Ma'am Liah. Hindi mo man lang nasasabi sa amin," tila nanunuksong sabi ni Ma'am Olive.

Ngumiti na lang si Cad sa kanila saka tumingin kina Mark. Natigilan ako nang mapansing namutla sila habang nakatingin kay Cadence. Agad naman silang humingi ng sorry sa akin at umalis. Nagtatakang napatingin ako kay Cad na nakaakbay pa rin sa 'kin.

"What did you do to them?" tanong ko habang naglalakad na kami papuntang tricycle n'ya.

"Wala naman, tiningnan ko lang nang masama. Sakay na." Inalis n'ya ang pagkaka-akbay sa akin saka sumakay sa tricycle n'ya.

Hindi na lang ako pumalag at sumakay sa pwesto sa likuran n'ya. Gusto ko na rin namang umuwi dahil pagod na ako.

Nakita ko pa na hinabol kami ng teachers ng tingin habang nag-uusap-usap. Napailing na lang ako at hinayaan 'yon.

"Mahirap ba maging maganda, lods? Pati mga estudyante, type ka. Pero h'wag kang mag-alala dahil ako ang bahala sa 'yo. Pwede akong magpanggap na boyfriend mo pero ikaltas mo rin sa upa."

"Puro ka kaltas! Baka wala ka ng ibayad sa 'kin n'yan," reklamo ko.

"Edi don't! Suplada," narinig kong sabi pa n'ya.

Napailing na lang ako at napahilot sa sentido ko. Sakit talaga sa ulo ang lalaking 'to.

"THANK GOD, rest day tomorrow," I said while looking at my calendar.

I looked at the wall clock. It's already 12:30 am. Inaantok na talaga ako pero tinapos ko na muna ng advance ang ilang kailangan ko gawin next week para naman hindi maipon ang workloads ko.

I sighed when I suddenly remember that I still need to do the laundry tomorrow... So tomorrow won't be a rest day too, huh.

Lumabas ako ng silid ko at bumaba sa kusina. Natigilan ako nang maabutan ko si Cad na nakaupo ro'n habang nakatulala. Napangiwi ako nang mapansing naninigarilyo na naman siya. Mukhang malalim ang iniisip n'ya.

Natigilan lang siya nang maramdaman ang presensya ko. Napatingin siya sa akin saka ngumiti.

"Hey, why are you still awake?" I asked him.

"Can't sleep," he answered and puffed on his cigarette.

Natigilan siya nang lumapit ako sa kanya saka kinuha ang sigarilyo sa bibig n'ya. Nagtungo ako sa sink at binasa ang sigarilyo saka tinapon sa basurahan.

"Hindi ka na nga makatulog, naninigarilyo ka pa. Lalo kang hindi makakatulog n'yan. Uminom ka ng gatas," sabi ko saka nagsimulang magtimpla ng gatas para sa aming dalawa.

"Gatas? Ano ako? Bata?" natatawang tanong n'ya.

"Isip-bata ka naman, okay lang 'yan," tila nang-aasar na sabi ko sa kanya.

"Ay, wow. Palaban ka na ngayon." Nararamdaman kong nakangisi siya ngayon.

Napailing na lang ako at sinalinan ng tubig mula sa thermos ang dalawang baso na may powdered milk saka hinalo 'yon. Lumapit ako sa kanya at inabot sa kanya ang isang baso.

"Drink that, makakatulong 'yan sa hirap makatulog," sabi ko saka ininom ang gatas ko.

"Hindi naman ganito ang nagpapaantok sa 'kin," natatawang sabi n'ya pero ininom din naman 'yon.

Napataas ang kilay ko. "Ano ba ang nagpapaantok sa 'yo?"

"Sex," agad na sagot n'ya.

My cheeks burned in embarrassment. I know I wasn't the one who said that but I don't know why it made me blush. I'm not open-minded to this kind of conversation.

"Y-You are so vulgar," I mumbled and cleared my throat.

Cadence let out a sexy chuckle. "Bakit gan'yan ka mag-react? Baby ka ba?" natatawang tanong pa nito.

"Shut up." I glared at him.

Saglit na natahimik si Cad at ininom na lang ang gatas na tinimpla ko. Lihim akong napangiti habang pinapanood siya. Napapangiwi siya habang iniinom iyon.

Cad looked at me. Maybe he noticed I was staring at him. I just avoided his gaze and drank my milk again.

"Kung hindi ka makatulog, mag-usap muna tayo. Baka kailangan mo lang ng kausap," I said and looked at him at my peripheral vision.

"Are you sure? Mukhang inaantok ka na," saad n'ya.

"I am, but I won't be able to sleep peacefully knowing that you can't sleep and having a hard time here," I mumbled and looked at him.

Saglit na natahimik si Cad habang nakatingin sa baso n'ya.

"Liah... masyado kang mabait," biglang sabi n'ya.

Natigilan ako nang seryoso siyang tumingin sa akin.

"Hindi naman," sabi ko na lang saka muling uminom ng gatas.

Inilapat ni Cad ang magkabilang siko n'ya sa mesa saka matiim na tumitig sa akin. "Bawasan mo ang pagiging mabait. Baka masamantala ka ng masasamang tao," sabi n'ya habang nakatitig pa rin sa 'kin.

"Hindi nga ako mabait," sabi ko na lang saka inirapan siya.

Cad chuckled and drank his milk again. "Wala ka bang boyfriend?" biglang tanong n'ya.

I shook my head. "I don't have a boyfriend. Wala rin namang magtatangka. People around me find me boring and uninteresting... Sabi pa nila ganda lang ang meron ako," tila natatawang sabi ko habang pilit na nilalabanan ang antok.

"What's wrong with them? You're not just beautiful... you're kind and caring too," he said while staring at me.

My heartbeat raced as my cheeks burned with his remark. I just laughed awkwardly and rolled my eyes at him.

"Tama na ang pang-uuto, hindi ko ikakaltas 'yan sa upa mo," napapailing na sabi ko na lang.

Natawa rin si Cadence. "Pangit mo naman ka-bonding. Seryoso ako rito, e."

Saglit kaming natahimik. Muli na lang akong uminom ng gatas at hindi na nagsalita pa. Nararamdaman kong nakatingin sa akin si Cad pero hindi ko na lang 'yon pinansin.

"So... walang nanliligaw sa 'yo ngayon?" biglang tanong n'ya.

Tumango ako. "Maliban sa estudyante..." natawa ako, "...wala naman. May mga nagtangka naman manligaw pero hindi rin nagtagal. Saka hindi na rin ako nagpapaligaw ngayon," sagot ko na lang.

Natahimik si Cad. Napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin. Bahagya siyang ngumiti bago nagsalita.

"Ako, Liah... pwede ba akong manligaw sa 'yo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DefaultWhere stories live. Discover now