002

3 0 0
                                    

Hanggang kailan mararamdaman
Ang lungkot na tila'y walang katapusan
Kailan kaya hihinto
Ang pagtangis na ito
Dahil sa hindi malamang dahilan

Sa ilang beses na paghahanap ng sagot
Sa tanong na "Bakit ko ito nararanasan?"
Ay ang ilang beses ding pagkabigo
Dahil walang mahagilap na sagot sa mga katanungan

Ano pa ba ang pwedeng gawin
Nang kahit papaano ay mabawasan ang bigat
Dahil tila kahit ang pag-iyak ay hindi na rin sapat
Hanggang kailan kaya gagaan ang bigat na araw araw ay buhat...

Unsaid, Unheard & UnexpressedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon