CHAPTER 3

107 5 1
                                    

A/N: errors here and there.

________

Title: Na Na Na

Artist: Bini

________

Lisa Manoban

Kanina pa masamang nakatangin sa akin ang babaeng 'to habang magkatapat kaming nakaupo sa sala ng mansyon. Samantalang si Seulgi at Don Juanito naman ay magkatabing nakaupo sa mahabang sala.

Hindi ko man gustong aminin pero kinakabahan at natatakot ako sa mga titig niya.

"pfft- HAHAHAHAHHA"

Naputol ang mahabang katahimikan sa malakas na pagtawa ni Seulgi pagkatapos kong ikwento ang nangyari.

"So you actually thought that i'm this mandu right h-here?" natatawang tanong nito sa'kin, tumango naman ako dito.

"Stop calling me that!''

Pinaglihi ata sa sama ng loob ang babae na 'to

"Are you saying something?"

Shocks! Narinig nya yung sinabi ko?

"Yes, actually, my sense of hearing is particularly strong, especially when I am aware that the person who has provoked me is saying something negative about me." may diin na sabi nito.

"Jennie" singit ni Seulgi

"What? I'm just saying the truth" paliwanag nya "And this girl is trying to harassed me" dagdag pa nito.

"WHAT!?"

"ANO!?"

"Hoy! hindi totoo yang sinasabi mo!"  sigaw ko dito habang nakatayo.

"Jennie, what you're saying is wrong, I know Lisa can't do that." sabi ni Seulgi

"Who knows, right? And why is she still here? Is she that so close at kasipsip sa inyo para bigyan nyo pa sya ng chance na magpaliwanag" natatawang sabi nito.

"Jennie stop" pigil ni Gi dito.

"Sumosobra kana" tinitigan ko ito ng masama, tumingin ito sa'kin at sinamaan din ako ng tingin.

"So, what will you do about it?" tumayo ito at lumapit sa akin.

Halos konting pagitan nalang ang layo niya sa'kin habang masama pa rin kaming nakatitig sa isat-isa.

"Stop you two" may diin na sabi ni Don Juanito. "Lisa, go to my office now" tumayo ito at deretsong umakyat ng hagdan papuntang office nya.

Natauhan naman ako at kinabahan.

Matatanggal na ba ako?? hindi pwede, ako ang inaasahan ni inay at itay.

Tinignan ko ang babaeng nasa harapan ko, napansin kong nakangisi itong nakatingin sa akin.

"Good luck" mapang asar na sabi nito bago umalis.

"Lisa" lumapit naman sa akin si Seulgi "ayos ka lang?" may pag alalang tanong nito sa'kin.

"Oo, ano ka ba ayos lang ako" ngumiti ako dito "Puntahan kona si Don Juanito" malungkot na tumango naman ito.

Kinakabahan ako, hindi- SOBRANG KINAKABAHAN AKO.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kina itay ang nangyari,
kung hindi lang dahil sa babaeng yon ay wala sana ako sa posisyon na 'to.

At isa pa kung hindi lang dahil sa katangahan ko kanina ay hindi ito mangyayari, napagkamalan kong si Seulgi ang babae na yon!

Kung ano man ang iniisip nyo sa amin ni Seulgi ay mali kayo, kadiri noh.

Pagkadating ko sa tapat ng office ni Don Juanito ay kinakabahan akong kumatok sa pinto nito. Pagkatapos non ay dahan dahan akong pumasok at nakita ko itong nakaupo at nagbabasa.

Lumapit ako at tumayo sa harapan nito.

"Tatanggapin ko po kung ano ang magiging desisyon nyo" nakayukong sabi ko dito "Ngunit sinusumpa ko pong hindi ko kayang gawin ang mga
binibintang ng apo nyo"

"Alam ko" gulat na tumingin ako dito.

"A-ano ho?"

"Sinabi mong tatanggapin mo kung ano man ang magiging desisyon ko" binaba nito sa lamesa ang binabasa nya at tumingin sa akin, tumango naman ako.

"Malaki ho ang utang na loob ng pamilya ko sainyo kaya kung ano man  ang maging desisyon nyo ngayon ay tatanggapin ko." tipid na ngumiti ako dito.

"Be Jennie's P.A"  nagulat ako sa sinabi nito.

"A-ako p-po?" hindi makapaniwalang tanong ko

"Sa reaksyon mo palang ngayon ay alam kong tatangihan mo na ang alok ko pero sinabi mong tatanggapin mo kung ano man ang maging desisyon ko." paliwanag nito.

"P-pero bakit po ako? Nakita nyo naman po diba na hindi kami magkasundo" tumayo ito at nilapitan ako.

"Kaya nga" ngumiti ito sa'kin, naguluhan naman ako sa sinabi nito.

_____

Jennie Kim

"Jennie open the door!" for godsake! can people leave me at least for a while. I haven't been here for a week and I don't know if I'll make it another week.

"What!?" I shouted angrily when I opened it and saw seulgi.

"Jennie you should apologize!"

"Why would i apologize!?"

"Because you accused her even though you know to yourself  that it's not true." natawa naman ako

"Why would I lie? You know what? let's end this conversation. I'm getting tired of discussing it anymore." i was about to close the door when she stopped it with her hand

"Take back what you said earlier"

"No" I tried to close the door again but she stopped it na naman.

"Jennie"

"No"

"Take it back"

"I said no!" I shouted angrily before slamming the door shut.

This vacation is the one that will stress me out. Now I know why I didn't want to come here in the first place. I feel like my friends are happy on their vacation in Paris while I'm bored and stressed here, I haven't even been here a week yet, but I already want to go home!

I was about to go to bed when someone knocked again.

"Seulgi leave me alone!" but the knocking still hasn't stopped.

"No Seulgi!" it got louder.

"I said no!"







"Hoy hot siopao buksan mo 'to!"

_____

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon