PROLOGUE

4 2 0
                                    

Maybe,

Limang letra, pero isa lang ang pinaparating. Pag babakasali, walang kasiguraduhan at hindi mo alam kung mangyayari. Limang letra na pwedeng manakit, at mag paramdam ng pag babakasakali ng isang tao.

Pwedeng ipilit na mangyari at pwede din HINDI.

May naka pag sabi sa akin dati na, mag baka sakali ka lang malay mo mangyari. Pero hindi pala pwedeng ipilit na mangyari, kung ipipilit naman natin malay mo mawala yung kasiguraduhan na mangyari yun, bakit hindi nalang natin hayaan ang tadhana? Malay mo mangyari ang gusto mo o HINDI.

Ako si lea, bata pa lamang ipinilit na imulat ang aking isipan mula sa mundong masakit, mundong walang kasiguraduhan at mundo na dapat mamuhay ka na sigurado na ang lahat, wala ng pag babaka sakali kasi kung hindi mo sisiguraduhin yun, malay mo mawala iyon sayo.

Nung bata ako pinilit kong intindihin ang mga kataga na paulit- ulit na sinasabi sa akin ng mga magulang ko.

" Anak mangako ka sa akin na, maging sigurado ka lagi sa kung ano ang gusto  mo sa buhay, kung gusto mo ba ang isang bagay o may gusto kang tao,Sa mundong ito, dapat sigurado ka lagi, dahil baka nalagpasan mo na yung mga tao, bagay at lalo na ang pangyayari, dahil baka mag sisi ka na hindi ka sigurado nung dumating na yon. Pero nung sigurado kana, nalagpasan o nawala mo na pala yun. At yun ang masakit sa lahat." 

Ibinigkas ito ng aking nanay, habang ang mga mata ay bakas ng pag alala, na animo'y nandun na ang mga opportunidad sa harapan ko at hindi pa ako sigurado, at nalagpasan ko na ang mga opportunidad na ito.

Not Sure,

Yan ang mga katagang lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko tuwing tinatanong nila ako sa mga bagay bagay na may kinalaman sa kasiguraduhan. Totoo naman kasi diba? Walang tao ang sigurado lagi, lumaki akong ganon ang iniisip, lumaki ako na iniisip na pwede pang mag bago ang isang tao, bagay at pangyayari.

Dahil ang mundong ginagalawan natin ay mundong walang kasiguraduhan, at yun ang ayaw tanggapin ng karamihan.

Sigurado ka nga, sigurado ka rin bang hindi sila mag babago? Sigurado ka bang hindi mag babago ang takbo ng oras kapag sigurado kana?

Wag kang matakot kung walang kasiguraduhan ang gusto mong mangyari, dahil malay mo may mas magandang opportunidad ang nag aantay sayo.

Ako si Vier, namulat ako sa buhay na walang kasiguraduhan at hinahayaan ang tadhana ang mag ayos at mag desisyon kung anong mangyayari ngayon, bukas at sa mag dadaan na araw.

Then,

One day, I met her. The girl whom changed my perspective in life, nag bago ang tingin ko sa mundo, nag bago ang tingin ko sa oras na tumatakbo ng kay bilis at nag bago ang pagtingin ko sa mga opportunidad na dumadaan sa buhay natin.

Nung nakilala ko sya, binago nya ang mga paniniwala ko sa mundo, na ang mundo pala ay puno ng opportunidad, na kahit anong mangyayari meron, at merong opportunidad ang nag- aantay sayo, tuwing kasama ko sya, pakiramdam ko sigurado ako sa daloy ng mga bagay sa buhay ko.



One day I woke up, not knowing what i really feels, being not sure what i really feels, and I know, i fuck up.

"Lea, Paano kung ayaw ko na?," tanong ko sakanya.

Tumingin ako sakanya, tingin na parang walang kasiguraduhan kung tama ba ng sinabi ko o mali, kung ang sinabi ko ba ay kagaya din ng nararamdaman ko. Ang pakiramdam na hindi ka sigurado, kung mahal ko ba sya o hindi.

"Ayaw mo na ba sa akin Vier?," tanong ko sakanya na puno ng emosyon.

Nakatitig sya sa akin, Ang sakit sakit ng tingin nya, ang mga mata nya ang sumagot sa tanong, ayaw nya na nga, ang mata nya ang nag sasabi sa akin na ayaw nya na at sinasabi ng mata nya na bumitaw na ako kasi bumitaw na sya. Eto na nga yon, eto na yung oras para bitawan ko ang lahat kasi bumitaw na sya.



"Miss"

Tumingin ako, at nakita ko sya. Ang laki ng pinagbago nya, pero bakit yung nararamdaman ko sakanya hindi pa rin nag babago?

"Miss, your wallet, here" Inabot nya sa akin ang pitaka ko.

may pangalan ako, diba yung pangalan ko yung favorite mong pangalan.Diba may bracelet ka pang pina customize na nakalagay yung pangalan ko. Nung naisip ko yon, tumingin ako sa kamay nya kung saan nakalagay dati yung bracelet na yon, wala na.

"Th- thank you,"

Pag katapos kong sabihin yon, umalis nako, shet nakakahiya, nakatitig pala ako sakanya, nautal pa nga. Ano yon lea!? Shet naman eh, alam kong mas pumogi sya pero nakakahiya pa rin!!!




"Mahal kita, pero tama na vier. Nag mumukha na akong tanga oh. Pagod na ako, pagod na akong mahalin at umaasa sayo. Pagod na akong umasa na magiging sigurado ka rin sa nararamdaman mo sa akin"

Umalis ako kaagad, nag lakad, tumakbo kahit ano bastat maka alis lang ako sa lugar na yon. Ang sakit pala na hanggang ngayon hindi pa rin sya sigurado sa akin. Ayaw ko na pagod na ako.




"Doc, how have you been?"

Nung narinig ko iyon, napalingo ako.

"Vier." apat na letra lang lumabas sa bibig ko, dahil naalala ko nanamn ang sinabi nya ng huli kaming nag kita.

"Maybe one day, l'am already sure about my feelings to you. Maybe one day, i can love you truly and maybe one day, i can love you without a doubt or hesitation."








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAYBE, one dayWhere stories live. Discover now