04

51 16 0
                                    

Chapter 04
Shiloh's Admirer

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove-on sa nangayari 'nung isang araw.

My tangled feelings for Devin.

Ayan ka na naman.

Crush ko siya oopero sa mga pinaggagawa niya sa akin hindi ko alam kung kikiligin ba ako o pinaglalaruan lang. Ganito ba talaga 'pag walang karanasan sa pag-ibig?

Nakasagabal tuloy ang pangyayaring iyon sa pagsasagot ko ng quiz kahapon.

Hindi kasi maka-move on, first kiss ba naman.

Buti nasagutan ko pa rin ng maayos.

My mind was blown away too while Mixie was talking to me, but she keeps understanding me, kahit hindi niya alam ang nangyari. Palagi na lang. Sa lagay ko napakaswerte ko na may kaibigan akong katulad niya.

Hindi ko masabi ang hinanaing na ito kay Mixie kasi mahilig siya sa ganoong topic, lalo na pag sinabi ko na may gusto ako kay Devin, aasarin lang ako 'nun at baka sabihin o ibuking pa ako. Hindi ako sanay nang ganoon.

Kaya siguro single pa rin ako. Kasi sa panahon ngayon ang babae na ang nagpi-first move. Gaya ni Mixie na papansin kay Luther.

Ewan.

Napapaisip na lang ako, napakatalino ko tapos ang mangmang ko mag-isip 'pag sa love na. Ang bilis ko kasi magkagusto at kadalasan sinasarili ko na lamang iyon.

Sabado ngayon, mag-aalas 9 na ng umaga, nakahiga pa rin ako sa kama, habang yakap yakap ang malambot na unan.

Ayoko pang bumangon.

Kung nasa probinsya pa rin ako, hindi ako hahayaan ng lola ko na ganito, 'yung hindi pa kumikilos.

Imbes na kumain na at maligo, gumawa ng gawaing bahay at mag-unat-unat naman ng katawan, para malusaw ang taba. Heto nanatili pa rin ako.

Tama si lola... Kapag hinayaan mo na nakahiga ka ng matagal tatamarin ka at manghihina. Wala ng nagmamando sa akin, nakakamiss naman.

Pero sa sitwasyon ko, sobrang pagod na ang nararamdaman ko ngayon, kumpara sa dati. Kahit naha-handle ko ng ayos ang oras ko about school.

Bumangon na rin na ako at nagmumog. Kailangan ko pa pala isipin yun bago kumilos.

Nang buksan ko ang kabinet ng stacks ng pagkain ko, bumulaga sa akin ang ilang mga ipis.

"Walang laman." saad ko ng makita ang loob ng kabinet. Sabay pagkulo ng tiyan ko, kaya napahawak nalang ako rito.

Napagdesisyunan ko na lumabas ng apartment para bumili ng de lata sa malapit na tindahan. Baka himatayin na ako eh 'pag hindi pa ako kumain. Mahina pa naman ang resistensya ko.

Sumagi na naman sa isipan ko ang ang marka mula sa pinto ng apartment ko nang sasaraduhan ko ito. Habang naglalakad ako, walang anoman ang inisip ko kundi ang misteryo na marka. Wala pa naman ang marka na iyon nang makarating ako sa apartment ah. Hindi kaya dahil ito ng mga humabol sa amin noon?

Sa paglalakad ako, nakita ko ang pamilyar na pulang kotse na naka-park. Pero kaagad naman na itong umandar at nilampasan ako. Sabi ko sa sarili ko baka kaparehang sasakyan lang 'nung nakita ko dati.

Shiloh's Point of View

What a rush hour! I dont want to be late. I look at my watch while driving and it's almost 10 in the morning. Sana wala pa siya sa meeting place.

The Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon