Prologue - Snippet

936 32 1
                                    

Prologue

"What the fuck was that, Elias?" nagpupuyos sa galit ang kaibigan at tumatayong manager ni Elias na si Luis. Nasa loob na sila ng van nila at paalis na sa bar kung saan may gig ang artista.

"Hinawakan ng gagong 'yon ang ari ko", sagot ni Elias. Marahas niyang tinanggal ang dalawang butones sa bandang leeg ng suot niyang polo para makahinga ng maayos, pakiramdam niya bigla itong sumikip dahil sa sobrang galit. "Bakit ba kasi tinanggap mo ang offer na 'to?"

Ang tinutukoy niya ay ang opening ng isang gay bar sa Makati. Ilang oras na lang bago ang event nang sabihin ng manager niya na gay bar pala ang pupuntahan nila. Hindi na siya puwede pang umatras dahil nakaperma na siya sa kontrata at malaki-laki ang in-offer sa kanya na talent fee. Kung bakit ba kasi hindi niya binasa ang pangalan ng bar bago siya pumerma!

"Kailangan nating i-reverse ang isyu na kumakalat tungkol sa'yo. Kailangan nating ipakita na hindi totoo na homophobic ka," ilang beses nang pinaliwanag ni Luis ang bagay na 'to sa talent niya. At ilang buwan na nitong binubuo ang image na 'yon para magbago ang tingin ng mga tao kay Elias, para maniwala ang mga 'to na parte ng isang script ang anti-gay remarks na pinakawalan ng trenta-dos anyos na artista sa isang live interview. "Tapos sinuntok mo pa talaga ang gagong 'yon?! May nakakita. May nakakuha ng picture. Sigurado ako na kalat na kalat na 'yon ngayon sa social media!" napahilot siya sa kanyang sintido. Parang ayaw na niyang mag on-line para tignan kung ano ang trending ngayon. "Ilang buwan tayong nag lay-low. Itong event na 'to ang una mong appearance since that interview. Redemption mo 'to dapat, eh. Ano na ang gagawin natin?"

"May naka line-up pa naman tayo na projects ko diba?"

"Need I remind you na halos lahat na endorsements mo ay umatras dahil sa skandalong 'yon. We lost millions, Elias! Tinanggihan mo naman ang mga projects na in-offer sayo ng VivoFilms".

"Fuck cancel culture!"

"Huwag mong sisihin 'yong mga tao na ang gusto lang ay magkaroon ng malinis na idol. Sisihin mo 'yang pagiging homophobic mo. Nakalimutan mo na ba na majority of your fans ay miyembro ng LGBTQ+ community?"

Natahimik si Elias. Tama naman kasi ang manager niya. Alam naman niya iyon noon pa kaya nga pinilit niya ang sarili na pakisamahan ang halos lahat na bakla sa industriya ng pag-aartista. Ewan ba niya. Wala naman siyang masamang naging experience mula sa mga bakla, maliban sa kanina, pero ayaw na ayaw niyang madikit sa mga 'to. Siguro dahil hindi niya gusto ang mga kabastusan na lumalabas sa bibig ng mga 'to at ang mga indecent proposals na natatanggap niya. Parang naiinsulto siya. At ayon nga, four months ago, nang tinanong siya ng kalbong host kung nakatanggap ba siya ng mga indecent proposal at kung may pinatulan ba siya sa mga ito ay bigla na lamang niya nasabi na nandidiri siya! Kinabukasan naging trending iyon. Nag back-out ang mga endorsements niya at ang iba niyang tv shows ay bigla na lamang pinatay ang mga characters niya. Nawalan siya ng trabaho!

Alam niyang ginagawa lahat ni Luis ang kaya nitong gawin para maibalik lang nito ang good image niya. Pero muli na naman siyang pumalpak kanina. Nasuntok niya ang isang customer na anak ng isang governor dahil bigla nitong hinawakan ang burat niya habang umiinom sila.

"I think it's time na tanggapin mo ang offer sa'yo ng GVA Studios," ani Luis.

"Fuck, no!"

"This is our last resort, Elias kung ayaw mong maging zero-zero ang laman ng bank book mo".

"No! Ano na lang ang sasabihin ng anak ko kung makikita nya 'to paglaki niya?"

"Mas dapat mong isipin kung ano ang sasabihin ng anak mo kung bakit hindi mo siya nabigyan ng isang magandang buhay," napabuntong hininga si Elias. "This is the last thing I can think of to save your dying image, bro. Bata pa naman si Chloe, I am sure maiintindihan niya kung bakit mo tinanggap ang projects na 'to. And there is nothing wrong with this project, Elias".

"Yes there is! Makikipaghalikan lang naman ako sa kapwa ko lalaki!"

"BL is a hit right now. Sikat ka sa mga bakla. We should use that to our advantage lalo na't matagal na nilang gustong makita na gumanap ka bilang isang ama na nagmahal sa isang teenager na bakla. This is their dream film from you. Pagbigyan na natin sila".

Hindi sumagot si Elias. Iniisip pa lang niya na makikipaghalikan siya sa isang lalaki ay parang masusuka na siya.

"For the meantime, you should lay-low habang fina-finalize ko pa ang project na 'to sa producers. Do me a favor, Elias. Huwag kang gumawa ng gulo!"

"Can't we think of anything else? Iyong hindi ko na kailangang makipag palitan ng laway sa isang lalaki?"

"Then find yourself a gay son and show to the world how accepting you are of him for being part of the LGBTQ+ community!"


Abangan ang full chapter....

At dahil bakasyon na ay asahan nyong may update sa dalawa kong kuwento for the month of May. magiging busy na naman kasi ako sa June. hehehe.

Thy Father Thy Son 2 - Elias and YuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon