I dedicate this story to you Miss Author kase ikaw yung unang author na pumansin saken kahit madame ka nang followers nag eeffort ka pa pong sagutin yung napakadameng message namen :DD
Saka ikaw din yung unang nag post sa message board ko .. Hehee
God Bless Miss Author :DD
___________________________-
" Star Sorry " sabi sakin ni Carla
Bestfriend ko na siya simula pa yata nung nasa sinapupunan pa lang kami ng nanay namin. Alam na namin lahat nang bagay tungkol sa isa't isa. Alam na niyang kahit anong paraan ayaw matanggal ng split ends sa buhok ko at kahit ano mang tapang tapangan ang gawin niya hinihimatay talaga siya sa tuwing makakakita ng gagamba.
Sorry .. Yun na yata yung salitang pinaka huling salitang gusto kong marinig mula sa kanya nang mga oras na yon.
Para saan nga ba yung sorry niya ? Sorry ba dahil hindi nanaman niya nadala yung librong kakailanganin ko para sa Thesis namin ? Sorry ba dahil nag lihim siya sakin sa loob ng 3 taon ? Sorry dahil siya yung dahilan ng panlalamig sakin nang Boyfriend ko ? Ah , siguro humihingi siya ng Sorry kasi magbebreak na kami ni Joshua mamaya dahil sa kanya ..
" Sorry din Carla, masakit kasi. Tanga siguro ako kung sasabihin kong, Okay lang naiintindihan kita " namalayan ko na lang na una unahan na palang nahuhulog yung luha mula sa mga mata ko.
"Hindi ko sinasadya !!! " niyakap niya ko .. Umiiyak na rin pala siya .
" Ang alin ? Hindi mo sinasadyang mahulog yung loob mo sa boyfriend KO ?! ano Carla ?! Hindi mo sinasadyang maging KAYO habang Girlfriend pa niya yung Bestfriend mo ?! Hindi mo sinasadyang makasira ng relasyon na tumagal ng 3 taon ? Hindi mo sinasadyang traydurin ako ?! Hindi mo sinasadyang saktan ako !? " .. hindi ko na napigilan yung sarili ko .. ang sakit sakit naman na ! bakit kasi sa lahat bestfriend ko pa ..
" nakakatawa no, dati tinanong mo ko, ano nga bang dapat piliin ? Friendship o Love ? sobrang gasgas na ng linyang yan .. pero sa dami ng nagtatanong ,ngayon ko lang nalaman, mahirap pala. mahirap mag bitaw ng sagot carla.. " pagkatapos kong punasan yung luha ko tinanggal ko yung kamay niyang nakayakap sakin at mabilis na naglakad palayo sa kanya.
_________
To : Joshua <3 Boyfie
Meet me at the park, 3 pm ..
From: Star
Pagkatapos mag sent ng message ko sa Boyfriend ko na maya maya ay magiging Ex ko na rin, nag talukbong ako ng unan. Oo, matutulog ako. Ramdam kong malapit na kong bumigay. Masyado nang maraming nangyari.
Babe ! Nagtext ako .. Babe ! Nagtext ako .. I love you !
Wala pang 10 minutes na nakapikit yung mata ko, tumunog agad yung cellphone. Message Alert tone ko nga pala yun. Boses ni Joshua, nirecord niya. Nakaset lang yun pag galing sa kanya yung message.
From: Joshua <3 Boyfie
Ok.
Siguro kung natanggap ko yung text na yan nung mga panahong hindi ko pa alam yung nangyayari sa pagitan nila, magtatampo nanaman ako. Bakit walang i love you sa reply niya ? :/
Kaso iba na ngayon. Alam ko na lahat. Gusto kong umiyak ng umiyak hanggang sa wala na kong maramdaman. 10 taon yun, 10 taong binigay ko ng buong buo yung tiwala ko sa bestfriend ko. 3 taon naman kay Joshua, tatlong taong nag mahal ako ng higit pa sa sarili ko. Mawawala na lang lahat sa loob ng isang araw.
BINABASA MO ANG
Apology Accepted Best Friend ( One Shot )
Teen FictionChoosing between Love and FriendShip ? Masyado nang gasgas yan. Bakit mo kasi pahihirapan yung sarili mo kung pwede mo namang piliin parehas.